Chapter 5

127 10 2
                                    



Halos maibuga ko ang iniinom kong Juice nang tumili sa tabi ko si Kazumi





"PAPASOK NA SI PAPA KENJI!!!! FUJIMAAAA!" Sigaw nya. Siniko ko naman sya pero hindi nya ininda. Tama nga sya pumasok na si Fujima sa laro. Lumakas ang Cheer dahil sa pagpasok nya. Tumingin muna sya saakin bago makalapit sa Court





"GOD NAKITA MO BA YUN PIPER TUMINGIN SYA SAAKIN" kinikilig na sabi nya. Napailing nalang ako 





Shunga ako ang tiningnan. Napangisi ako nang makaisip ako ng kalokohan tumayo ako. Nagtataka naman napatingin saakin si Kazumi.





"GO FUJIMA" tili ko. Gulat na gulat naman sila napatingin saakin. Huminto pa sa paglalakad si Fujima at hindi makapaniwalang tumingin saakin. Natigilan pa sya sa gitna. Nakaawang naman ang labi ng Team mates nya habang si Hanagata napailing.





"HINDI BA MAGKARIBAL SILA?"





"DIBA INIS NA INIS SI PIPER KAY FUJIMA"





"BATI NA BA SILA?"





Nakangisi akong napaupo. Nakita kong tinapik ni Hasegawa si Fujima para bumalik sa Ulirat. Napatingin pa si Fujima ulit saakin at nag iwas ng tingin. Hindi nakatakas saakin ang unting pagpula ng pisngi nya.





Napatingin naman ako kay Kazumi na nakaawang ang labi saakin siniko ko naman sya. Hindi makapaniwalang tumingin saakin "IKAW BA TALAGA YAN HA?" inalog alog pa nya ako, irita ko naman sya pinalo sa braso.





"Ano nangyari sayo?nauntog kaba sa banyo kanina? Galit na galit ka sakanya tapos titili ka?" Gulat na gulat na sabi nya. Kinagat ko naman ang pang ibabang labi ko.





"Bakit ba?! Hiwalay ito okay!" pagdedepensa ko sa pinagsasabi nya para manahimik. Hindi ko inaasahan mahihiya ako sa ginawa bagong chismis nanaman damn.





"Baka naman may gusto kana?HOY WAG KANG MANG AAGAW!" Napapikit ako sa inis at ingay nya.





"Tumigil ka nga! Walang meaning yon!" Sigaw ko sakanya at ngumuso naman sya nang binalik ang atensyon sa laro.





"FUJIMA, FUJIMA, FUJIMA"





"FUJIMA, FUJIMA, FUJIMA"





Lalong lumakas ang ingay nang pumasok na sya. Sya talaga ang inaabangan maglaro ng mga tao dito. Ayos. Umupo ako ng maayos at tiningnan sya. Ngayon ko makikita ang husay nya dito. Ngayon ko lang sya mapapanood maglaro dati kase ayaw ko dahil galit na galit ako sakanya.





Ang Ace Player na si Fujima. Angas kelan kaya madudugtong sa pangalan ko Argh!





Sya ang pinakamaliit sakanila. Pero napakabilis nya kung kumilos at mag isip. Napakagaling nya ding point guard ayon kay Kazumi dahil madalas syang nanonood ng laban ni Fujima. Kung mananalo sila dito pwedeng pwede na nilang tapatan ang napakalakas na Kainan Team.





Nang magsimula na. Maganda nanaman ang pinapakita nung may pula ang buhok halatang gulat na gulat si Fujima at Hanagata sa galing at taas nito tumalon. Kahit ako nagulat din halatang baguhan sya sa shooting pero sa pag rebound nya ay napakagaling at nakapataas pa kung tumalon.





"FUJIMA, FUJIMA, FUJIMA"





Napangisi ako nang mahawakan na ni Fujima ang bola. Napakalakas ng dating nya simula nang pumasok sya.





"Ngayon na mag iiba ang laro nila pumasok na si Papa Kenji ih!" Inismiran ko nalang si Kazumi sa kalandian nya.





Hindi ko alam kung bat ganto ang nararamdaman ko pag nakikita sya siguro nagsisimula na ako ang humanga sakanya. Sa ilang linggo pagsasama namin. Hindi sya basta basta. Coach, Manager, Captain ang role nya. Hindi madali iyon. Sya ang nagpapagana sa Team nya.





"KENJIII" tili ni Kazumi nang magsimula na si Fujima sa kanya ang bola at makikita mo ang pagiging effective captain nya. Mabilis na sumunod kanya sila Hanagata. Nag Fast Break na sila dahil sakanila ang bola. Lalong lumakas ang cheer sakanya at tili ni Kazumi nang makascore sya agad. Nagpapakitang gilas na sya. Kanina ang kalmado nya ngayong naglaro na sya hindi na nya mapigilan ang sarili nya sa paglalaro. Sya ang buhay ng Team nya. Kaya naman nung makascore sya panigurado gaganahan na sila Hanagata.





"Fujima.. Fujima.. Fujima"





Mukhang nagyayabangan pa ang dalawang team sa gitna. Naghahamon pa ata si Fujima. Napakayabang talaga.





"Wala talagang kupas ang galing nya! Hahay, inlove nanaman ako kay Kenji" maarteng sabi ni Kazumi. Napapangiwi nalang ako sa sinasabi nya. God.





"Aminin mo namamangha ka din no?" Biglang tanong saakin ni Kazumi. Kumunot naman ang noo ko sakanya.





"What the hell? Manood kanalang ang dami mong dada" inis na sabi ko.





"Nagtatanong lang ih" nakangusong sabi nya. inirapan ko nalang sya. Wala akong masagot sa tanong nya maski ako hindi ko alam kung ndaiinis ba talaga ako sakanya o namamangha.





Natutuwa na ang mga tao. Dahil pinapakita na ni Fujima ang tunay nyang kakayahan. Inaamin kong mas magaling talaga sya saakin pagdating sa Basketball. 1st year palang kami lagi na kami magkalaban sa ranking sa school namin. Pero bilang player din ng basketball doon ako humahanga sakanya. Kayang kaya nya kontrolin ang sarili nya dahil sya ang captain at ace player ng team nila. Kahanga hanga talaga ang galing nya banda don.





"FUJIMA FUJIMA FUJIMA"





"GO SHOYO GO SHOYO"





"BEAT THEM SHOYO"





Napangisi ako nang makita ang husay na pinapakita ni Fujima. Nakikipagpaligsahan pa sya ng lakas sa Guard na si Miyagi habang nasa Fast break sila.
Nagsitayo naman sila Kazumi nang kasama bumagsak si Fujima don kila Miyagi





"Hala, okay lang kaya si Papa Kenji? Nadaganan sya oh nung may pula ang buhok" nag aalalang kuno na sabi nya. Napailing nalang ako sa isang toh hay. Pero pumasok parin ang tira ni Fujima kahit bumagsak sya. Nagkaroon sya ng Free throw. Nabasa na ata ni Miyagi na kalewete si Fujima kaya madali lang sya sabayan. Nakascore naman si Hanagata dahil sa tulungan nila nu Fujima ngayon ay Anim na ang lamang nila sa Shohoku. Tumawag na ng time out ng coach ng shohoku. Tama lang dahil lamang na ang kalaban nila kailangan na nila ng bagong stratedy.





Nagulat naman ako nang tumingin saakin si Fujima at ngumisi saakin. Nakurap naman ako sakanya at nag iwas ng tingin.





"Ang gwapo talaga! Hahay" pag assume nanaman ni Kazumi akala nya sakanya tumitingin abno talaga.





Magaling talaga si Fujima inaasahan nya talaga ang lahat sa Kasama nya. Pag sya ang babantayan ipapasa nya kila Hanagata pag sila Hanagata naman ang may bantay sya ang gagawa ng puntos. Magaling sila pagdating sa Teamwork. Mahusay syang Captain. Sya ang buhay ng team nya kaya naman pinapakita nila Hanagata ang husay nila. Hindi pag aano. Kung wala siguro si Fujima ang point guard nila ay isang ordinaryong team lang sila. Malakas din nama sila Hanagata kaso balewala ang isang team kung walang point guard. Simula nang first year ay apat na taon na magkakasunod na sya ang ace player maganda ang ginawa nyang record. Sya ang kauna unahang freshman na nakasama sa First 5. Pero hindi pa naranasan ni Fujima ang maging champion dahil kagaya ng pangarap ng iba nasisira yun dahil sa Ace player na si Maki ng Kainan. Si Maki lagi ang tinuturing na matinding kalaban ng lahat ng ace player dito sa Kanagawa.





"SHOYO, SHOYO, SHOYO"





"FUJIMA, FUJIMA, FUJIMA"





Naeexcite ako sa mga susunod pang mangyayari sa laban na ito. Dahil dito unting unti kong nakikilala ang Kenji Fujima na Ace Player. Ang isa sa magagaling na Point Guard.

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon