CAPITULUS DUO

172 15 5
                                    

CHAPTER 2

Dominico's Pov

Nakatulog sa biyahe si Kulet. Nakaunan ang ulo nito sa dibdib ni Evo.

"So ano. Wala ka talagang balak na sundan si Theresa? Ikaw din hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan diba saka isa pa hindi ka naman gagastos ng pamasahe kahit ngayon makakapunta ka dun sa Maynila kung gugustuhin mo lang naman."

"Umalis siya diba. Ibig sabihin mas-importante sa kanya yung mga Ambisyon niya kesa sa akin na Crush niya. Saka baka gaya rin lang siya ni Ina na iniwan ako baka sa huli ganun din ang gawin ni Resa."  Seryosong sagot ko kay Evo habang nakatuon sa daan ang pansin ko.

Bumuntong hininga si Evo. "Ewan ko lang Dominico pero mga Demonyo tayo baka nakakalimutan mo wala tayong sinusukuang bagay hanggat hindi natin nagagawa diba. Isa pa kung maging kagaya man siya ng iyong Ina ang mahalaga sinubukan mo bago mo sukuan diba."

Napaisip ako sa sinabing iyon ni Evo. Wala nga namang mawawala kung susubukan ko.

"Evo. Sige. Susubukan ko bago ko sukuan."   Nakangiting sagot ko.

"Aray ko Evo. Pasalamat ka at kasama natin si Kulet kung hindi kanina pakita sinipa dyan."  Angal ko ng dumikit sa balat ko ang maliit na nag-aapoy na puso na ginawa ni Evo saka pinalipad palapit sa akin.

Tinawanan lang ako nito.

"Isa pa ba?"  Pang-asar na tanong nito.

Umiling na lamang ako. Nahawa na din siya sa kakulitan ni Roseta.


***

Ginising ni Evo si Kulet ng makarating kami sa bakuran na pagmamay-ari ni Tiyo Belphegor. Naunang naglakad tungo sa Kubo si Roseta habang masayang bitbit ang walang laman niyang basket sigurado akong magyayabang na naman yon kay Cael na naubos niya lahat ng paninda niya at natalo niya si Evo.

"Evo."  Tawag ko.

Nilingon ako nito.  "Bakit?"

"Aalis muna ako."

Ngumisi ito at naglakad.  "Pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat! Sige ganyan nga. Kapag inayawan ka niya o di bumalik ka dito. Madaming Babaeng Mortal Dominico kahit hindi mo sila kapalad pwede mo naman silang mahalin kung gugustuhin mo lang naman basta tandaan mo lang kung kelangan mo nang tulong magparamdam ka lang dadating ako at si Tiyo kung hindi siya Busy."

Tumango lamang ako. Saka ako naglaho kasabay ng malakas na hangin.


***

Sa isang iskinita ako napunta. Minasdan ko ang paligid baka may nakakita sa akin. Walang tao o kahit CCTV camera. Saka ako naglakad na parang walang nangyari.

Masmaraming tao talaga dito sa Siyudad kesa sa Probinsya ang sabi ni Roseta sa Alabang daw ang Paaralan na papasukan ni Resa.  Hamilton International School daw ang pangalan ng Paaralan. Naglakad-lakad muna ako ang alam ko nasa Alabang na nga ako. Malapit rin lang daw sa Paaralan ang Boarding house na nakuha ni Resa.

May Nakita akong tindahan lumapit ako para magtanong.   "Manang pwede ho bang magtanong. Saan ho banda ang Hamilton International School?"

Agad na ngumiti ang matanda.  "Naku ang guwapo mo naman! Mag-eenroll ka ba doon?"

Umiling ako.  "Hindi po. May hinahanap po kasi ako at malapit lang daw po yon sa Hamilton International School ang Lugar niya."

Tumango tango si Manang. "Ah... Okay. Malapit na yon dito. Nakita mo ba itong kalsadang to diretsuhin mo lang tapos dun sa kantong yon lumiko ka pakaliwa at diretso lang Hamilton International School na."

"Ah. Salamat po ay pwede pong pabili ng soft drinks."  Dumukot ako sa bulsa ko.

"Pwedeng-pwede e ano naman ang soft drinks mo Pogi?"  Tanong ni Manang.

"Coke mismo po."

Kumuha ito sa ref saka binigay sa akin.  "Eto. Twenty pesos lang yan."

"Salamat po."  Binigay ko sa bayad.

"Ay pogi! Wala pa akong barya dito sa Isang Daan mo."  Nag-aalalang turan ni Manang.

"Okay lang po. Keep the change na lang po."   Saka ako tumalikod at naglakad.

"Salamat Pogi!"  Sigaw ng Matandang Babae.

Sinunod ko ang sinabi ni Manang. Mabait siya para sa isang Mortal may mangilan-ngilan di akong nakakasalubong na mga kababaihan na kontodo ang pagkakangiti kahit na hindi ko naman sila kilala at iba pinagbubulungan pa ako. Saglit akong natigilan para tignan ko ang sarili ko sa salamin ng Isang Boutique.

Ayos naman ah. Nakasuot ako ng kupas na maong na kulay itim at gray t-shirt at higit sa lahat Anyong tao naman ako! Ano kayang problema ng mga Mortal na to? Kahit kelan mahirap talagang intindihin ang takbo ng pag-iisip nila.

Umiling na lamang ako saka ako muling naglakad. Malapit na ako sa Kanto. Ang sabi ni Manang kakaliwa daw ako. Kaya kumaliwa ako. Mula sa kanto kitang-kita ko ang Gate ng Hamilton International School. Inubos ko muna ang iniinum ko bago ko iyon itinapon sa basurahan.

Nakatayo na ako malapit sa Gate. Ah Oo nga pala Linggo ngayon kaya walang pasok ang mga estudyante. Sinulyapan ko ang Relo ko at Alas kuwatro na pala ng hapon lumingon ako sa piligid may nakita akong nakasabit na karatula. Nilapitan ko iyon saka ko kinuha. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao kaya tinitigan ko din sila bigla silang bawi at parang balewalang naglakad uli.

Lumapit ako sa guard.

"Manong." Tawag ko sa bantay.

Dumungaw naman ito sa labas ng Gate. Minasdan muna ako ni Manong mula ulo hanggang paa. Pilit akong ngumiti.

"Ano po iyon Sir?"  Tanong ni Manong.

"May bakante pa ho ba? Mag-a-apply po sana ng Janitor."  Nakangiting tanong ko.

Napakamot ito sa noo. "Ikaw? Mag-a-apply na Janitor? Sa guwapo mong yan? Sigurado ka?"

Tumango ako at ngumiti. "Opo. Kelangan ko po kasi ng trabaho. Kaluluwas ko lang ho kasi ng Probinsiya."

"Ganun ba?"   Binuksan ni Manong ang Gate saka ako pinapasok. "Pirma ka muna dito para bukas pagpasok ni Madame Principal masabi ko sa kanya ang tungkol sayo. Bale balik ka na lang nang 8:00 nang umaga ha."

"Okay ho."  Kinuha ko ang Logbook pati ang ballpen saka ko sinulat ang Pangalan ko. Teka. Anong Apelyido ko? Wala naman kaming ganun e. Ah! Tama. Tinapos ko iyong pirmahan saka ko iniabot uli kay Manong.

Binasa nito ang isinulat ko.  "Dominico Belpepper?"  Napatingin ito bigla sa akin.  "Sabi ko na nga ba at may lahi ka e!"

"Ho? Lahi?"  Maang kong tanong talagang maraming nalalaman ang mga Mortal.

"Oo. Kita sa itsura mo pati dito sa Apelyido mo. Anong lahi mo nga pala?"

"Ho?"  Ano bang tinutukoy nitong lahi ko? Yung pagiging Demonyo ko kaya? Alangan naman sabihin ko sa kanya na hindi ako tao. Naku ang kumplekado nang matandang to ah!

"Hindi ko din ho kasi alam e. Basta ipinanganak ako ng Nanay ko ganito na po ako eh. Bakit ho kelangan ho ba sa trabaho yung Lahi?"

Umiling ito.  "Hindi naman. Naitanong ko lang naman ang guwapo mo kasi tiyak na pagkakaguluhan ka ng mga Babaeng Teacher dito baka nga pati Anak ng may-ari ng School mabaliw sayo e sa gandang lalake mo ba naman. Naku ang swerte mo!"

Natawa na lamang ako sa sinabi nito. "Naku. Grabe naman ho yon kung magkakaganon man. Sige ho alis na ako. Babalik na lamang ho ako bukas nang umaga."

"O Sige. Dominico."

Naglakad ako palayo sa Paaralan. Sunod kong hinanap ang Boarding house ni Resa. Medyo madilim na pero wala pa akong nakikitang Boarding house.

Sumandal muna ako sa poste. Nakakapagod din pala ang maglakad lakad kung Hindi mo alam kung saan ka pupunta. Sana makita ko na si Resa.





DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon