Masyadong mainit ang laban. Sa loob ng tatlong minuto ay nagawa ng Shohoku tablahin ang Score. Talagang malalakas sila. Marami nangyari sa mga lumipas na oras. Kung matatalo man ang isa sakanila parang hindi bagay parehas silang malakas na Team. Walang talunan sa laban na ito.
Pero pare-parehas kami nagulat nang iuntog nung pulang buhok yung ulo nya sa sahig ng court. Napaawang labi ko sakanya
"Bakit nya ginawa yan?" Hindi makapaniwalang sabi ko
"Hala, ang sakit nun ah?" Sabat pa ni Kazumi.
Anong klaseng tao yan?mygod. Buhay pa kaya sya?
Dahil kay Mitsui ng Shohoku ay naging tabla ang score nila. Ngayon hindi nanamin alam kung sino ang mananalo. Parehas silang malakas na team.
Maganda ang pinakita ni Fujima sa laro nila. Pinakita nya na kaya nyang pantayan ang lakas ni Maki bilang Ace Player. Magaling syang point guard. At Captain ng team nya kaso Natalo sila. Kung may Coach lang sila at hindi lang sakanya nakasalalay ang lahat mananalo sila.
Nagulat naman ako ng humagulgol si Kazumi sa katabi ko.
"Wawa naman si Papa Kenji. Umiiyak sya oh" turo pa nya kay Fujima na nakikipagkamay sa kabilang team.
Nakaramdam ako ng awa sakanya. Ginawa nya ang lahat para dito. Pero nasayang.
Hinintay ko sya sa parking Venue. Nauna na ako umalis kay Kazumi.
Napaayos ako ng tayo nang makita sya. Nagulat naman sya ng makita ako.
"Kanina ka pa andito? Madilim dito ah?" Sabi nya nang makalapit saakin at hinawakan pa ako sa braso.
"Ano ka ba, ayos lang ako. Tara inom natin yan. Doon nalang tayo sa condo mo para doon ka iiyak" pang aasar ko pa pero ako ang naasar dahil ngumiti sya saakin pambihira!
----
"Babawi nalang kami sa Winter tournament." Sabi nya sabay lagok ng alak. Tumango tango naman ako sakanya. Nasa sala kami mag iinom nakaupo sa sahig. Ayaw nya maupo sa couch dahil madudumihan daw. Ayos talaga.
"Talaga. Maglaro ka hanggang tag lamig. Para sa team nyo" sabat ko sabay kuha ng shot glass at nilagok ang inumin ko.
"Kaya kayo, sikapin nyo makapasok ng Interhigh. Women's nalang ang pag asa" pangangaral pa nya saakin. Ngumiwi naman ako dahil parang team mates nya ang kausap nya. Hanggang dito nadadala nya ang pagiging Captain nya.
"Malamang! Malakas ang team ko! Kulang ka kase sa height kaya ganyan!" Singhal ko natawa naman sya saakin kanina pa nya ako tinatawanan sobrang saya nya ba saakin?
"Okay lang gwapo naman" halos gusto ko isuka lahat ng kinain ko dahil sa sinabi nya. Narinig nya siguro ang nakakadiring cheer ni Kazumi.
"Mandiri ka nga oy!" Natawa sya saakin nang makita asar na asar ako sakanya. Hindi ko kayang pikunin si Fujima. Masyado mahaba ang pasensya nya. Hindi mainitin ulo nya. Kaya napakagaling nyang playing coach ng team nya.
Isang oras din kami nag inom at nag ligpit na sya habang ako nakahilata sa couch. Nahihilo akong tumingin sakanya. Napatingin naman sya saakin. At agad lumapit saakin dahil nasusuka ako. Naglagay sya ng timba sa harapan ko. Hinawakan nya din ang buhok ko habang sumusuka. Inasikaso nya ako habang nahihilo ako mula sa pagpapalit ng damit ay sya rin.
BINABASA MO ANG
Heartless Love
FanfictionSlamdunk Series #4 - FUJIMA Kenji Fujima has been my long-time academic rival. I have never been better than him. I am always second to him, and he is always the number one. but I didn't expect that my rival had feelings for me. (Fujima Kenji From...