Isang linggo kaming nag iiwasan sa isat isa. Maski sa condo hindi kami nag iimikan. Parang hindi kami nag eexist.
Hindi nya talaga ako pinapansin. Hindi na rin nya ako kinakamusta.
Dahil sa ginagawa nya. Nawalan ako ng gana. Hindi ko alam bat ganto ang nararamdaman ko at bakit ganto ang epekto ng ginagawa nya.
Ang mas nakakawalang gana pa. Lagi nila kasama si Kazumi. Tila naging close after ng isang linggo. Dinig ko pang botong boto si Takano kay Kazumi.
Hindi ko maintindihan ang ginagawa nya pero hindi nakakatuwa at hindi ako natutuwa sa nangyayari saakin. Parang feeling ko natalo ako dahil napaglaruan nya ako. Nabago nya ang ilan sa mga nararamdaman ko. Ilang buwan palang pero may epekto na sya saakin. At bakit hinayaan ko mangyari iyon? Paano kung laro nga lang nya ito? Anong mararamdaman ko? Dapat hindi ko hinayaan gawin nya ito saakin. Dapat hindi ko hinayaan maapektuhan nya ako.
"Piper, hindi mo nanaman kinain ang lunch mo. Ayos kalang ba? Isang linggo kanang ganyan" nag alalang sabi ni Kagura kasalukuyan kami nasa Cafeteria. Nakatingin lang ako sa table nila Fujima na nakikipagtawanan kay Kazumi.
Napasapo ako ng ulo nang makaramdam ako ng hilo. Pero umiling ako umaasang aalis ang pagkahilo na nararamdaman ko.
"Tara na, mag iistart na ang klase" matamlay na sabi ko sakanya at tumayo hindi na ako lumingon nang mag umpisa ako maglakad palampas sa table nila.
May kirot akong naramdaman pero hindi ko na pinansin pa.
----
"Sigurado kabang ayos kalang? Kanina kapa tulala" naupo sa tabi ko si Kagura. Kakatapos lang ng practice namin at hindi ko alam kung paano ko na manage.
"Oo naman, may iniisip lang ako" pilit akong ngumiti sakanya para hindi na sya mag alala pa pero bakas parin sa mukha nya ang pag aalala.
"Kagagawan ba ni Kenji yan? Hindi ka ganyan Piper. Sabihin mo nga saakin. Naapektuhan kaba sakanya?" Natigilan ako sa tanong nya.
Naapektuhan ba ako? Siguro Oo hindi ko alam nalilito ako.
Maski sarili ko hindi ko mabasa."Wag mong sabihin nagugustuhan mo sya? Dapat hindi ka nagpa apekto. Mukhang pinaglaruan ka ni Kenji. Akala ko pa naman seryoso sya sayo. Pero sa inaasta nya ngayon. Tila naglaro sya" mahabang sabi nya. Napasandal naman ako sa pader na nasa likuran ko.
"Maski ako Kagura hindi ko alam ang sagot. I mean hindi ko naman 'to naramdaman nung nakagusto ako kay Hanagata. Baka hindi ko sya nagugustuhan. Nagugulat lang ako sa inaasta nya o natutuwa kaya naapektuhan ako. Hindi ko hahayaan paglaruan nya ako. Hindi ako papayag na mangyari yon ulit saakin." Pilit ko pinapalakas ang loob ko. Pero alam ko may hindi tama sa mga sinabi ko.
"Tandaan mo once na tumulo para kay Kenji ang luha mo. Alam mo na dapat hindi iniiyakan ang taong kinakatuwaan mo. Magkaiba na iyon kung sakaling umabot sa punto na yon" seryosong saad nya saakin at tinapik ang balikat ko.
Hindi ko iiyakan si Fujima. Hindi yon mangyayari.
----
Kasalukuyan akong pababa ng hagdanan papuntang gym. Wala masyadong tao don dahil baka nasa gym or nasa cafeteria.
Nakakadalawang hakbang palang ako pababa ng may biglang tumulak saakin mula sa likuran dahilan para masubsob ako at magpagulong gulong pababa ng hagdanan.
BINABASA MO ANG
Heartless Love
FanfictionSlamdunk Series #4 - FUJIMA Kenji Fujima has been my long-time academic rival. I have never been better than him. I am always second to him, and he is always the number one. but I didn't expect that my rival had feelings for me. (Fujima Kenji From...