Chapter 4

159 11 1
                                    



Napasimangot ako nang makita ko nanaman ang Ranking sa School. At Kagaya ng Dati





Top 1. Kenji Fujima
Top 2. Yuki Piper Sato





Napapikit ako sa inis. Ilang araw na din kami hindi nagkikita ni Fujima abala ang basketball Team ngayon. Kaya hindi ko sya makikita malamang mang aasar nanaman sya. Hindi ko inakala papatulan ko sya eh puro pang iinis lang ginagawa nya saakin nung mga nakaraan. Alam nyang meron ako. Pinipikon pa nya ako Argh!





"Piper! Nood tayo ng laban mamaya! Shoyo Vs Shohoku! Icheer natin sila!" Pag aaya saakin ni Kazumi habang naglalakad kami papunta sa room





"Sige" papanoorin ko din kung magiging maganda ang laro ni Fujima.





----





"Wow ang daming tao ah?siguro totoo nga ang chismis malakas ang team ng shohoku!" Napalingon nga ako sa paligid. Madami ngang tao. Pumunta kami sa side kung nasaan ang cheering squad ng shoyo.





"Oh, si Piper oh"





"Kasama sya si Kazumi"





"Piper dito kayo oh" agad naman nya tinuro ang upuan namin. Malaki ang cheering squad ng Shoyo dahil napasama na kami sa National Championship Last year.





"Exciting naman nito GO PAPA KENJI!"





Hindi ko na pinansin ang ingay ni Kazumi maya maya nagsimula na. Unang lumabas ang team ng shohoku. Nakita ko agad ang sikat sakanila na si Kaede Rukawa. Pangalawa naman sila Fujima na. Agad na sila pumwesto. Si Fujima din ang coach nila so baka mamayang 2nd half pa sya papasok sa court. Seryoso syang nagsasalita sa team mates nya. Coach na coach ang datingan. Starting five sila Hanagata puro matatangkad muna ang pinasok ni Fujima habang sya nakaupo sa bench. Napatingin pa sya sa pwesto namin. Nakita ko pang ngumisi sya ng makita nya ako. Ilang araw na din kase hindi kami nagkikita masyado syang abala. Ayoko man aminin. Hinahanap hanap ko sya.





"Ang gwapo gwapo talaga ni Kenji" gusto kong masuka sa sinabi ni Kazumi. Parang hugis puso pa ang mata habang nakatingin kay Fujima inismiran ko naman sya. Nakakadiri ugh!





"HANAGATA! HANAGATA !HANAGATA" sigaw ng cheering squad.





Nakangisi namang tumingin saakin si Kazumi. Hindi ko naman pinansin.





Super Star si Hanagata sa Team nila. Isa rin sa pinakamagaling sa Sentro.





Nagsimula na. Si Hanagata ang gumawa ng unang puntos. Ginamitan nya ng Fade Away Jump shot si Akagi. Medyo maliliit ang players ng Shohoku. Kaya mapapagod sila kaagad. Naging maganda ang pinapakita ng Shohoku. Kaya nakikita ko din nababahala si Fujima. Magaling pala talaga si Rukawa at ang point guard nila na si Miyagi. Pwede na sya itapat kay Fujima. Mabilis sya mag isip. Mapagmasid din sya kung kanino ipapasa ang bola. At ano ang magiging galaw ng kalaban. Pwede na sya mapasama sa magagaling kagaya ni Maki at ni Fujima.
Paganda ng paganda ang laban bawat minuto ang lumilipas. Gusto ko matawa dahil mukhang kinakabahan na sa Bench si Fujima. Sya ang pinunta ko dito pero mukhang sa second half pa sya maglalaro





Humahataw na ang Shohoku at ang bida ay si Miyagi. Nakukuha nya ang atensyon nang mga nanood. Sobrang bilis nya. Nagawa nyang tapatan si Hasegawa at Takano na nagbabantay sa ilalim ng ring. Napatingin ako ulit kay Fujima. Nakikita ko dito ang pagkuyom nya ng kamao. Kinakabahan na ata. Natawa ako kunti ng tinuro ni Miyagi si Fujima nanlaki ang mata nya halatang nagulat na hinahamon sya. Mamaya ay tatayo na sya. Nagpatawag na sya ng Charged time out.





Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon