10

215 8 0
                                    

"Are you okay, darling?"

Tanong ni Tita Anne sa akin. Nasa labas pala siya ng banyo at hinihintay ako.

"O-okay lang po, Tita."

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Medyo, po."

Hindi ako sanay na nagsisinungaling kay Papa at Tita Anne. Siguro kasi alam nila iyong mga bagay na nagawa ko. Masyado akong naging kampante.

"Ano na naman ang pinag aawayan n'yo ng mama mo?" Kaswal na tanong ni papa.

Dati kapag pinag uusapan namin si Mama ay naiilang ako lalo na't kasama namin si Tita Anne. Pero nakikita ko naman kay Tita Anne na walang epekto sa kanya iyon kaya nasanay na lang din ako.

Nasa hapag kainan pa rin kami. Wala akong ganang kumain kasi mas gusto ko iyong pakbet ni mama pero kumain naman ako kahit konti.

"H-hindi naman po kami nag away ni mama, papa."

Tumaas ang kilay ni papa.

"O? Himala at hindi iyon ang rason kung bakit ka nandito."

Natatawa naman si Tita Anne. Ngunit hindi ko magawang tumawa kasi kinakabahan ako. Ayoko nang palipasin ang isang araw na hindi ko ito nasasabi sa kanila.

Nilapag ko ang kutsara sa plato ko at tuluyang hinarap ng maayos si papa at si Tita Anne.

"A-Ah...m-may sasabihin po sana ako sa i-inyo papa..."

"Kung gala na naman iyan Amari, huwag muna. Ilang linggo ka palang nakauwi galing sa bakasyon mo kasama ang mga kaibigan mo."

Umiling naman kaagad ako.

"H-hindi po tungkol 'dun papa...."

Huminga ako ng malalim. Sumeryoso naman sila nang makitang seryoso ako.

Mariin akong napapikit at nagsalita.

"B-buntis po a-ako..."

Nakapikit pa rin ako ngunit rinig ko ang pagbagsak ng kutsara sa plato at mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko..

"Ano 'yun, Amari? Namali ata ako ng rinig?"

Kagat-labi kong dinilat ang mga mata ko at sinalubong ang tingin ni papa na ngayon ay nag aapoy na galit ang nandoon. Habang si Tita Anne naman ay walang reaksyon.

"B-buntis p-po ako..."

"Putang ina, ano?! Huwag mo akong ma biro biro Amari at hindi magandang biro iyan."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Napatungo ako.

"T-totoo po..."

Napatalon ako sa gulat nang pinatid ni papa ang upuang katabi niya. Napasinghap naman si Tita Anne at pinigilan ito ngunit galit na galit si Papa kaya tingin ko ay walang makakapag pigil sa kanya.

"Tang ina, sino ang ama niyan? Sagutin mo ako Amari hangga't nagpipigil pa ako!"

Lumuluha pa rin akong napatingin kay papa. Anong sasabihin ko? Na nakilala ko lang sa isla pagkatapos ay may nangyari sa amin pero wala kaming kumonikasyon ngayon?

"Halika, samahan mo ako ngayon din at haharapin ko ang gagong bumuntis sa'yo!"

Akmang aalis ito ngunit pinigilan ni Tita Anne.

"H-hindi ko po alam k-kung nasaan s-siya, 'Pa."

Ilang mura ang narinig ko galing sa kanya.

"Tang ina, naman. Hinayaan kitang gawin ang lahat ng gusto mo kasi nagtiwala ako sa'yo. Kasi iyon ang sinabi mong hindi kayang ibigay ng nanay mo sa'yo. Tapos ganito ang mangyayari pagkauwi mo galing bakasyon? Sana pala hindi kita pinayagan!"

Napatungo nalang ako at napahagulhol.

"Mas lalo mo lang pinatunayan na hindi ka talaga dapat pinagkatiwalaan."

Katahimikan ang bumalot sa amin bago nagsalita si Papa ulit.

"Ipa laglag mo 'yan."

Nayanig ang mundo ko dahil sa sinabi ni papa. Kaagad akong umiling.

"Ayoko po!" Umiiyak na sabi ko sabay hawak sa tiyan ko na para bang prinoprotektahan ang anak.

"Ayokong ipagpapatuloy mo iyang pagbubuntis mo. Pinag aral naman kitang mabuti pero gumaya ka pa rin sa mama mo. Umalis ka at ipatanggal mo 'yan."

Doble ang sakit na nararamdaman ko dahil sa gustong ipa lagalag ni papa ang anak ko, na apo niya at pati na ang pang iinsulto niya kay mama.

Patuloy ako sa pag iyak habang umiiling.

"Ipalaglag mo 'yan. Tandaan mo, huwag kang bumalik dito hangga't hindi mo tinatanggal 'yan."

At tuluyan nang umalis sa harapan namin si papa.

Humahagulhol akong tumingin kay Tita Anne ngunit mas lalo lang akong nasaktan dahil sa disappointed na tingin niya sa akin bago nito sinundan si Papa.

Inihilamos ko ang mga kamay sa mukha ko at nagpatuloy sa pag iyak.

Kinailangan kong mamili...kung ipagpapatuloy ko ang pagbubuntis pero hindi ko makikita si Papa...

Nasaktan ako kasi siguro sa loob loob ko...akala ko mas madaling magsabi kay Papa kaysa kay mama dahil sa relasyon namin..

Malaki ang kasalanan ko kay mama pero siya pa itong tanggap ang kalagayan ko.

Kinalma ko ang sarili at nanghihinang tumayo. Naglakad ako palabas at napagpasyahang umalis na muna. Babalik na lang ako sa susunod na araw. Hindi naman siguro ako matitiis ni papa. Mag aaral pa rin naman ako kahit buntis ako. Magtatapos pa rin ako ng pag aaral kahit may anak na. Huli na man na ang lahat pero...hindi ibig sabihin ay hihinto na ako.

Pagkarating ko ng bahay namin ay nabungaran ko si mama sa sala na nagtatahi. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak. Napatingin siya nang maramdaman niya ang presensya ko. Kagat-labi akong tumingin sa kanya upang hindi ako mapahagulhol.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Napabuntong hininga siya...siguro alam na niya ang resulta dahil sa reaksyon ko ngayon.

Umupo ako sa katabing upuan kung saan siya nakaupo.

"Galit ang papa mo?"

Tanong niya habang ipinagpatuloy ang ginagawa.

Hindi ako nakaimik pero alam kong alam na niya.

"Hindi mo siya masisisi. Alam kong pinagkatiwalaan ka niya. Kaya ka nga niya tinotolerate, e. Kahit mawalan ka ng respeto sa akin sinuportahan ka niya sa mga gusto mo. Alam ko...kasi kahit naman sabi mo sa akin na wala akong kaibigan, may pakpak pa rin ang balita."

Hindi tumitingin na sabi niya. Hayan na naman ang mga luha ko.

Pinaglalaruan ko ang aking dalawang kamay.

"G-gusto niyang i-ipalaglag ang bata m-mama."

Kaagad siyang napabaling sa akin dahil sa narinig.

"Anong sabi mo?"

Umiling lang ako dahil sa hikbi.

"Desisyon mo iyan, Amari. Dati, gustong gusto mong magdesisyon para sa sarili mo. Ngayon mo iyan gawin. Katawan mo naman iyan. Walang kahit na sino ang dapat magdikta sa kung anong dapat mong gawin sa katawan mo. Ikaw lang dapat."

I'm Sorry, It's Too LateWhere stories live. Discover now