Last Chapter

414 15 2
                                    

"Mama! I have a new gun! Look!"

Masayang tumakbo papunta sa akin si Seph upang ipakita ang regalong ibinigay ni Jovan sa kanya sa fifth birthday niya.

"Wow! Did you say thank you to Tito ninong baby?"

Tumango ito. "Done na po, mama."

Bata pa lang ito ay nahiligan na niya ang mga laruang baril. Lagi itong nakikipaglaro ng baril barilan sa papa nito.

Earl was able to put up a business on his own. Nanggaling din sa baba, pero ngayon ay patuloy na namamayagpag ang business nito.

He was able to put up a security agency. I think...kaya rin nahiligan din ni Seph ang laruang gaya ng mga baril ay dahil sa papa niya. Idol niya kasi ang papa niya.

Ako naman...I was able to graduate. Nag aral ako ulit matapos ang isang taon. Nahuli man ay naging matagumpay parin.

I have a business that I named after my mom. It's a coffee shop.

Hanggang ngayon ay masakit parin para sa akin ang nangyari sa mama ko ngunit palagi namang pinaparamdam sa akin ni Earl na hindi ako nag iisa. Lalong lalo na noong ikinasal kami.

Hindi rin ito pumalya sa pagpapa ramdam sa amin ng anak namin na mahal na mahal niya kami. Hindi lang sa kilos kundi palagi niya itong sinasabi sa amin. Ganoon rin ako.

Siguro kasi...simula nang nawala si mama...mas naging vocal kami. Mas naging open kami sa isa't isa.

"Is that a new toy, love?"

Napalingon ako nang biglang may umakbay sa amin ni Seph.

"Papa!" Nanlaki ang mga mata nito at masayang tumalon na kaagad namang sinalo ni Earl.

Sabi kasi nito hindi ito makakarating sa birthday celebration ng anak namin. Tingin ko ay sinabi niya lang iyon bilang surpresa.

"Sabi mo po hindi ka makakarating?"

Tanong ng anak namin.

"Pwede ko ba naman iyon? Birthday ng big boy ko, e."

Napatawa ako dahil sa hagikhik ni Seph.

"How's my baby number three here?" Tanong nito habang hinihimas ang malaking tiyan ko.

Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Baby number three?"

"Yes. My third baby."

Iritado ko siyang tiningnan.

"Sa pagkakaalam ko pangalawa palang natin ito. May anak ka ba sa labas?"

Mas lalo lang akong nairita dahil sa halakhak nito. Binitawan muna niya si Seph na nagpapababa at tiningnan itong tumakbo papunta sa mga ninong at ninang nito bago bumaling sa akin.

He tried to pull me pero iniwas ko ang braso ko na mas lalong nagpangisi sa kanya.

Pero hindi na ako nakailag nang pwersa niya akong niyakap. Ginalaw galaw ko pa ang balikat upang tanggalin doon ang baba nito.

"Pangatlo ko naman na talaga 'tong baby, mahal. You are my first baby...and then there's seph. And now...my third baby is here."

Sabi nito habang hinahaplos haplos ang tiyan ko.

Kaagad namang nawala ang kunot noo ko at umiwas ako ng tingin dahil sa namumulang pisngi.

He chuckled because he knew that I blushed.

"Ikaw lang ang gusto kong anakan, baby. I can't see myself having a baby with someone else. Kung hindi ikaw...patayin mo nalang ako."

Biro pa nito.

Hindi naging madali ang pagbubuntis ko dahil sa pagiging maselan nito. Ang dami kong naramdaman sa pagbubuntis na ito at mas naging mahirap pa kumpara sa noong ipinag bubuntis ko si Seph.

Maya't maya ang pagsakit ng balakang ko na kaagad namang hinihilot ni Earl. Nag leave ito sa trabaho upang samahan ako lalo pa't kabuwanan ko na.

Ngayon nga...habang nagluluto ako ay bigkang sumakit na naman ang tiyan at balakang ko. Pero alam kong hindi pa ako manganganak.

Hinimas himas ko ang tiyan habang nagluluto nang maramdaman kong may humawak sa tiyan ko at binuhat ito ng may pag iingat.

Ganoon nalang ang pagkawala ko ng hininga dahil sa ginhawang naramdaman.

"Feels good?"

Mariin akong napapikit at huminga ng malalim.

"Yeah.." I whispered.

"Does it hurt? Pinapahirapan ka ba ng anak natin?"

Tumawa ako.

"Ang kulit nga, e. Gusto na niyang lumabas mahal. Mas excited pa siya kaysa sa atin."

Sabay kaming napatawa dahil doon.

Napaka gaslaw nga ng bunso namin lalo na kapag kinakausap ito ng kanyang kuya at papa.

Naging routine na kasi ng mga ito pagka gising na kausapin ang baby namin. Bibong bibo naman ang kuya Seph sa pakikipaglaro sa kapatid kahit nasa tiyan pa.

Dahan dahan niyang binaba ang tiyan ko at inikot ako paharap sa kanya. He put my arms around his neck and held my waist. Then he started singing while swaying our hips in a slow manner.

Wise men say..

Only fools rush in...

But I can't help

Falling in love with you...

Napangiti ako habang nakikinig sa kanya. Inilagay ko ang aking noo sa kanyang balikat at pinapakinggan ang malamyos na boses nito.

Naputol lang ang pagmo-moment namin nang may makulit na bata ang pumasok sa kitchen.

"Good morning mama, good morning papa, good morning baby bunso."

Bati pa nito sa inaantok na boses. Kaagad itong kinarga ni Earl at niyakap niya kaming dalawa. Siniguradong hindi maiipit ang tiyan ko.

"I love you, three. So much."

He said and then kissed us on our foreheads.

"We love you too, papa." Sagot ko.

Pinaupo niya ako at si Seph at siya na ang nagpatuloy sa pagluluto.

Pinagmasdan ko itong swabeng gumagalaw sa kusina.

Ang sabi nila...kapag nagkapamilya raw ay magiging haggard at magiging mature ang hitsura mo...pero bakit mas lalong gumwapo ang asawa ko?

"Titig na titig mahal, a. Huwag kang alala...sayong sayo lang ako."

Nakangising sabi nito.

Hindi ko na namalayang nakaharap na pala ito sa amin dahil titig na titig ako sa kanya.

Wala na akong mahihiling pa sa pamilyang ito.

Kahit...mas maganda sana kung nandito si mama pero alam ko namang binabantayan niya kami ng aking munting pamilya.

At kung nanonood man siya sa akin ngayon...sana maging proud siya sa mga nakamit ko sa buhay.

Lalong lalo na ang tunay kong kayamanan...ang pamilya ko.

Mama, sana masaya ka habang pinapanood ako. Dahil masayang masaya ako, ma.

I'm Sorry, It's Too LateWhere stories live. Discover now