07

178 7 0
                                    

The next day, I woke up alone in the room.

Gumalaw ako upang bumangon ngunit napangiwi lang dahil sa sakit ng katawan. Partikular na sa ibabang bahagi ko. And then I remembered what happened last night.

I bit my lip when the scenes flashed in my mind. Earl took me for how many times. In different positions. He was gentle and rough.

Nakuha ang atensyon ko sa dugo na nasa kubre kama. Uminit ang loob ko. Na para bang nagsilbi itong ebidensya sa nangyari sa amin kagabi.

And then my mom's face flashed on my mind.

Hindi ko alam kung bakit ako nagi-guilty. Parang feeling ko...ang laki ng kasalanan kong gumawa ng bagay na dapat kong iniiwasan. Hindi naman ito ang unang beses na gumagawa ako ng mga bagay na hindi alam ni mama pero ito ang pinaka malaki.

But at the same time...I didn't feel any regret doing the deed. It felt just right. Especially when I did it with Earl.

Nang maalalang ngayong araw kami uuwi ay nagpilit akong bumangon upang magbihis. Baka nag aalala na ang mga kaibigan ko. Pero for sure...alam nilang magkasama kami ni Earl kasi simula noong nagkakilala kami...hindi na kami mapaghiwalay. Pa ika ika akong naglalakad at uminit ang mukha dahil naisip ko na naman kung gaano kalaki si Earl upang mahirapan akong maglakad ng ganito. At isa pa..una ko rin iyon.

"Wow...taga dito ka teh?" Pang aasar na tanong ni Isha nang makarating ako sa kwarto namin.

"Akala namin inuwi ka na ni Earl, e."

Uminit ang mukha ko. Sana hindi nila mahalatang gumawa kami ng kababalaghan.

Sinikap kong maglakad ng maayos upang hindi nila mapansin na masakit ang katawan at ibaba ko. Umupo ako sa kama.

"Pagod na pagod, a. Pinagod ka ni Earl?" Ngumising pang aasar ni Carla.

Napaiwas ako ng tingin.

"Huwag ka ngang imbento. Natulog lang kami."

Tumawa ang mga ito.

"Ang defensive naman! Wala naman akong sinabi, a. Malay ko ba kung pinagod ka sa pakikipag usap at umaga na kayo natulog."

Oo, mag uumaga na kaming natulog kasi hindi ako tinigilan ni Earl.

Gusto kong isatinig pero s'yempre nakakahiya.

"Sana okay lang ang mama niya."

Maya maya ay sabi ni Carla kaya napalingon ako dito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Eh...di ba kaya siya umuwi kaagad dahil inatake sa puso ang mama niya?"

Kaya ba hindi ko siya mahanap nang magising ako?

"Hindi mo alam?"

Umiling ako dahil totoo naman.

"Baka hindi na niya ako ginising. Tsaka kung ako...magmamadali rin akong uuwi."

Sinabi ko nalang kahit sa loob loob ko ay nagtatampo ako. Pero s'yempre...mama niya iyon , e.

Pagkatapos namin magbihis at kumain ay naghanda na kami sa pag uwi namin.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang isipin si Earl.

Ni wala man lang akong contact niya. We never exchanged numbers or even social media accounts.

Paano ko siya mahahanap?

Magtatanong ba ako sa mga kaibigan ko?

Pero...sa loob loob ko...mas mabuti na rin sigurong hindi kami mag uusap. Parang kung anong nangyari sa isla....iyon na 'yun.

Marami na akong kasalanan kay mama at...balak kong bumawi sa kanya. Kahit hindi ko siya naringgan na nag sorry sa akin.

Kapag kasi nagpatuloy kami ni Earl...paniguradong magtatago kami kasi ayaw pa ni mama na mag boyfriend ako. At sabi ko nga...madaming bagay na ang nagawa ko na lingid sa kaalaman ni mama.

Sinundo ako ni Papa at inihatid sa bahay namin.

"Magpahinga ka na kaagad. Tawagan mo ako kapag may problema." Bilin ni papa.

Tumango nalang ako at hinalikan siya sa pisngi at lumabas na nang tuluyan sa kotse.

Katahimikan ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng bahay. Buti nalang dala dala ko palagi ang extra na susi dahil naka lock ito.

Nagtitinda na naman siguro si mama. Wala naman siyang ibang gagawin bukod sa pagtitinda. Wala rin siyang kaibigan na pupuntahan kasi hindi naman pala kaibigan si mama. Nakaka intimidate siyang tingnan dahil napaka cold ng awra niya.

Dumeretso ako sa kwarto ko dahil gusto kong magpahinga. Pagod na pagod ang katawan ko kaya ilang minuto pa lang akong nakahiga ay kinain na kaagad ako ng antok.

Nagising lamang ako na malalim na ang gabi. Medyo tahimik parin ang bahay. Bumaba ako dahil kumulo ang tiyan ko sa gutom. Ang haba pala ng tulog ko at ni hindi man lang ako nagising para kumain.

Pagka rating ko sa kusina ay nakita kong may pagkaing nakahanda na pero hindi ko nakita si mama sa kusina.

Ganito naman kami palagi. Minsan kahit nag aaway ay nagsasabay parin kami sa pagkain. Hindi lang talaga nagpapatalo si mama at kung may contest lang siguro sa pataniman ng sama ng loob, panalo na kaagad siya.

Kumain nalang ako at pagkatapos ay naghugas ng pinagkainan ko. Bukas ko nalang kakausapin si mama. Magpapahinga nalang ulit ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Plano kong pumuntang school ngayon dahil sa project namin. Nakita ko si mama na nakatalikod sa gawi ko. Nagluluto ng umagahan.

Pagkatapos ko sa school ay pupunta ako kanila papa kasi may usapan kami ni Tita Anne na tuturuan niya akong magluto at ngayon ko sana gustong gawin iyon.

Alam kong ramdam niya ang presenya ko ngunit hindi niya iyon pinansin.

"Mama, aalis po ako. Sa school lang po."

Hindi ako nakarinig ng sagot dito.

"Huwag mo nalang po akong bigyan ng pera. Binigyan na po ako ni papa."

Tumango lang ito.

Nang paalis na sana ako ay nagsalita ito.

"Aalis kang walang kain?"

"Kila papa nalang po ako kakain. Pupunta ako doon pagkatapos ko sa skwelahan."

"Bakit pa doon? May pagkain na nga sa harapan mo, o. Kakain ka nalang."

Heto na naman kami. Pati pagkain pinag aawayan namin.

"Busog pa naman ako ma." Sabi ko.

"Bakit nagluto pa ako kung hindi ka naman pala kakain sa sarili mong bahay? Baka isipin ng papa mo hindi kita pinapakain dito."

Bumuntong hininga ako at pilit kinalma ang sarili.

"Hindi naman nag iisip ng ganyan si papa, ma. Ikaw lang. Tsaka kakain ka rin naman kaya hindi masasayang ang luto mo."

Hindi na ito umimik kaya umalis na ako.

Kailan kaya kami mag uusap ng kalmado ni mama?

I'm Sorry, It's Too LateWhere stories live. Discover now