"M-Ma."
Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya ngunit mas lumakas lang ang paghikbi niya at nagsilbing punyal iyon na tumusok sa puso ko.
"S-Saan ba ako nagkulang sa i-iyo, Mari? Ginawa ko naman ang lahat, a. Lahat ng paalala binigay ko na. Kahit alam kong nagdadamdam ka at kahit alam kong lumalayo ang loob mo sa akin, tiniis ko iyon ."
Sabi niya habang nagpapatuloy parin sa ginagawa. Nanatiling nakatalikod pa rin ito sa akin.
"K-kahit alam kong mas gusto mong tumira sa bahay ng papa mo...at sa m-madrasta mo, pero binalewala ko iyon kasi ang gusto ko lang ay mapabuti ka. K-kasi ayaw kong matulad k-ka sa'kin. N-Na walang pinag aralan at m-maaga nabuntis at nagkaanak."
Hindi ko na rin mapigilang lumuha dahil sa sinabi niya.
"K-kahit hindi mo ramdam...ingat na ingat ako sa iyo kasi ayokong matulad ka sa'kin. K-kahit araw araw na napapalayo ang loob mo sa akin tiniis ko iyon kung kapakanan mo naman ang kapalit 'nun."
Ang sakit lang sa dibdib marinig ang iyak ng nanay mo. Ito rin ang unang beses na nagpakita ito ng emosyon sa akin. Unang beses niyang umiyak sa harapan ko. And J swear, I don't want this to happen again.
"Kahit anong ingat ko sa'yo...n-nangyari pa rin ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Binagsak niya ang kutsilyo at pinahiran ang luha niya. Walang tigil din ang ang pagtulo ng luha ko. Mga hikbi naming dalawa ang tanging maririnig sa loob.
"H-hindi mo n-naman kasalanan m-ma. S-sorry po....s-sorry po sa mga nagawa ko at s-sa hindi ko p-pagsunod sa iyo."
Mabigat ang dibdib kong sabi.
Maya maya ay parehas na kaming kumalma at tanging katahimikan nalang ang bumabalot sa amin..
"Anong plano mo ngayon?"
Hindi kaagad ako nakasagot. Gulong gulo pa rin ang isip ko pero isa lang ang sigurado...I want to keep my baby. Kahit wala si Earl...
"I-Ipagpapatuloy ko po ang pagbubuntis. Titigil lang p-po ako kapag nakapanganak p-pero mag a-aral din ulit...."
Tumango ito.
"Alam na ba 'to ni papa mo?",
Iyon pa nga. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ni papa kapag sinabi ko sa kanya ito. He more lenient than mama pero kasi malaki ang tiwala niya sa akin. Pero bahala na....
"S-sasabihin ko po bukas..."
Hindi ito umimik at naghain na lang ng pagkain. Tinitingnan ko ang mukha ni mama at binabasa ang emosyon niya. Hindi naman ito galit. May konting sakit lang sa mga mata nito.
Pagkatapos namin kumain ay tinimplahan niya ako ng gatas para inumin. Ang sabi niya pupunta raw kami sa doktor bukas pagkatapos kong kausapin si papa. Mas mabuti na raw na ma check up ako ng maaga para alam namin ang gagawin.
And I don't know if it's my hormones but I cried again when I arrived at my room. Because I did not expect my mom's reaction. I didn't expect that she'll be okay with my pregnancy. Because to be honest? I expect her to tell me to abort my child. So her, asking me about my plans for this pregnancy made me cry again.
Kinabukasan ay ngarag akong gumising dahil sa sakit ng ulo.
Kaagad akong pumunta sa banyo ng maramdamang nasusuka na naman ako.
Anak, kumalma ka naman.
Nasa banyo parin ako nang makarinig nh pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Si mama iyon at may dalang tubig. Pinuntahan niya ako sa banyo at tinulungang maglinis.
"Magdahan dahan ka sa banyo at baka madulas ka." Mahinang sabi nito kaya napatango ako.
Nag iinit na naman ang mga mata ko.
"Mahirap magbuntis pero mawawala rin iyang pagsusuka mo. Kung may masakit sa iyo sabihan mo ako. Mahirap magbuntis ng mag isa."
Parang may pinaghuhugutan si mama sa sinabi niya.
But I imagined her being pregnant alone...ngayon pa nga lang napapagod na ako...ano pa kaya siyang mag isa lang siya? Na walang natatawag kapag kinailangan niya ng tulong? Na wala ang papa ko?
Ngayon ko lang naisip ang mga iyon. Tama nga ang sinabi nila, hindi mo maiisip at mararamdaman hangga't hindi ka magiging ina.
Minutes later, she left me inside fhe bathroom for me to take a bath. Dahan dahan lang ang pag galaw ko dahil maselan pa ang pagbubuntis ko. It's dangerous especially sa mga first few months. That's what I saw in the internet.
Pagkatapos kong maligo ay saka ako nag text kay papa na papunta ako sa bahay nila. Nagtanong naman ito kung magpapasundo ako pero ang sabi ko ay huwag na.
Nilutuan aki ng breakfast ni mama at pina inom ng gatas.
"Kapag may kung anong masakit sa iyo...text mo 'ko o sabihin mo sa papa mo. Mag iingat ka."
Bilin niya sa akin. Gusto ko siyang yakapin pero...hindi kasi namin ginagawa iyon ni mama kahit dati...hindi kami iyong typical na mag ina.
Bumuntong hininga lang ako pagkatapos ay lumabas na dahil nandoon na ang grab na binook ko.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang makabahan. Nilaro laro ko ang daliri upang makalma ang sarili ko.
Pinapanood ko lang ang bawat nadadaanan namin sa byahe na akala mo naman ay first time kong makita.
Pagkarating sa bahay nina papa ay nakita kong nasa labas ito ng gate at hinihintay ako. Napalunok ako ng mariin.
Dahan dahan akong bumaba at sinalubong naman ako ni papa.
"May problema ba?"
Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako ngunit mas lamang ang nerbyos ko. Sanay na sanay na ito na pumupunta ako sa kanya kapag nag aaway kami ni mama.
"Wala naman po, pa. May gusto lang sana akong sabihin sa'yo."
Kumunot naman ang noo nito.
"Si Tita Anne, po?"
"Nasa loob..nagluluto kasi nalaman niyang pupunta ka ngayon. Pasok na muna tayo."
Inakbayan niya ako kaya medyo kumalma ang kalooban ko. Plano ko sanang mamaya na muna sa kanila ni Tita Anne ang kondisyon ko.
Ngunit hindi iyon nangyari dahil pagpasok pa lamang namin sa kusina ay naamoy ko ang niluto ni Tita Anne na siyang dahilan kung bakit ako napatakbo sa banyo at sumuka....
YOU ARE READING
I'm Sorry, It's Too Late
General FictionThe only thing that Amari Francine Fernandez wants to explore the world. But she was not able to do that because of her mom, who always wants her to follow what she wants. Her mom who always holds her back whenever her wings is ready to fly. Her e...