Nang makarating kami sa room na binook namin ay napagpasyahan naming magpahinga muna kasi medyo pagod pa kami sa byahe.
Magkasama kaming mga babae sa iisang kwarto habang ang mga lalaki naman ay magkasama rin sa iisang kwarto sa tapat lang din ng kwarto namin.
Na i-text ko na rin si papa na nakarating na kami rito. Nagtext din ako kay mama kahit wala naman siyang reply sa mga texts ko. Baka galit nga. Napaka farmer ni mama.
Gusto ko munang mag enjoy sa outing namin ngayon kaya kung maaari, hindi ko muna iisipin si mama. Maba-badtrip lang ako at baka buong outing ay siya na lang ang iisipin ko. Mawawalan ng silbi itong bakasyon namin.
"Mag two piece ka, Amari, ha! Ganda ganda ng katawan mo hindi mo shino-show off." Sabi ni Carla.
Tumango ako.
"Oo, binilhan ako ni Tita Anne ng two piece."
Kinuha ko iyon sa maleta ko at ipinakita sa kanila.
Lumapit sila sa akin at sinipat ang two piece.
"Bagay sa'yo, Mari. Ang galing pumili ni Tita Anne mo." Sabi ni Isha.
Napangiti naman ako.
"May tanong ako girl." Umupo sila sa kama ko at pinanood akong mag ayos ng gamit. Si Isha ay humiga sa kama ko habang si Carla ay nakaupo parin.
"Ano 'yun?"
"Minsan ba...hindi mo naisip na sana...si Tita Anne na lang ang naging mama mo? I mean...no offense ha pero curious lang ako kung naisip mo 'yung ganoon sa sitwasyon mo."
Napaka swerte kasi nila kasi may tiwala ang mga magulang nila sa kanila. Na okay lang gumala basta nag aaral ng mabuti at hindi babagsak. Gusto ko rin sana ng ganoon kasi gusto ko rin namang mag unwind pagkatapos ng nakakapagod na pag aaral. Kung wala si Tita Anne at si papa hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ako sumagot.
"S'yempre...ilang beses din. Minsan...may mga bonding kami ni Tita Anne na hinfing hindi namin nagagawa ni mama. Iyong mga ginagawa ni Tita Anne...gusto kong gawin din namin ni mama pero napaka imposible kasi." Napangiti ako ng mapait.
Seryoso silang nakatingin sa akin pero may pagsimpatiya.
"So...bakit nasa puder ka parin ng mama mo? Eh...mas madali yata ang buhay mo sa puder ng papa mo, e." Tanong ni Isha.
Umupo na rin ako sa kama. Inayos ko pa muna ang maleta ko sa tabi ng kama ko bago ako sumagot.
"Kasi...si papa may mag aalaga na sa kanya kapag tumanda siya. May kasama siya sa buhay. Si mama kasi...hindi naman nag asawa. Ako lang ang meron siya kaya hindi ko siya maiwan iwan."
Tumango tango si Isha.
"Pero paano kapag sobrang sakal ka na? Tingin mo...iiwan mo siya?" Kuryusong tanong ni Carla.
Malalim ang pag isip ko.
"Siguro....ngayon pa nga lang..sakal na sakal na ako sa kanya. Minsan..umaalis ako ng bahay at pumupunta kay papa kapag nag aaway kami. Pero kapag nasa bahay naman ako ni papa...naiisip ko siya palagi."
Mukhang nasagot ko naman na ang mga tanong nila. Wala naman akong itinatago sa kanila kasi kilala na nila ako pati pamilya ko. Hindi lingid sa kaalaman nila ang sitwasyon ko. Sabi ko nga, first year highschool nabuo ang pagkakaibigan namin.
Nang makapagpahinga ay kaagad kaming nagpalit ng damit na pang swimming. Sama sama naming kinatok ang pinto ng kwarto ng mga lalaki at kaagad din naman silang nagbukas. Mukhang palabas na rin kasi naka pang swimming na rin sila.
"Tara." Si Jovan.
Pumunta muna kami sa isang kainan at napagpasyahang kumain muna. Ang sarap ng seafood dito at naparami talaga ang kain ko. Salamat sa fast metabolism ko at hindi ako tumataba kahit lumalamon ako ng marami.
Unang lumabas ang mga lalaki kasi raw gusto nila magpaaraw. Sus. If I know mag ha-hunt na iyan ng mga babae. Nagiging puso na nga ang mga mata ni Ricky kapag may dumadaan na chix, e.
Nang palabas na kaming mga babae ay nakita naming may kausap ang mga lalaki. Mukhang kakilala rin nila na nagbakasyon din dito.
"Sige...mamayang gabi, a!"
Nag fist bump pa sila habang nagpapaalam.
Apat na lalaki ang kausap nila at hindi sinasadyang magtama ang tingin namin sa pinaka matangkad sa kanila.
May ngisi sa mga labi nito at mukhang natatawa sa pinag uusapan nila kanina.
"Sige, pre!"
Tapos ay naglakad na ang mga ito ngunit lumingon ulit ito ng isang beses sa akin. Una akong nagbawi ng tingin at kunwaring binalewala iyon.
"Ano na?" Tanong ko.
"Huwag kang atat, ha. Kaka kain lang natin."
Naglakad kami patungo sa dalampasigan. Masyadong mainit kaya sumilong kami sa mga puno ng niyog.
"'Nga pala, nag aaya ng inom iyong mga kakilala namin mamayang gabi. G ba kayo?" Tanong ni Jovan?
Mukhang kaming mga babae lang ang tinatanong niya.
"Walang problema sa akin. Mas masaya pag marami." Sabi ni Isha.
Wala din namang problema sa akin. Alam ko rin naman na hindi kami ipapahamak ng mga kaibigan namin.
"Ikaw, Mari?"
Tumango ako.
"No problem. Alam ko namang babantayan n'yo kami." Sabay ngisi ko.
Tumawa kaming mga babae dahil ganyan naman palagi ang role nila kapag lumalabas kami. Either taga bantay ng lasing, taga bantay ng bag o taga sundo.
Shocked why I was able to go out with them? S'yempre...iyon 'yung mga panahon na sinasabi ko kay mama na pupunta ako kila papa. Tapos...gagala pala.
Hindi talaga madali ang sitwasyon ko. Natuto akong magsinungaling kay mama imbis na magsabi ako ng totoo kasi hindi naman siya nakikinig sa akin.
Hindi niya ako pinapakinggan kapag may hinaing ako kaya ang ending...palagi kaming nag aaway.
Kaya hindi n'yo talaga ako masisisi kung bakit minsan...naiisip kong sana si Tita Anne nalang nag naging mama ko.
Kasi mas nakikinig siya sa akin. Mas may bonding kami. Mas pinagsasabihan niya ako at iniintindi ng maayos.
Kung sino pa iyong hindi mo kadugo...siya pa iyong truma trato sa iyo ng maayos.
Hay, ewan.
Susulitin ko nalang 'tong bakasyon.
YOU ARE READING
I'm Sorry, It's Too Late
Fiksi UmumThe only thing that Amari Francine Fernandez wants to explore the world. But she was not able to do that because of her mom, who always wants her to follow what she wants. Her mom who always holds her back whenever her wings is ready to fly. Her e...