"Oh, sino yung napakagandang babae na yon?" Sabi ko at tinuro ang babaeng papasok ng gym namin.
"Tsk.. tsk" nilingon ko si Hasegawa at panay sya iling saakin at ngumiwi pa.
"Girlfriend mo yan, ikaw ba Fujima ay nasa tamang pang pag iisip? Lagi mo yan tinatanong saakin pag nakikita mong papasok si Piper ng gym natin, Oo girlfriend mo yan! Paulit ulit!" nakangiwi pa sya habang sinasabi nya kaya natawa naman ako.
"Tama ka, Girlfriend ko nga ang napakagandang babae na yan" proud pa na sabi ko at naglakad palapit kay Piper na may dalang lunch box. Recess na rin ata nila at sinabi ko kanina bago kami pumasok ay sabay kami kakain dahil baka mamayang gabi hindi ko sya masabayan. Uuwi ako sa family house namin dahil tumawag saakin si Mama na kailangan ko umuwi nagulat ata sya na Girlfriend ko na si Piper. Hanggang ngayon gulat na gulat parin sya. Kilala na ni Mama si Piper Junior High palang dahil bukambibig ko sya noon pa man.
Nakakatuwa lang na ang dating pinapangarap ko ay nasaakin na.
----
"Girl!!" Napakunot ang noo ko bago lumingon nakita ko naman si Kagura naglalakad palapit saakin. Abala ako sa pagbabasa ng libro dahil nagrereview ako para sa exams.
Naupo sya sa tabi ko at pinatong pa ang braso sa Desk ko.
"Ano na Girl? Birthday mo na bukas ah? Wala kang ganap? Nung nakaraang taon nag bar party tayo ah?" Parang bata na sabi nya saakin
"Girl, nung nakaraang taon wala akong boyfriend." Nakangiwing saad ko at sinira ang libro na binabasa ko. Masyado akong naging busy hindi ko namalayan birthday ko na pala bukas. Kaya pala nag padala si Daddy ng malaking box at puro laman ay bagong damit at sapatos nasa Paris silang dalawa ngayon para sa bussiness.
Knowing Kenji hindi iyon papayag ng Bar Party lalo na kung hindi sya kasama. Aalis sya mamayang gabi at hindi pa nya ata alam na birthday ko.
"Oo nga pala! Seloso ang iyong Boyfriend. Wala paba syang balak bukas? O hindi nya alam? Tamang tama walang klase bukas! It's Saturday Piper! Party party! stress ako lately kailangan ko mag party para hindi ako maging haggard pagdating ng Graduation!" Madaldal na sabi ni Kagura. Stress nga kami lately dahil tambakan ng schoolworks. Ganito daw talaga pag Graduating na, Pahirapan.
"Sasabihin nalang kita pag may naisip ako. Pag sasama si Kenji pag bar party tayo" sabi ko nalang sakanya dahil abang na abang sya. Hindi kase nasabi ni Kenji kung uuwi ba sya sa condo bukas. Mamayang gabi ang uwi nya sakanila. Kaya mag isa ako mamayang gabi.
Nang makauwi ako dumaan ako sa isang Fast food chain para bumili nalang ng Dinner ko. Masyado akong pagod para magluto pa.
Pagkatapos ko kumilos sa condo. Dumiretso na ako sa kwarto at doon nalang kakain habang nagrereview.
Sumasakit na agad ulo ko wala pang isang oras dahil math lang naman ang binabasa ko.
"A special right triangle is a right triangle with some regular feature that makes calculations on the triangle easier, or for which simple formulas exist. For example, a right triangle may have angles that form simple relationships, such as 45°–45°–90°. This is called an "angle-based" right triangle." Mahinang basa ko sa binasa ko, sinapo ko ang noo ko habang nagbabasa. Para akong nahihilo.
BINABASA MO ANG
Heartless Love
Fiksi PenggemarSlamdunk Series #4 - FUJIMA Kenji Fujima has been my long-time academic rival. I have never been better than him. I am always second to him, and he is always the number one. but I didn't expect that my rival had feelings for me. (Fujima Kenji From...