Chapter 7

110 11 1
                                    




Kanina pa ako pinagtitingnan ng mga estudyante habang naglalakad ako sa hallway. Malamang kumalat na yong nangyari kanina. Napapikit ako sa inis pero hindi ko magawang patulan dahil baka maniwala talaga sila.





Bumungad saakin ang masama tingin ni Kazumi nang makapasok ako sa room namin. Nakita ko pa ang nagbubulungan ang mga kakaklase namin. Tahimik akong umupo sa pwesto ko at kinapa ang Band aid sa pisngi ko.





"Ano yon ha! Bat sinasabi ng iba na may relasyon kayo ah! Traydor" isip bata syang umarte sa harapan ko. Inirapan ko naman sya dahil kanina pa ako naiinis.




"Ano Piper! Huhuhu" maiyak iyak pa nyang sabi saakin. Napapikit naman ako





"PWEDE BA!WALA NGA WALA!" Inis na sigaw ko sakanya pero nasigawan ko pala ang buong room namin dahil sa inis. Huminga ako ng malalim. Ngumuso naman saakin si Kazumi. At naupo sa tapat kong upuan.





"Talaga?! Sabagay kilala kita! Hindi ka gumagamit ng gusto na ng iba. Pero naiinis kase ako! Syempre bilang leader ng fansclub ni Fujima magseselos ako!" Napairap nalang ako sa walang kwentang sinasabi nya.





Kaya naman nang umuwi ako ay binagsak ko ang sarili ko sa couch.





"Kasalanan ko lahat ni Fujima! Bakit nya kase ginawa yon! Pwede ko naman sipain si Kaye! Masuspend lang ako! Parang bigdeal!" Inis na sabi ko sa sarili ko at ginulo ang buhok.





"Paano yan?! Kami ang pinag uusapan sa Campus! Malamang balewala lang sakanya iyon! Mygod!" Naiistress pang sabi ko at tumayo para magluto nang makakain ko. 7pm na din at nagugutom na ako. Hindi ako nakababa nung lunch. Dahil sa issue! Kasalanan nya lahat ito!





Nakakaasar!






----






"Class, magkakaroon tayo ng School Festival Bukas. Kaya maghanda na kayo ng pakulo nyo. Kailangan makahatak tayo ng bagong student's half day lang kayo ibibigay ang hapon para sa pagpaplano nyo" sabi pa saamin ni Prof bago lumabas ng room.





"School Festival! Alam mo ba sikat na sikat yung pamahiin na kung aamin sa bonfire pagkatapos ng school festival ay magkakatuluyan kayo! So bukas Piper aamin ako kay Kenji! Tulungan mo ako!" Kinikilig pang saad nya. Habang ako nakasimangot kanina pa.





"Bakit naman kita tutulungan? Mas mabuti umuwi ako ng maaga para makapagpahinga" walang ganang sabi ko. Hinampas naman nya ang braso ko.





"Anong klaseng kaibigan ka! Napakasama mo! Sige na tulungan mo ako!" Pabebe pa nyang sabi. Inirapan ko naman sya at tumayo palabas ng room. Naramdaman ko pa ang pagsunod nya saakin.





"Sige na! Piper! Pleas--- Hi Papa Kenji" napatingin naman ako sakanya. Nagsalubong naman ng tingin namin ni Fujima. Kasama nya si Hanagata na nakangisi saakin. Inirapan ko naman sila at tinalikuran.





"Hindi naman ata totoong may relasyon sila"





"Oo nga. Inirapan nga lang sya ni Piper kagaya ng dati"





"Impossible yan. Mapaglaro si Piper eh"





"Baka pinagtanggol lang talaga sya kay Kaye"





"Oo nga"





Huminga ako ng malalim dahil sa mga narinig ko.





Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon