"Kamusta ang pag aaral mo Yuki?" Daddy asked me while we were having dinner. I staying here during weekends, that's what I always do. And he always asking me how's my grades or kamusta ang pag aaral ko. Buti nga hindi pa nakakarating sakanila nag iinom ako pag naiistress. Kundi papagalitan ako.
"My grades are okay daddy" I said casually. he nodded at me. I immediately finished my meal and said goodbye to them that I was going to my room to rest.
I sat up in my bed and looked out the window sadly " Bakit ba kami nag di-dinner ng sabay sabay kung halata naman sa mga mukha nilang napipilitan nalang sila magsama. Hindi ko dama ang pagiging pamilya namin. Paano nabubuo ang isang pamilya kung walang pagmamahal" malungkot na sabi ko. Napangiti ako ng mapait ng maaala ko kung gaano kaperpekto ang pamilya namin noon.. kung hindi lang talaga nagkamali si daddy ay hindi sana ganto ang pamilya namin.
Tinapos ko ang Sabado at Linggo ko don ng matamlay. Wala namang saya pag kasama ko sila. Nakakawalang gana sila kasama.
Nang umaga ay kumilos na agad ako dahil may practice pa kami. Hindi muna ako nag uniform. Nagsuot muna ako ng practice jersey namin. Dahil magpapawis ako. Doon nalang ako maliligo sa school. Para fresh na fresh.
----
"Piper" sinalo ko kaagad ang bola at dinidribble habang tumatakbo ako agad ako hinarangan ng mga teammates ko. Focus na focus ako sa ginagawa ko. " Ayame" tawag ko at pinasa sakanya ang bola. Napangisi ako ng lumipat sakanya ang mga nagbabantay saakin tumakbo ako palapit sa ring at senenyasan ko sya saakin ipasa ang bola. Pinasa naman nya saakin at tumira ako ng Tres.
"Ang babagal nyo! Bilisan nyo ang pagtakbo! At maging alisto!" Sigaw ko sakanila. Tumango naman sila saakin at binigyan sila ng 4 mins break. Kailangan namin ng matinding practice dahil nalalapit na ang elimination.
Hinihingal ako na naupo sa sulok at uminom sa water bottle ko. Halos maibuga ko ang iniinom ko nang makita si Fujima na nakasandal sa pader nakapamulsa nakatingin saakin.
Hindi kami nag uusap about sa ginawang paghalik saakin. Hindi ko naman first time iyon hindi ko lang inaasahan na sa lahat ng tao ay sya ang hahalik saakin ng ganon lang. Hindi sya simpleng tao lang saakin. Karibal ko sya! At hindi kami close duh.
Iniwas ko naman ang tingin ko sakanya at pinunasan ang pawis ko. Napapikit ako nang nararamdaman ko parin ang ginagawa nyang pagtitig saakin. Pinilit kong hindi pansinin at bumalik sa practice. Kanina pa nya ata kami pinapanood. Nang matapos ang practice ay nagtungo na ako sa locker namin at kinuha ang gamit ko para maligo. Halos sampung minuto ang tinagal ko sa banyo. Tumingin ako sa oras. Ilang minuto bago mag simula ang klase. Binoblower ko ang buhok ko sa harap ng salamin ganon din ang mga ka teammates ko.
"Piper mamayang gabi may gimik tayo" pag aaya nila. Ngumisi naman ako sakanila. Alam nilang hindi ako tatanggi. Naeexcite nanaman ako. Hahanap ako ng bagong kalandian. Ilang weeks na ako walang fling. Kaboring.
"Count me in, antayin nyo ako mamaya" sabi ko nang matapos ako sa pag aayos.
Dumiretso na agad ako sa klase. Buti ay hindi ako nalate. Nasa higher section ako hindi nga lang section 1 dahil si Fujima ang andun. Magkatabi lang kami ng room pero hindi ako lumalabas ng room pag break time nagbabaon ako ng pagkain. Ayoko magkipagsiksikan sa cafeteria ang init init pa naman. Walang aircon don. Mahaggard lang ako.
BINABASA MO ANG
Heartless Love
FanfictionSlamdunk Series #4 - FUJIMA Kenji Fujima has been my long-time academic rival. I have never been better than him. I am always second to him, and he is always the number one. but I didn't expect that my rival had feelings for me. (Fujima Kenji From...