Chapter 8

115 11 1
                                    


"HALA SI PIPER?"




"DIBA MAGKAAWAY SILA?"




"Halos limang taon din sila aso't pusa diba?"




"Paano nya nagustuhan si Piper?eh ang maldita"?




"Diba boypren pa ni Piper si Hanagata nung panahon na yon?"




Nanatili ang tingin namin sa isat isa. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya.




Gusto nya ako? Magkaaway kami paano nangyari iyon? Bakit ako? Paano nangyari iyon?




Hindi ko kinaya ang mga narinig ko kaya nakita ako ang sarili ko nagmamadali sumakay ng kotse ko. Hinawakan ang dibdib ko nang makapasok ako. Hinihingal din ako.




"Bakit nya ako gusto? Tangina bakit?!" Sinapo ko ang ulo ko at sinandal ko ang ulo ko sa manibela.




Hindi ako makapaniwala. Paano nya ako nagustuhan? Lagi akong harsh pagdating sakanya! Tapos pagkatapos nito liligawan nya ako? Hindi yon pwede! Mukha kaming tanga!




Naiiyak ako sa nangyayari saakin ngayon. Bigla ako nablangko.




Kinuha ko ang susi ko sa bag at nanginginig pa ako habang inistart ang kotse ko. Napatigil ako nang makita si Fujima sa harapan ng kotse ko. Seryoso syang tumingin saakin. Babalewalain ko na sana sya kaso ayaw nya umalis. Kumunot ang noo ko nang bigla nyang buksan ang pinto ng kotse ko at hinila ako palabas.




"Ano ba!" Sigaw ko sakanya pero hindi sya natinag mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko at nakatitig lang saakin. Naiilang ako sa mga tingin nya saakin pero hindi ko kaya umiwas.




"Totoo ang narinig mo. Matagal na ako may gusto sayo. Junior High palang. Ako ang una nakakilala sayo bago si Hanagata. Alam ni Hanagata gusto kita pero hindi ko maintindihan kung bakit ka nya niligawan." Madiin ang pagkakasabi nya sa huling sinabi nya. Hindi ko inaasahan hahaplusin nya ang pisngi ko habang nakatingin saakin. Doon ako nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko naipikit ang mga mata ko nang idampi nya ang labi nya saakin.




Sa utak ko maling mali ang pagkagusto nya saakin. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko parang ginugusto ko pa.





----





Wala ako sa sarili ko nung mga nakaraang araw. Apat na araw na din ako hindi pumapasok. Nawawalan ako ng gana.




Nagme-message saakin si Kagura bestfriend ko bukod kay Kazumi. Mas close lang kami ni Kazumi pero ang maasahan ko sa dalawa ay si Kagura. Kasama ko na sya bata pa lamang kami si Kazumi ay nung Junior high lang.




From: Kagura

Piper! Pumasok kana! Apat na araw kana hindi pumapasok. Panay hanap sayo saakin. Next week pumasok kana baka magsumbong ang prof natin kay Tito.




Napabuntong hininga ako at sumandal sa headboard.




"Anong buhay ba ito! Ang gulo gulo na ngayon ng buhay ko! Kasalanan toh ni Fujima! Bakit kase sa buong campus pa sya umamin! Pwede namang saakin nalang! Nakakairita!" Inis na sigaw ko sa loob ng kwarto. Panay reklamo ako sa sarili ko pero hindi ko na mababago ang nangyari. Pero kailangan ko ibahin ang way ng  buhay ko! Hindi ko na kakausapin si Fujima! Para pag usapan ireject ko sya! Oo ganon nalang siguro!




Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon