"Sige na ma, ngayon lang naman 'to,e."
"Huwag mo akong pilitin, Mari dahil mas lalong hindi kita papayagan."
Mas lalo akong nainis sa nanay ko. Dati pa siyang ganito. Palagi nalang bahay, school, bahay, school. Nakakalimutan na ba niyang may mundo rin bukod sa paaralan at sa bahay?
"Hindi naman kami magtatagal doon ma. Tatlong araw lang na bakasyon, iyon lang naman. Tsaka hindi pa ako nakapunta sa kahit na anong outing sa school namin dahil sinusunod naman kita palagi. Ngayon lang talaga ma."
May halong pagmamakaawang sabi ko. Simula't sapol mahigpit na talaga siya sa akin. Naiintindihan ko 'yung part na nag iisang anak lang ako. Pero iyong wala siyang tiwala sa akin na hindi ako mapapariwara. Na hindi ako magiging addict at hinding hindi ako mabubuntis ng maaga, ewan!
Palagi kong sinasabi at pilit na ipinapaintindi sa kanya noon na hinding hindi ko gagawin iyon. Pero pasok sa kabila tapos labas sa kabilang tenga niya lang. Hindi ko alam ano bang dapat kong gawin.
"Sinabi ko nang hindi. Umakyat ka at mag aral doon sa kwarto mo. Mas maigi pang i-aral mo iyang pag gala mo. Wala ka namang makukuha diyan."
Sabi nito habang pinagpapatuloy ang pagluluto. Na hindi ko rin kakainin mamaya. Tingin ba niya pagkatapos nito, may gana pa akong kumain?
Tumayo ako at hindi na napigilan ang sarili.
"Meron ma. Mga alaala kasama ang mga kaklase at mga kaibigan ko. Hindi ka makaka relate kasi wala ka namang ganoon. Wala kang pinag aralan at wala kang kaibigan."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya ngunit sandali lang iyon dahil ang bilis niyang mag poker face. Hindi siya sumagot ngunit natigilan lamang siya. May konting pagsisisi sa kalooban ko kung bakit ko ba nasabi iyon pero mas lamang ang inis dahil hindi niya ako pinayagan. Padabog akong nag martsa papunta sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto at alam kong rinig niya iyon sa baba.
Padabog pa rin akong pumunta sa kama at kinuha ang cellphone. Ni-dial ko ang number ni papa at nang sumagot ito ay kaagad akong nagsumbong.
"Pa! Ano ba naman 'to si mama. Nagpaalam akong may outing kami ng mga kaibigan ko noong highschool pero hindi ako pinayagan. Ang sabi ko naman tatlong araw lang pati mga kilala rin naman niya ang mga kasama ko. Pero hindi talaga pumayag."
Narinig ko ang buntong hininga ni papa. Sanay na kasi siya sa pagsusumbong ko dahil alam rin niyang mahigpit talaga si mama.
"Pumunta ka dito sa bahay at dito tayo mag usap."
Iyon lang ang sinabi ni papa pero matinding saya na ang dala noon sa akin. Ibig kasing sabihin noon, papayag siya. Mas gusto niya lang marinig ang detalye sa personal.
My parents were never married. Because they can't. My papa is already married with Tita Anne when he met my mama. They had a one night stand and my mama got pregnant. And that's me.
It was very chaotic because my mama doesn't want my papa to know that she was pregnant with me before. She said she just wanted to protect me but I doubt it. Because if she cares for me, sana hindi niya ako nilayo kay papa kasi alam niyang mabibigyan ako ni papa ng magandang kinabukasan.
When Tita Anna knew about me, of course she was so hurt. Sino ba naman ang hindi? Ang asawa mo nagkaanak sa ibang babae. Kung ako siguro ang nasa lugar niya baka ako mismo ang humarap kay mama. Pero she never did that. She's a woman with class.
Instead, she accepted me. Knowing that I am her husband's daughter with a prostitute.
She treated me as her own daughter. She spoils me everytime.
Mas ramdam ko pa ang bonding namin kaysa sa amin ng nanay ko. Hindi ko alam. Siguro kasi bata pa lang ako ay hindi na kami nagkaroon ng bonding.
Kasi palagi niya akong iniiwan noon para maghanap ng trabaho.
Noong hinanap kami ni Papa at Tita Anne, hindi parin siya tumigil sa paghahanap ng trabaho kahit binibigyan na kami nila ng pera. Iyan ang nagagawa ng pride.
Kinuha ko ang maleta sa closet ko at naglagay ng mga damit doon. Pupunta ako sa bahay ni Papa at Tita Anne. Doon ako magpapalipas ng linggo at doon narin ako magpapa pick up sa mga kasama ko.
Pagkatapos kong magbihis ay inihanda ko na ang mga dadalhin ko.
Nilagay ko muna ang tenga ko sa pinto upang malaman ko kung nasa baba pa ba ang mama ko. Nang hindi nakarinig ng kung anong ingay ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto.
Tingin ko nasa kwarto na siya kaya dinikit ko nalang ang post-it note sa pinto niya.
Hindi naman ako ganoon ka sama. Kahit oo na, masama talaga akong anak. Pero kasi...hindi ko maintindihan ang relasyon namin ni mama. Well, atleast alam niyang umalis ako.
Pagka baba ko ng hagdan ay kita kaagad ang kusina namin kaya nakita ko ang inihanda niyang pagkain.
Akala niya ay gaya lang dati, na aakyat ako kapag nag aaway na kami tapos kapag wala na siya sa baba saka pa lang ako bababa para kumain.
Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pag alis.
Nasa labas na ng bahay namin nag grab na ni book ko kanina habang nasa kwarto pa ako. Nang nasa byahe na ay saka pa lang ako nakaramdam ng ginhawa.
Saka na ako makikipag bati sa mama ko pagbalik ko galing outing.
Ganoon naman palagi, e. Ako palagi ang sumusuyo sa kanya. Never as in never akong nakarinig ng sorry galing sa nanay ko.
Pero pilit ko iyong iniintindi.
Kasi at the end of the day, kaming dalawa lang ang magkasama.
Sana maisip din iyan ng nanay ko.
Sana maisip niyang magbago bago pa ako mawala nang tuluyan sa kanya.
Kasi baka hindi ko na kayanin at...doon na talaga ako kay papa tumira.
Sa isiping iiwan ko ang mama kong mag isa sa bahay namin ay nakapagbigay sakit sa kalooban ko.
Kaya siguro hindi rin ako maka alis alis sa bahay namin kahit magulo kami ni mama kasi hindi ko rin siya kayang iwan.
YOU ARE READING
I'm Sorry, It's Too Late
Ficción GeneralThe only thing that Amari Francine Fernandez wants to explore the world. But she was not able to do that because of her mom, who always wants her to follow what she wants. Her mom who always holds her back whenever her wings is ready to fly. Her e...