Chapter 9

98 9 2
                                    




Masama parin ang tingin ko kay Fujima. Kasalukuyan kami nasa Sala pero ang gago ay nakangisi lang saakin! Alam na alam nya talaga kung paano ako asarin. Kanina pa ako naiirita





"Bakit ba Hindi ka pa umalis?! Binubwiset mo lang ako! Kailangan ko ng beauty rest!" Singhal ko sakanya.






"Edi matulog kana gusto mo ba tabihan pa kita?" Nang aasar nyang Sabi saakin. Napairap naman ako at napasipa ng Mahina Dahil sa nararamdaman kong iritasyon.





"Mandiri ka nga! Hindi kita gugustuhin katai Never again! NO!NO!NO" inis na inis na sabi ko sakanya






"HAHAHAHAHA ang cute mo magalit no? Isa pa nga" natatawa pang sabi nya. Sa inis ko tumayo na ako at kinuha ang unan sa sahig at binato sakanya. Pero tinawanan lang nya.






Pumasok na ako sa kwarto at pabagsak sinara ang pinto! Nakakaasar! Wala manlang ako laban sakanya! Argh!






Pinilit ko ang sarili ko matulog at hinayaan ang kupal na yon sa sala! Aba bahala sya sa buhay nya! Letse sya letse!






Kinabukasan nun hindi ko inaasahan doon na magsisimulan ang kakupalan ni Kenji. Pinagluto nya ako ng bonggang breakfast na tila bibitayin ako sa dami. Inis na inis ako sakanya dahil don! Pati sa pagpasok sa school hindi nya ako tinigilan! Dahil sa pang aasar at pananakot nya saakin ay nauwi kami sa hatid sundo na gusto nya! Hindi ko alam bat ako pumayag! Ilang linggo nyang ginawa yon kaya nagkalat sa campus na nanliligaw sya saakin. Walang araw na hindi ako naiirita sakanya! Ang dami nyany pakulo na corny! Alam na nga nya ayaw ko sa bouquet binigyan nya parin ako dahil sa inis ko hinampas ko sakanya iyon at nagwalk out. Pero hindi parin sya tumigil! At naghasik nanaman ng lagim.







"ANO!TITIRA KA DITO? AYOS KA AH? ILANG LINGGO MO NA AKO BINUBWISET KENJI TAPOS  DITO KAPA TITIRA? AYOKO!BAHALA KA SA BUHAY MO! Alis!" Sigaw ko sakanya pero dahil napakakapal ng mukha nya pumasok parin sya sa condo ko. Napanganga ako sakanya at tumawa ng sarcastic sa kawalan dahil sa inis.







Hanggang lumipas ang Limang buwan ng pambubwiset ni Kenji saakin. Nasanay na ako sa presensya nya. Isa siguro sa nagustuhan ko sa ginawa nya ay sinusunod nya ang gusto ko kagaya kung anong gusto kong ulam,gamit. Sya din ang naglalaba ng damit namin sya ang kumikilos. Minsan kung makakatulog ako sa assignment ay sya ang gumagawa. Akala ng iba ay kami na dahil lagi kami magkasama. Hindi humihiwalay saakin si Kenji. Dahil don nasanay ako na lagi syang andyan.







May iba akong nararamdaman pero ayaw ko alamin. Ayoko.







Kaya dahil sa pagiging selfish ko nanlalake parin ako at lagi may kalandian sa bar pero hindi ko nakikita nagrereklamo si Fujima lagi syang nakasunod pero hinayaan lang nya ako. Akala ko doon ko sya mapapasuko. Akala ko nagloloko lang sya sa feelings nya. Ayoko maniwala pero ilang buwan na syang ganyan. Tila hindi nya iniinda ang ugaling meron ako.







One time napadaan ako sa gym nila. Nakita ko sila Hasegawa at Fujima sa isang gilid. Tila nag uusap sila. Nagtago ako sa isang pang gilid kung saan hindi nila ako matatanaw. Tama lang para marinig ko sila.







"Nasasaktan kana pala sa ginagawa ni Piper bakit hindi kapa sumuko?" Sabi ni Hasegawa. Natigilan naman ako. Nasasaktan pala sya? Pero bakit ganon sya umasta?







"Mahal ko si Piper. At ugali na nya yan Simula palang. Kung susuko ako hindi sya maniniwalang gusto ko talaga sya. Alam ko nasasanay na sya may kasama kahit ganon don palang pag asa na para kumapit" mahinang saad nya. Napasandal namam ako sa pader. Seryoso pala talaga sya? Pero bakit hindi ko magawang paniwalaan?






Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon