"Totoo pala ang sabi ng anak ko, Napakaganda mo pala talaga iha.." sabi saakin ng mama ni Kenji, nahiya naman ako at nagbaba ng tingin.
"Sabi ko sayo Ma e! Ang ganda ganda nya no?!" Masayang sabi ni Kenji at hinaplos ang kamay ko habang hawak nya ito.
"Oo na Kenji, paulit ulit kana. Wag mo na ipahalata kay Piper na inlove na inlove ka.." natatawang sabi ng Papa nya at tumingin saakin at ngumiti.
Lihim naman ako natutuwa sa mga sinasabi nila, ibig sabihin inlove talaga saakin si Kenji. Nakakatuwa lang.
"Dito ka na muna hanggang bukas ng gabi Piper, sa lunes pa naman ang pasok nyo diba? Matagal din hindi namin nakasama ng matagal si Kenji" sabi ng mama nya. Napatango naman ako. Wala naman sila Mommy ngayon dito nasa ibang bansa kaya pwede ako makitulog sa ibang bahay muna.
"Oo naman po, wala naman po kaming schoolworks tinapos na po namin kahapon." Nakangiting saad ko.
"Osya kumain na tayo, bukas na tayo mag usap. Alam ko pagod kayong dalawa." Pang aaya ni Tita saamin. Sumunod naman kami sa hapag. Masaya namin pinagsaluhan iyon. Ang saya ng pamilyang meron sya. Nakakainggit.
Tinuro nya ang magiging kwarto ko. Magkatabi lang ang kwarto namin. Nag usap sila na magkahiwalay kami dito dahil bilang respeto na rin kahit alam nilang live in na kami.
Tumambay muna kami sa Balcony nila dahil parehas kaming hindi pa makatulog parehas kaming umiinom ng hot chocolate na may marshmallow.
"Ilang weeks nalang ga-graduate na tayo. Ang bilis ng panahon.." sambit nya saakin, napatango naman ako. Napakabilis nga parang kahapon ay magkaaway pa kami at nag aasaran.
"Sa sobrang bilis magigising kanalang kasal na tayo Piper" natatawang sabi nya kaya natawa na din ako. May possibility na mangyari iyon pero sigurado marami kaming pagdadaanan bago mangyari iyon.
----
"Piper! Sino yan?" Tumingin ako sa tinuturo ni Kagura. Napakunot pa ang noo ko dahil may babaeng kumakausap kay Kenji nakalingkis pa ito sa braso nya.
Iba ang uniform ng babae kaya hindi siya taga dito. Siguro dinayo nya si Kenji dito.
Hindi na ako nakatiis at lumapit ako sakanila, inis kong tinulak palayo ang babae kay Kenji. Gulat naman siyang tumingin saakin. Humawak naman ako sa kamay ni Kenji at mataray na tinginan ang babae.
"Kenji! Who is she? Look tinulak nya ako oh!" Napapikit agad ako sa arte ng boses nya.
"Sorry Sandra... ayos kalang ba?.. Piper wag kang ganon.." saway nya saakin. Napataas naman ang kilay ko at kumalas sa pagkakahawak sa kanya.
"Piper, This is Sandra Go kaibigan ko siya since mga bata palang kami.." dagdag ni Kenji. Napangiwi naman ako at umirap.
Hindi ko gusto ang babaeng ito. Sarap kaladkarin.
"And so? Congrats Kenji enjoy your damn reunion then.." naiinis na sabi ko at sinenyasan si Kagura na umalis na kami doon. Naglakad na ako palayo doon at pumasok na ang building namin.
First time may ipagtanggol si Kenji saakin. That girl must be lucky this time.
"Kaibigan ko lang siya Piper.. wag kang mag isip ng iba dyan." Pangungulit ni Kenji saakin.
BINABASA MO ANG
Heartless Love
FanficSlamdunk Series #4 - FUJIMA Kenji Fujima has been my long-time academic rival. I have never been better than him. I am always second to him, and he is always the number one. but I didn't expect that my rival had feelings for me. (Fujima Kenji From...