"Here darling, mas bagay sa iyo."
Sabi ni Tita Anne nang lapitan niya ako. Naghahanap kasi ako ng swimsuit na isusuot ko. May nakita akong white na two piece kasi mas malinis tingnan pero binigyan ako ng color blue two piece ni Tita para daw tumingkad ang kulay ko.
Ngumiti ako sa kanya nag patuloy kami sa pagbili. Pumasok kaming watsons.
Doon namili ng sun block at kung anu ano pang pampahid sa katawan si Tita. Habang nakatingin ako sa kanya. Naisip ko na maski isang beses, hindi namin to nagawa ni mama. Kasi...wala namang pera si mama. Wala na ang mga magulang niya at...kinailangan niyang magtrabaho para sa sarili niya noon. Kaya siguro siya pumayag na makipag one night stand kay papa dati. Kasi ang alam ko...nagkakakilala sila sa bar kung saan nagta trabaho si mama.
Ngayon naman...tumigil na siya sa ganoong trabaho niya. Nagtitinda nalang siya sa palengke ng kung anu ano. Lahat ng pangkain namin at gastusin sa bahay ay galing sa pagtitinda niya. Kahit binigyan na kami ng pera ni papa ay ayaw niya pa rin. Ayaw niyang magkautang na loob kaya siguro kahit magkanda kuba siya ay hinding hindi siya titikim sa pera nina papa at Tita Anne.
"Mag sun block ka palagi ha, mainit pa naman ang klima."
"Nakapunta ka na ba sa malapascua sa cebu tita?"
Tumango naman si Tita.
"Oo naman. Masyado kaming adventurous ng papa mo noon. Kung saan saan kami napapa padpad."
Nakangiting kwento nito. Maaliwalas ang mukha habang nagku kwento.
Pagkatapos naming mamili ay nagpasundo na kami kaagad kay papa.
Kinagabihan ay maaga rin akong natulog upang magising ng maaga. Alas tres ako susunduin ng mga kaibigan ko kasi kinailangan pa naming bumyahe ng eroplano ng isang oras papuntang cebu.
Alas dos ako nagising at kaagad akong nag ready. Kumatok si papa sa kwarto ko upang siguraduhing gising na ako.
Eksaktong alas tres ay kumatok ulit si papa para sabihing nasa labas na ang mga kaibigan ko. Tulog pa si tita Anne kaya hindi na ako nakapag paalam. Si papa ang naghatid ng maleta ko sa Van na sasakyan namin papuntang airport.
Binilinan kami ni papa at pagkatapos ay humalik ako sa pisngi nito. Nang nasa byahe na kami ay saka pa lang ako binugbog ng tanong ng mga kasama ko.
"Hoy! Himala at pinayagan ka!" Sabi ni Jovan na nasa pinakalikod.
"Kailan ba hindi pumayag si papa? Si mama lang naman ang problema ko."
"Buti pumayag?" Si Isha na katabi ko.
Bumusangot ako.
"Anong pumayag? Umalis nga ako ng hindi nagpapaalam, e."
Tumawa naman ang mga baliw.
"Atleast nagpaalam ako kay papa di ba?"
Tumango naman ang mga ito bilang pag sang ayon. Tahimik lang ang iba naming kabigan. Si Jovan, Isha, Maverick, Ricky at Carla ay mga barkada ko noong highschool. Nagkahiwa-hiwalay lang noong nag college pero ganoon parin ang bonding at pagkakaibigan. Kaya naman ganoon nalang talaga ang paglaban ko kay mama para lang makasama nila. Alam na rin kasi nila ang ugali ng mama ko.
Maya maya kumain kami ng sandwich na dala ko. Na ginawa ni Tita Anne na...hindi nagawa ng mama ko sa akin. Pinabaunan niya pa ako ng iba't ibang chichirya para ma enjoy ko ang byahe. Ang sweet ni Tita Anne.
Hindi ko muna inisip si mama kasi baka hindi ko lang ma enjoy ang byahe at outing namin.
At gaya nga ng sabi ni papa, nag text ako kay mama bilang pag update. Sinabi kong papunta na akming airport at pa byahe na pa cebu. Wala akong natanggap na reply kasi baka tulog pa lang. Anong oras pa, e.
Patuloy kami sa pag uusap. They filled me with details about them. Maloko pa rin ang mga ito. Nakaka miss lang.
Hindi alam ng mama ko na umiinom ako. Pero never ako gumamit ng marijuana o kahit ang mag smoke man lang. At mas lalo na ang shabu. Kilala ko rin ang mga kaibigan ko. Hinding hindi rin sila gumagamit ng mga ganoon. Pipiliin ko ba silang maging kaibigan kung gumagamit sila? Syempre hindi! Nag e-effort naman akong hindi mapariwara ang buhay kom sana nga makita ni mama, e.
Pagkarating namin sa airport ay kaagad kaming nag check in.
Magkatabi lang ang mga upuan namin kaya hindi kami malayo sa isa't isa. Isang oras lang naman ang byahe kaya madali lang.
Pagkarating naming airport, may nirentahan na silang Van na magdadala sa amin sa port kung saan kami sasakay ng bangka papuntang malapascua.
Ilang oras daw ang byahe kaya may oras kami para matulog.
Alam kong lahat kami ay hindi nakatulog ng maayos dahil sa excitement. Kaya matutulog rin ako ngayon dahil ayokong maging haggard sa pictures pagkarating namin doon.
Hindi ko alam ilang oras akong natulog pero nagising ako dahil sa ingay ng mga unggoy sa likod. Naramdaman ko nalang na nag stop ang van kaya dumilat na ako.
"Wow, good morning mahal na reyna. Kakain na po muna tayo."
Sabi sa akin ni Maverick dahil ako lang pala ang hinihintay nilang magising.
"Okay, alipin ko." Ngisi kong sabi na nagpa halakhak sa kanila.
Bumaba kami upang kumain. Pinili kong humigop ng sabaw dahil wala akong agahan. Iyong sandwich lang. Masarap ang mga pagkain kaga medyo naparami ang kain naming magkakaibigan. Nagpicture pa kami doon bago bumalik sa van.
Hindi na ako nakatulog ulit at nakikipag daldalan nalang da kanila.
Nang makarating kami sa port ay kaagad kaming nagbayad sa bangka. Dapat ay kukumpletohin pa ang pasahero pero binayaran namin ng buo para kami lang ang sakay.
Takot kasi iyong iba na baka daw hindi kayanin ng bangka kapag madami kaming sakay. Natatawa na lang ako sa kanila. Kaya ngayon, kami-kami lang ding magkakaibigan ang nasa bangka.
Kaagad kaming nagpi-picture bilang remembrance. I made sure to bring my dslr para ma compile ko ang pictures.
Ang gandaaaaa!
First time ko dito kaya nakakamangha.
Tapos nakikisabay pa ang panahon at hindi masyadong mainit.
Nakaka excite naman.
Halata ring excited ang mga kasama ko dahil wala pa nga, parang gusto na nilang tumalon at sumawsaw sa dagat.
YOU ARE READING
I'm Sorry, It's Too Late
Fiksi UmumThe only thing that Amari Francine Fernandez wants to explore the world. But she was not able to do that because of her mom, who always wants her to follow what she wants. Her mom who always holds her back whenever her wings is ready to fly. Her e...