CAPITULUS TREDECIM

137 11 0
                                    

Gabing-gabi na nang magising ako. Humapa na din ang kaninang malakas na ulan. Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura kaya lumabas ako ng kuwarto para kumuha ng pagkain sa kusina. Madilim na at tulog na ang mga kasambahay ko.

Kumidlat nang malakas. Parang may nakita akong anino sa labas nang bintana na nakaharap sa likod Bahay. Binalewala ko yon. Baka kasi anino lang yon ng sangga nang Puno. Nagpatuloy ako sa paghakbang tungong kusina. Binuksan ko ang ilaw saka ako kumuha ng Loaf bread sa Kitchen cabinet gagawa na lang siguro ako ng Sandwich.

Dumagundong uli ang nakakatakot na kulog kasabay ng nangangalit na kidlat. Muling lumiwanag ang paligid dahil sa pagguhit ng liwanag Mula sa kalangitan nabitawan ko ang tinapay na hawak ko.

Sigurado ako na may nakita ako! Isang napakalaking bulto ng tao. Tao? Mukhang hindi siya tao.

Napaatras ako bigla nang maalala ko ang nilalang na nakita ko sa panaginip ko... magkahawig sila ng aninong nakita ko! Natigilan ako nang makarinig ako ng mga yabag. Isang pamilyar na yabag ang palapit sa akin habang tahimik ang buong paligid. Dinig na dinig ko ito. Napakapit na lamang ako sa dibdib ko nang tuluyang masilayan ko ito.

Nanlaki ang mga mata ko! Siya nga ang nilalang na nasa panaginip ko! Ano to!? Pinaglalaruan ba ako ng imagination ko o sadyang nababaliw na ako?

"Naaalala mo na ba ako?" sambit nito. Mababa lamang ang boses nito pero umalingawngaw yon sa paligid siguro dahil sa tahimik at tanging ulan lamang ang tunog na maaaring marinig.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" I stutter. I can't believe this! Am I insane?

Ngumiti ito. "Ang sabi mo hahanapin mo ako sa susunod mong Buhay. Marie."

Umiling ako habang patuloy ito sa paghakbang palapit sa akin.

Ang laki-laki niya! Meron itong mahabang tuwid na buhok. At may sungay ito na gaya ng sa mga Demonyo. Higit sa lahat meron itong pakpak na sing itim ng dilim.

Hawak ko pa din ang dibdib ko at kontodo ang atras ko. Napapikit ako ng akmang hahawakan niya ako.

"Huwag mo akong kalimutan. Marie." unti-unting humina ang boses nito.

Pagdilat ko. Umaga na!? Pero sandali lang kanina lang gabi pa at umuulan pa nang bahagya!? Minasdan ko ang paligid at saktong nasa kusina nga ako at nakaunan ako sa mga braso ko.

"Panaginip lang pala." bulong ko sa sarili ko.

Tumayo ako. Nagulat pa ako ng may nahulog.

"Bulaklak?" sambit ko.... yumuko ako para damputin iyon. Isa iyong puting Calla Lily. Nangunot ang noo ko pero may pakiramdam ako na malapit sa akin ang bulaklak na to.

"Panaginip? Pero paanong may hawak akong bulaklak kung panaginip nga iyon." bulong ko sa sarili ko... umupo uli ako. Oo nga pala Suspended ako hanggang Friday. Hindi ko makikita si Dominico.

Kinuha ko ang tinapay saka ako gumawa ng Sandwich, nagtimpla din ako ng gatas. Hawak ko ang bulaklak. Paanong nakarating ito dito? Panaginip lang ba iyon o talagang nangyari yon? Pero bakit andun si Dominico at kamukha pa niya yung Demonyo ganun din si Teacher Theresa. Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Inubos ko ang Sandwich ko pati ang gatas ko. Gusto kong makita si Dominico!

"MISS CLOUDINE HINDI pa ba tayo uuwe?" tanong sa akin ni Manong Ton-ton.

"Mamaya na po kasi may inaantay akong lumabas---" natigilan ako ng makita ko si Dominico kasama niya si Teacher Theresa. Humiwalay sila sa mga kasama nila. Mukhang masaya silang dalawa.

"Mukhang may pupuntahan sila. Gusto mo bang sundan natin silang dalawa?"

Bahagya lamang akong tumango. Hindi naman sila Sweet pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing magkasama sila. Buti pa si Teacher Theresa. Naiinggit ako sa kanya.

"Miss Cloudine, meron pong tissue dyan sa gilid. Kung saka-sakaling kailangain nyo." may pag-aalalang turan ni Manong Ton-ton.

"Salamat po."

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sila hanggang sa makasakay ang mga ito ng Jeep.

Sa Town Center sila nagpunta. Nilakad na lamang nila ang Mula babaan ng Jeep hanggang sa makarating sila sa Mall.

Ano kayang gagawin nila dito? Titig na titig ako sa kanilang dalawa. Manonood kaya sila ng Sine?

"Miss Cloudine. Bakit hindi nyo sila sundan sa loob para mapanatag kayo. Magpa-park lang ako dito at aantayin kita. Ano sa palagay mo?" nakangiting sambit nito.

Tumango ako. "Sige po. Tama kayo. Dito lang po kayo ah. Eto po Credit card ko. Gamitin nyo po baka matagalan po kasi ako sa loob."

Sinundan ko silang dalawa. Pumasok sila sa isang mamahaling Boutique. Sa labas lang ako baka masmasaktan ako kapag nakita ko silang sweet.

Nagsusukat si Teacher Theresa ng Dress. Ibig bang sabihin binilhan ni Dominico ng Damit si Teacher? Parang may kumurot sa puso ko, bakit ang sakit sakit? Bigla na lamang tumulo ang mga luha ko. Agad kong kinuha ang panyo ko.

Nagulat pa ako ng magtama ang tingin namin ni Dominico. Nakatitig siya sa akin at bahagyang nakakunot ang noo nito. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya tumalikod ako at umpisang naglakad. Tingin ko kelangan ko ng umuwi. Masmasasaktan lang ako sa pinaggagagawa ko e. Kung si Teacher ang gusto ni Dominico o di goodluck na lang kahit masakit.

Umiiyak ako habang naglalakad para lang akong temang na sige ang tulo ng mga luha. Wow ha first heart ache ko to. Siguro iiiyak ko na lamang ito pag-uwe.

SI CLOUDINE YON. Anong ginagawa niya dito? Bibili ba siya? Saka bakit parang nakaramdam ako ng lungkot Nung nakita ko itong tumalikod at naglakad palayo.

Muli akong bumaling kay Theresa. Alam ko sa sarili ko na si Theresa ang Kapalad ko, baka pinaglalaruan lang ako ng Tadhana.

Tumayo na ako para alalayan si Theresa nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Dominico!" nilingon ko ito ngunit wala akong makita. Pamilyar sa akin ang boses na yon parang narinig ko na yon dati. Hindi ko lang matandaan kung kelan at saan.

"Dominico." tawag ni Theresa. Hawak na nito ang napili niyang damit at sapatos. Kulay pula iyon.

Sumakay uli kaming dalawa Jeep. Ihahatid ko muna si Theresa Bago ako umuwi.







DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon