08

179 8 0
                                    

It's been two weeks since we went to Cebu for a vacation..

After that, hindi pa kamo nagkikita-kita ulit ng mga kaibigan ko kasi busy na sa school. While me...I'm busy fixing my relationship with my mom.

Ilang beses ko ring ginustong magtanong sa mga kaibigan ko tungkol kay Earl. Gusto ko lang kamustahin siya at kung okay lang ba siya. Pero sa loob ko, ayaw kong simulan ang bagay na alam kong magiging kumplikado lang sa huli. Baka kasi hindi ko na siya mabitawan....

Do I still think about what happened between us in the island? Of course. Palagi. Minsan nga kahit may ginagawa ay napapatigil ako.

Kagagaling ko lang sa school dahil biglang sumakit ang tiyan ko kaya't umuwi ako kaagad.

Kumukulo ang tiyan ko pero hindi naman ako natatae. Nasusuka ako. Hindi ko alam kung bakit. Kumain naman ako ng agahan. Ang huli kong kinain ay ang fishball at kwek kwek pero sa tinagal tagal ko nang kumakain ng mga iyon, ngayon pa ba sasakit ang tiyan ko?

Nang makarating sa bahay ay kaagad akong tumakbo papuntang banyo dahil nasusuka ako.

Ngunit nang sumuka na ay wala namamg lumabas at tanging laway lang.

"Anong nangyari sa'yo?"

Nagulat ako dahil ni hindi ko naramdaman ang presensya ni mama. Hindi ko kasi nasara ang banyo.

Nagmumog ako at inayos ang tali ng buhok na nagulo.

"Sumama ang tiyan ko mama. Hindi ko alam kung bakit."

"Ano bang kinain mo?"

Tanong nito paalis sa banyo kaya sumunod ako.

"'yung kaninang breakfast na luto mo pero ang huli kong kinain ay fishball at kwekwek lang."

Hindi ito nagtanong ulit at tumahimik na.

"Ikaw ba'y may boyfriend na, Amari?"

Kinabahan ako sa tanong ni mama.

"W-wala po. Wala akong boyfriend."

Bakit kaya siya nagtatanong? Ang random naman ni mama.

Matiim ang tingin nito sa akin na para bang may iniisip. Bumuntong hininga ito.

"Umakyat ka na't magpahinga. Magluluto ako, may gusto ka bang kainin?"

Kaswal ang pagtanong niya. Hindi malambing. Kahit kailan hindi naman malambing si mama kaya nasasanay na ako.

"Uh...gusto ko ng pakbet, ma." Sabi ko rin. Ang sarap kumain ng pakbet ngayon.

"Hindi ka kumakain ng pakbet. Hindi ka kumakain ng gulay."

Nanlaki naman ang mga mata ko. Oo nga. Ba't ko ba biglang naisip ang pakbet.

"Uh, baka kakain na ako ma. Kakain ako ngayon please."

Tumingin na naman siya sa akin na parang isang pusa kung tumingin.

Walang sagot na iniwan niya ako sa sala at pumasok sa kusina. Ako naman ay umakyat na sa kwarto upang maglinis ng katawan.

Maya maya ay humiga lang ako sa kama kasi bigla akong inantok.

Napaka antukin ko na these past few days. Kahit kumpleto ang tulog ko. Siguro na sa oras ito ng pagtulog. Minsan kasi kahit kumpleto ang tulog mo inaantok ka parin.

Ngunit hindi lang iyon isang beses nangyari. Ang pagsusuka at pagiging antuki ko at pati na ang paghahanap ng gustong kainin ay hindi nawala pagkatapos ng araw na iyon.

Isang araw habang nasa sala at nanonood ng palabas habang pumapapak ng mangga ay biglang dumating si mama galing sa pagtitinda. Dumeretso siya sa akin at hinila ako kaya't napatayo ako.

"Ma!"

Pinasok niya ako sa banyo at may ibinigay sa akin.

"Gawin mo iyan sa loob."

Tiningnan ko kung ano ang binigay niya sa akin at ganoon nalang ang kalabog ng dibdib ko nang makitang pregnancy test iyon.

"B-bakit....b-bakit ito ma? H-hindi ako buntis!"

Mariin lang ang pagtingin ni mama sa akin ngunit may halong sakit.

"Gawin mo iyan sa loob. Malalaman natin kung hindi ka nga ba buntis."

Sabi nito at iniwan ako. Nanginginig na pumasok ako sa banyo at sinara ito. Dumandal ako sa pinto habang nakatulala. And then I realized all the days I was vomiting, getting so tired and sleepy and cravings for food.....

Fuck!

Naiiyak akong kinakabahan at hindi alam ang gagawin.

Kinalma ko ang sarili ko ngunit hindi ko na napigilan ang pagluha ko.

Apat na pregnancy test ang nasa loob ng plastic.

Kinuha ko ang isang karton at binasa ang instructions. Umihi ako at naglagay ng kaunting ihi sa pregnancy test at naghintay ng dalawang minuto. This is actually the longest two minutes of my life.

Habang naghihintay ng resulta ay iniisip ko na kung paano nga kung buntis ako?

Si papa...will he be disappointed with me? Kasi masyado siyang maluwag sa akin pero heto at....may nangyari nga.

Si Mama....si mama na hindi nagkulang sa paalala sa akin.

Si Earl...paano ko sasabihin sa kanya? Paano niya malalaman ang tungkol sa bata?

I thought of that night when something happened to us. At kahit gaano ko pa balik balikan ay iisang lang ang naiisip ko. He never pulled out. Lahat pinasok niya sa loob ko.

After two minutes...tiningnan ko na ulit ang pregnancy test.

At ganoon nalang ang pagyanig ng mundo ko nang makakita ng dalawang linya dito.

Nanghihina ako ngunit dahil in denial at hindi makapaniwala...nilagyan ko na rin ang iba pag pregnancy test....at iisa lang ang resulta. Positive.

Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay mama. Hindi siya nagkulang sa paalala sa akin sa lahat ng bagay. Ako lang itong atat ma experience ang mundo ng maaga at hindi hinintay sinabi niyang tamang panahon..

Nanghihina akong lumabas ng banyo at tulalang naglakad papunta sa sala. Umupo ako at inilagay ang pregnancy tests sa maliit na mesa sa gitna.

Doon lumabas si mama galing sa kusina at naglakad papunta sa akin.

Nang magkatinginan kami ay hindi ko na napigilan ang maiyak at mapahagulhol.

Wala itong reaksyon ngunit tiningnan nito ang mga pregnancy tests.

Titig na titig siya doon na para bang magbabago ang resulta doon..

Wala siyang sinabi pero nang mailagay niya ulit ang pregnancy tests sa mesa ay tumalikod na kaagad siya....

But I saw her wiping her tears on her face.

I'm sorry, mama....

I know it's too late.

Kahit nanghihina ay tumayo ako at sinundan siya sa kusina. Ganoon nalang ang pagdaan ng sakit sa dibdib ko ng marinig na humihikbi ang mama ko.

I'm Sorry, It's Too LateWhere stories live. Discover now