17

217 8 0
                                    

"Papa..."

Mahinang tawag ko kay papa na ngayon ay matiim ang titig kay Earl.

"'Yan ba ang tang inang nakabuntis sa iyo, Mari?"

Napapiksi ako sa pagmura ni papa kay Earl. Napalunok ako't kinakabahan dahil ito ang unang beses na narinig ko siyang magsalita ng ganito.

"Magandang hapon ho sir."

May pag respetong bati ni Earl kay papa.

"Hah! Ang kapal din ng mukha mo. Ang kapal ng mukha mong sirain ang buhay ng anak ko! Ang kapal ng mukha mong sirain ang kinabukasan ng anak ko!"

"Pa!"

Hindi ko na nakayanan at pasigaw kong tawag sa kanya. Nagtiim bagang ako dahil kanina pa ako nagtitimpi. Una...tinawag niya akong malandi ngayon naman ay si Earl ang pinupuntirya niya.

"Hindi kasalanan ni Earl, pa! Kagustuhan ko rin ang nang-"

"Manahimik ka Amari!"

"No! You keep on blaming the people around me! Can't you accept the fact na ako rin ang may kasalanan? Kasi pa...hindi ako perpekto! I'm sorry for disappointing you and for ruining you trust...but you can't keep on blaming the people around me because of my mistakes, 'pa. Ako ang gumawa nito. Kagustuhan ko rin ito!"

"Binigay ko sa iyo ang lahat, Amari. Isa lang ang hiniling ko. Huwag ka munang magbuntis at tapusin ang pag aaral mo. Pero tinuloy mo parin! Hindi mo ako nirerespeto sa kabila nang pagbigay ko sa lahat ng gusto mo!"

Napaiyak ako at napailing.

"Pa...I respect you so much. But this time...I can't give you what you want. Especially kung ang anak ko ang pag uusapan natin. I will still chase my dreams. Magtatapos ako ng pag aaral pa kahit may anak na ako. Because I still want to make you proud."

Umiling ito.

"No need. Because it's too late. It's fucking too late. Magsama kayo ng nanay mo at huwag na huwag ka nang lumapit sa akin kapag may kailangan ka."

Iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay naunang maglakad patungo sa sasakyan nila. Malungkot akong tiningnan ni Tita Anne at sumunod din kay papa.

Nang makaalis ang sasakyan ng mga ito ay doon na ako tuluyang napahagulhol.

"Shhh...I'm here. I'm sorry.."

Umiling ako habang umiiyak sa dibdib ni Earl.

Nang mahimasmasan ay pumasok na kami sa loob.

Nagpaalam naman si ma'am Pacina ag nagsabi na kung may kailangan ay tawagan ko lang daw siya. Pati na ang mga kaibigan ko. Kaagad akong nanghingi ng pasensya sa kanila dahil sa kahihiyan ngunit wala namang problema ang mga ito. May pinipili lang nilang bigyan kami ng privacy ng pamilya ko.

Dinala ni Earl si Seph sa kwarto upang ilagay sa crib. Habang ako ay nagpunta sa kwarto ni mama.

Dahan dahan kong tinulak pabukas ang kwarto niya at nakita ko itong nakatalikod sa akin. Paharap sa bintana. Alam ko namang alam niyang pumasok ako.

Pinaglalaruan ko ang aking mga kamay dahil hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Gusto kong kausapin si mama at yakapin ng mahigpit. Dahan dahan akong lumapit at tumabi sa kanya.

"S-sorry po 'ma...sa mga sinabi ni papa sa iyo kanina..."

Rinig ko ang buntong hininga nito.

"A..and I'm sorry...sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa i-iyo...sa pag lilihim...sa pag suway ko sa mga s-sinasabi mo 'm-ma."

"May natutunan ka naman ba sa buhay mo, Amari? Kasi kung meron...huwag mo nang isipin iyon. Ang gusto ko lang ngayon ay gabayan ka sa kung anong problema ang meron ka."

Mas lalo akong naguilty dahil sa sagot niya.

"Alam kong hindi madali ang magiging ina...kaya sana kayanin mo. Sana...kung darating man ang panahon na kukunin na ako ng panginoon...sana ay matatag at malakas ka na..."

Hindi ko alam ngunit parang may pumatid sa puso ko dahil sa sinabi ni mama. Hindi ko kaya ata iyong mawala siya nang tuluyan sa mundo.

"S-sorry m-ma...dahil naging pasaway ako...n-ngayon naiintindihan na kita sa lahat...a-at pasensya kung ngayon ko lanh naiintindihan ang mga gusto mong iparating sa a-akin..."

Tumango ito.

"At least...may natutunan ka at..naiintindihan mo na kung saan ako galing bilang ina."

"Si Earl...mabait na bata iyon. Aaminin ko na noong una ay hindi masyadong palagay ang loob ko sa kanya dahil...parehas kami nang naisip ng papa mo. Na isa siya sa mga rason kung bakit nasira ang kinabukasan mo...pero naisip ko ring pwede niya namang takbuhan ang responsibilidad niya sa iyo...pero nanatili siya at pinanindigan ka. Kung ano man ang plano ninyo...suportado ko kayo."

Hindi ko mapigilang mapaluha sa sinabi ni mama. Dahil kung mayroon mang isang taong hihingan ko ng advise o opinyon sa panibagong buhay ko...si mama iyon.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin si mama. Napatigil naman ito dahil hindi naman talaga kami sanay na ganito kami sa isa't isa ngunit ang sarap lanh sa pakiramdam nang suklian niya ang yakap ko at tinapik tapik pa ako.

"Huwag mong isipin ang sinabi ng papa mo. Kaya natin ito, Amari. Kayanin mo dahil sa pamilya mo. Nandito ako at hindi kita iiwan."

Pagkatapos ng emosyonal na pag uusap naming mag ina ay magaan ang loob na bumalik ako sa kwarto ko.

Ganoon nalang ang paghagod ng init sa dibdib ko nang makita ang mag ama kong natutulog sa kama ko.

Parehas pa nang posisyon ang mga ito. Nakataas ang isang braso. Napatawa ako ng mahina. Dahan dahan akong gumalaw at kinuha si Seph upang ilagay sa crib nito. Umungot pa ito ngunit kaagad ko itong sinagaw upang hindi magising.

Pagkatapos ay umupo ako sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Earl.

Pinakakatitigan ko ang mukha nito.

Walang palya ito sa panliligaw sa aming mag ina. Bumawi ito sa lahat ng panahong wala ito sa tabi ko nang magbuntis ako. I saw his efforts.

Hinaplos ko ang buhok nito at napangiti ako nang maalimpungatan ito at kunot noo pang dahan dahang nagdilat ng mga mata.

Kaagad naman nitong hinawakan ang kamay ko nang masilayan ako.

"Mahal.."

I'm Sorry, It's Too LateWhere stories live. Discover now