CAPITULUS OCTO

133 14 5
                                    

"WOW mukhang ganado ka ngayong sa paggawa ng mga Suman." bungad ni Evo habang niluluto ko ang mga ititinda naming Kakanin.

Hindi ko na siya nilingon abala kasi ako sa paglalagay ng mga Suman sa tubig.

"Seryoso ah. Kumusta na nga pala kayo ni Resa?"

Tumango lang ako.

"Bumalik ka na naman sa pagigi mong tahimik. Ano na? May nakuha ka bang sagot?" umupo ito sa isang bakanteng silya malapit sa pugon.

"Ikinahihiya niya ako.". tanging sagot ko. Natahimik si Evo.

"Kuya Dominico! Tapos ko nang balutin tong keychain." pukaw ni Roseta. Nakasilip ito sa bintana ng Kubo. Napangiti ako. Naalala ko kasi si Cloudine parang si Roseta lang siya.

"Salamat. Pakilagay na lamang diyan sa Aparador ko.". utos ko dito.

"Okay. Kuya!" tumalikod din ito kaagad sa bintana at umalis.

"Akala ko ba kinahihiya ka niya?" tanong ni Evo.

"Oo nga." sagot ko.

"E bakit may pabalot ka pa nung keychain. Ang cute pa nung itsura nun."

Ngumisi ako. "May iba akong pagbibigyan non. Evo."

Biglang nawala ang apoy sa Pugon.

Nagsalubong ang kilay ko. "Evo Yung apoy ibalik mo." utos ko.

"Sino muna yung pagbibigyan mo? Teka! Wag mong sabihin don mo ibibigay sa sinasabi mong babae!". gulat na reaksyon nito.

"Ibabalik mo ang apoy o pauulanin ko dyan sa dyan sa pwesto mo. Mamili ka." banta ko Dito.

Tumawa lang si Evo saka binalik muli ang Apoy at naglalagablab pa.

"Evo yung matinong Apoy naman kung pwede lang."

Tumawa ito. "Parang puso mo lang yan naglalagablab sa pag-ibig sa dalawang babae ang isa Kapalad mo habang ang isa mukhang siya yung true love mo."

Hindi ko na pinahirapan pa ang sarili ko para lang paulanan si Evo. Meron nga pala akong isang timba ng tubig sa tabi ko. Kinuha ko ang tabo saka ko inihagis sa mukha ni Evo ang laman nun.

O ayan natahimik ang loko.

Napapikit si Evo nang lumapat sa mukha niya ang tubig.

"DOMINICO!!!!" sigaw ni Evo.

Tinawanan ko lang siya.

"Lagot ka sa aking Demonyo ka!" tumayo si Evo at naghanda ng bolang apoy niya. Ibabato na niya ito sa akin ng may nagsalita.

"Sige lang Evo kapag nasunog tayo dahil sa mga pinaggagagawa mo lagot ka sa akin!"

Sabay kaming napalingon kay Roseta. May hawak siyang embandehado na puno ng mainit na kanin.

"Baka tapos na kayo sa paglalaro nyo kakain na kasi tayo ng pananghalian e." saway nito sa amin.

"Alas diyes pa lang aking Roseta." angal ni Evo.

"E sa nagugutom kami ng Anak mo eh at gusto ko kayong kasabay! Wala Kasi si Mama at si Cael pumunta sila nila Papa doon kina Lola. Pero kung ayaw niyo o di wag! Uubusin ko lahat ng ulam!"

Sabay kaming napatayo ni Evo. Saka dali daling naglakad papasok ng Kubo.

"O kala ko ba ayaw niyo pang kumain?" mataray na tanong ni Roseta.

Nagkatinginan kami ni Evo at sabay kaming umiling.

"Gutom na nga ako Aking Roseta. Diba Ikaw din Dominico."

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon