"I'm sorry....I'm sorry I didn't know..."
Naalimpungatan ako dahil sa boses na iyon at pati paghalik sa kamay ko.
Nanghihina akong nagmulat nang mga mata at ganoon nalang ang pagtalon ng puso ko nang masalubong ang mga matang noon ko pa inaasam na makita.
"Hey..." Nanlaki ang mga mata nito nang ma realize na gising na ako.
"W-Where's my b-baby...." Nanghihinang sabi ko. Tuyo na tuyo ang lalamunan.
"The nurses will bring him here later. They just conducted a test for him."
Wala akong nagawa kundi ang tumango.
"Water?"
Tumango ulit ako.
Dahan dahan niya akong tinulungang makasandal at pagkatapos ay kinuha ang baso at nagsalin ng tubig. Siya na rin ang nagpainom ng tubig sa akin dahil wala pa akong lakas.
"You were asleep the whole day after you gave birth."
Tinitigan ko ito. May mainit na tingin ang mga mata nito sa akin samantalang napaka cold nito noong makita ko sa mall.
Lumambot ang tingin nito sa akin at hinawakan ulit ang kamay ko.
"I'm sorry....I'm an asshole. I should've been there during your pregnancy. Fuck!"
Rinig ko parin ang mga mura niya.
"S-Stop c-cursing...b-baka matutunan 'yan ni b-baby..."
Napakagat labi ito at kaagad tumango. Nanatiling nakatingin kami sa isa't isa.
Bumuntong hininga ito. Siguro ay na realize niyang naghihintay lang ako ng sasabihin niya. Kasi...kahit masaya akong nandito siya...gusto ko parin marinig ang paliwanag niya.
"I'm sorry I left you the next day...when we were still in the island. I felt like a completely asshole leaving you after what happened between us. It's just that...my mom was brought to the US for her condition....and It was not good. She was not doing good. I haven't thought of anything after that but for my mom to be well. My dad had been not feeling himself so I had to be their strength and I'm sorry...because even if you hadn't left my mind...I did not do anything....because I was emotionally unstable because of our family problem."
Hindi ko alam kung bakit tumango lang ako. Kasi naiintindihan ko siya. Kasi para naman sa mga magulang niya. At siguro...kapag si mama rin ang nagkaganoon, gagawin ko rin ang ginawa niya. Paano ko pa papapasukin ang isang tao sa buhay ko kung gayung gulong gulo ako pati ang pamilya ko.
But I also could have been there as his strength, though. I'll surely understand him. Pero minsan naisip ko rin naman na tama lang siguro na hindi kami nagkausap pagkatapos ng araw na iyon. Panigurado kasing ipaglalaban ko siya sa mama ko. At hindi pa maayos ang relasyon namin ng mama ko at tingin ko...hinding hindi ko na kakayaning kung mas lumabo pa ang relasyon naming mag ina. Ano kaya ang reaksyon niya kay Earl?
"Did you not find me when you came back?"
Mahina kong tanong.
Mariin niya akong tiningnan.
"I did...but I saw you with someone that day....in your school. And that was not the first time I saw you together...so I thought..maybe may boyfriend ka na...that I also assumed na...sa kanya si baby..." Mahinang sagot nito habang nakayuko.
I think ang tinutukoy niya ay iyong isa sa mga manliligaw ko sa school. Mababait naman ang mga manliligaw ko na kahit sinabi ko nang ayokong magpaligaw ay naiintindihan nila iyon. Mas inaalagaan nila ako lalo na noong malaman nilang buntis ako. Wala akong narinig na kahit na ano galing sa kanila but instead, they spoiled me with food especially with my cravings.
Before the graduation, I shocked them one day. I wore a fitting dress in the moving up and so of course...they looked at me with shocked in their faces except for ma'am Pacina.
"I didn't get into relationships even after you left...especially when I was pregnant. I was not thinking of that especially when my family has been in chaos, too." Mahinang sabi ko.
Hindi ito nakaimik dahil pumasok si mama sa kwarto kasunod ang isang nurse na bitbit ang anak ko.
Kaagad akong bumangon ngunit mahinang napasandal ulit.
"Mama..."
"Kumusta pakiramdam mo?" Kaswal na tanong nito. Hindi tinaponan ng tingin ang lalaking katabi ko.
"Hello ma'am...here's your baby boy. He's all well and normal."
Masaya ako sa narinig kaya ngumiti ako sa nurse. Pansin ko sa gilid ng aking mga mata ang titig ni Earl sa anak namin na ngayon ay inilipat na ng nurse sa bisig ko.
Slate Ephraim...
May mainit akong naramdaman sa aking puso...I still can't believe that I was able to give birth to this beautiful baby.
"May gusto ka bang kainin?"
Napalingon ako kay mama na ngayon ay nag aayos ng pagkain sa mesa sa gilid ng kama.
"Mainit na sabaw lang 'ma. Gusto kong humigop ng mainit na sabaw."
Tumango naman ito ngunit bago pa makasagot ay naunahan na ito ni Earl.
"I'll buy it..." Sabi nito sabay tayo. Ramdam ko ang kaba nito dahil sa asta ni mama.
Tinitigan ko ito hanggang sa makalabas ng kwarto.
Bumaling ulit ako sa anak ko at hinihimas ang cute nitong pisngi at ilong.
"Ano na ang mangyayari ngayon? May plani ba ang lalaki na iyon sa inyong mag ina?"
Napatiim labi ako dahil sa tawag ni mama kay Earl.
"Hindi pa namin napag usapan, 'ma."
Rinig ko ang buntong hininga nito.
Umiyak ang anak ko kaya mas lalo kong binigay ang atensyon dito.
"Baka gutom na iyan..." Sabi ni mama kaya kaagad kong binuksan ang damit at pina dede ang anak.
Sa una ay nakakangilo pa sa pakiramdam ngunit nang makita ko kung paano nag enjoy ang anak ko sa pag inom ng gatas ay parang nawala lahat ng sakit sa katawan ko ngayon.
"Ganyan na ganyan ka rin noon...hindi ka pala iyak pero kapag gutom ay ang ingay ingay."
May kung ano sa puso ko ang biglang bumigat lalo na nang marinig ko ang lungkot sa boses ni mama. Hindi ko siya magawang tingna dahil baka tuluyan na akong maiyak.
"Malaki ka na talaga...parang kailan lang hawak pa kita...ang baby ko noon..may sariling baby na ngayon..."
YOU ARE READING
I'm Sorry, It's Too Late
General FictionThe only thing that Amari Francine Fernandez wants to explore the world. But she was not able to do that because of her mom, who always wants her to follow what she wants. Her mom who always holds her back whenever her wings is ready to fly. Her e...