CAPITULUS TRES

137 12 1
                                    

Chapter 3

Dominico's POV

May napansin akong isang grupo ng mga Babae ang iingay nila habang nagtatawanan. Dumiretso ako ng pagkakatayo nang makita ko si Theresa. Mukhang tuwang-tuwa siya hindi ko pa siya nakikita na ganun kasaya, medyo nag-aagaw na ang dilim kaya sigurado akong hindi niya ako napansin.

"Resa..." bulong ko sa pangalan nito.

Huminto si Resa.

"O bakit girl? May problema ba?" tanong ng kasama niya.

Kita ko ang pag-iling niya.  "Wala naman, para kasing may tumawag sa pangalan ko e."

Lumingon-lingon pa siya sa paligid kaya nagtago ako sa kinalalagyan ko ayokong makita niya ako at baka kung ano pang-isipin niya.

"Naku baka naninibago ka lang sa surroundings mo ngayon." sambit ng isa pa niyang kasama.

"Talagang may ganon?" sabay-sabay  pa silang natawa bago magdesisyong pumasok sa loob ng Boarding House.

"Oo gurl! May ganon talaga! Kita mo nga kanina doon sa Court ang daming nagtanong ng pangalan mo! Kasi yang beauty na yan hindi yan pang Probinsiya!" kinikilig na tili ng isa pang Babae.

"E ano?"  Sagot ni Resa habang natatawa.

Nagkatinginan sila at sabay-sabay na nagsalita. "Pang-Club!"

"Ang inggay niyong tatlo! Nakakahiya kayo noh!"  Sayaw ni Resa habang nakatakip ang mga kamay sa magkabilang tainga.

"Ang mabuti pa Resa. Magbihis na tayo!" Hila nito kay Resa hanggamg tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

***

Theresa's POV

"Teka! Bakit tayo magbibihis?". tanong ko.

"Hello gurl! Nasa Maynila ka na kaya tara sa Club! Magsasaya muna tayo ngayon bago ka pumasok bukas!" tili ni Grace.

"Tama! At dapat sexy tayo dahil madaming Papabols dun!" Sabay hatak sa akin ni Claire papasok nang kwarto nang Boarding house kamuntik pa nga akong madapa. Nagtawanan na naman kami talagang ang iingay nitong mga kasama ko malayo sa buhay nang nasa Leyte pa ako ang saya nila kasama pakiramdam ko parang ngayon pa lang ako nagdadalaga.

Sabay-sabay kaming lumabas ng Boarding house ng makapagpalit na kami ng damit pare-pareho kaming nakasuot ng maiksing bestida kahit medyo chubby ako bumagay naman sa akin ang suot ko na tinernuhan ko pa ng mataas na heels. One last look pa sa mga itsura namin bago kami pumara ng taxi papuntang Demons Club.

Pakiramdam ko parang may nakatingin sa akin na kaya sige ang lingon ko sa labas ng taxi habang masayang nagdadaldalan ang mga kaibigan ko, bigla kong naalala si Dominico madalas ko siyang sinusundan kahit pa nagmumukha na akong tanga e ayos lang ang importante alam ko kung saan siya nagsususuot habang nilalako niya sa Bayan ang mga paninda nilang kakanin. Nakaramdam ako ng lungkot ng sumagi sa isipan ko ang huling beses na nagkita kami sa terminal ng Bus ni hindi man lang siya kumaway alam kong ramdam naman niya na crush ko siya— kaso parang walang asenso sa buhay si Dominico kontento na siya sa kung ano ang meron siya parang wala siyang pangarap gwapo lang siya pero the rest bagsak siya kaya tama lang na kalimutan ko na siya! Nasa Maynila na ako ngayon maraming tao dito kimpara sa probinsya at sigurado naman ako na may magkakagusto sa akin hindi naman ako panget eh sadyaabilog lang ako pero maynkurba naman ang katawan ko kaya hindi na lugi ang Lalaki na liligaw sa akin in the future!

***

Napanganga ako sa ganda ng Club na nasa harapan ko ngayon! Sa buong buhay ko ngayon palang ako makakapasok sa ganitong lugar kung saan mainggay ang mga tao habang angniba naman ay nagsasayawan sa tinatawag nilang dance floor. Wow dati sa tv lang ako nakakakita ng ganito pero heto ako ngayon at nakatayo sa mismong harapan ng Demons Club.

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon