CAPITULUS SEPTEM

134 16 5
                                    

"Parang ang saya mo ata Cloud?" tanong ni Ate Luna.

"Halata po ba Ate?" nahihiyang tanong ko. Sabay tingin sa paligid baka Kasi marinig ni Kuya Moon.

Natawa si Ate Luna. "Wala si Kuya Moon mo. May importante silang Meeting ng mga Kuya ko."

Natawa na din ako. "Talagang kilalang kilala mo na ako Ate ah!"

"Halata naman kasi. Ano ba yung dahilan at masaya ka?" kasalukuyang nagluluto si Ate Luna ng paboritong Kare Kare ni Lorie.

Bumuntong hininga ako. At kinikilig akong nagsalita. "May date po kasi ako mamayang hapon!"

Nahinto si Ate Luna sa paghalo. Kunot noo itong tumingin sa akin. "Di nga? May sinagot ka na sa mga manliligaw mo? Sino? E ang yayabang ng mga yon naku Cloud dapat humanap ka nang simple lang at mabait."

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. "Basta makikilala mo din siya Ate sa tamang panahon!"

"O Sige na nga. Tawagin mo na si Lorie saka si Andro. Baka nagugutom na yung dalawang yon. Busing busy kasi tinutulungan ni Andro si Lorie sa project niya."

Tumango ako. "Kainggit naman sila. Ang sweet nila kahit mataba ang pamangkin ko love na love pa din siya ni Andro."

"Well true loves never judge nga daw e. Saka ako din e diba Ang taba ko na? Si Kuya Moon mo kasi ayaw na nagda-diet daw ako! Ang bigat ko na nga eh."

Natawa ako sa sinabi ni Ate Luna. Mataba na nga siya. Pero napakaganda pa rin niya. Tingin ko sinasadya ni Kuya na patabain ang mag-ina niya para walang magtatangkang lumigaw pa sa kanila Lalo na kay Ate. Kaso kahit mataba na siya masmaganda pa din siya kumpara sa akin.

Tinawag ko ang dalawa nasa Gazebo sila at nagawa ng Miniature House. Naabutan kong natutulog si Lorie habang si Andro naman busing busy sa kagagawa ng Project ng pamangkin ko. Guwapo si Andro mana kay Kuya Arthur at matangkad ito ang swerte ng pamangkin ko sa Boyfriend niya. Sana sila hanggang sa huli.

Nagulat pa si Andro ng makita ako. Tumayo ito bilang tanda ng paggalang.

"Naku. Tumayo ka pa. Aba tulog na pala itong si Lorie e. Pano yan matututo?". sita ko.

"Ipapaliwanag ko na lang po sa kanya mamaya paggising niya. Saka okay lang naman sa akin na ako Ang gumagawa nito para bonding din po namin ni Lorie." magalang nitong sagot.

"Okay!" sabay tapik ko sa Cute kong pamangkin.

Marahang nagmulat ito ng mga mata saka ngumiti sa akin at kay Andro. Wow ang eye contact nilang dalawa nakakainggit. Ramdam kong si Lorie ang Pinakamagandang babae sa Buhay ni Andro. Nakakainggit!

"Oi. Tara na at kakain na po tayo ng pananghalian. Naku ang sweet nyo ha baka langgamin na kayong dalawa niyan."

Natawa lang si Andro habang inalalayang tumayo si Lorie. Wow maalaga pala tong batang to sa girlfriend niya. Nakakainggit!

ALAS DOS Y MEDYA pa lang andito na ako sa MOA. Ayaw ko kasing ma-late sa First ever date ko. Nagsuot ako ng Black dress na may desenyong maliliit na kulay pulang hugis dahon. Tinernuhan ko ito ng Doll shoes na Light brown ang kulay. Naglagay din ako ng kaunting make-up at lipstick na kulay pula para masmaganda akong tignan. Nilugay ko lamang ang buhok ko na medyo kulot para masmagmukha akong tunay na Dalaga!

Nakatayo ako sa Entrance mismo ng MOA at nag-aantay kay Dominico. Ang dami nang tao ang naglabas masok sa Mall pero wala pa akong nakikitang Dominico kahit anino man lang niya. Tumingin ako sa wristwatch ko at 3:18 na nang hapon. Parang gusto ko nang umiyak. Sinubukan ko munang maglakad lakad pampalipas ng oras para hindi nakakainip isa pa pinagtitinginan na kasi ako nang mga tao.

Tumingin uli ako sa wristwatch ko 3:45 na nang hapon. Tingin ko hindi na siya dadating kaya naglakad lakad na lamang ako. Saka na ako uuwe magpapalipas muna ako ng sama ng loob. Naglakad ako hanggang sa dulo ng MOA maraming Tao kaya naghanap ako ng pwede kong puwestuhan. Nahagip nang tingin ko si Dominico. Nabuhayan ako ng loob napangiti ako saka ako humakbang palapit sa kanya kaso natigilan ako ng makita ko si Teacher Theresa. Magkasabay silang naglalakad ni Dominico. Sila ba? E bakit parang hindi naman sila sweet lalo na si Teacher Theresa.

Nasaktan ako... Sobra... kasi sa lahat ng lalake si Dominico lang ang inalok ko ng Date pero heto ako mukhang ewan na umasa at talagang nag-antay ako sa kanya sa Entrance ayon pala andito na siya kasama si Teacher Theresa.

Nagpahid ko na lamang ang luha ko. Nabigla pa ako ng mapatingin sa gawi ko si Dominico. Blanko niya akong tinitigan na para bang hindi niya ako kilala. Maslalo lang akong nasaktan kaya tumalikod ako at naglakad. Nagmamadali akong nagtungo sa parking lot. Agad akong pumasok sa nakaparadang Sasakyan.

"Manong. Uwe na po tayo.". utos ko sa Driver.

Tumango ito at pinaandar ang Kotse. Nagpahid na lang ako ng luha ko. Wow broken hearted ako. Ano bang meron si Dominico na wala sa ibang manliligaw ko. Di bale baka crush ko lang siya. Baka nga?

'Lilipas din to.' bulong ko sa sarili ko.

"MAY PROBLEMA ba Dominico?" tanong sa akin ni Resa.

Umiling ako. "Wala. Buti at inaya mo akong mamasyal dito."

Dapat masaya ako kasi kasama ko ang Kapalad ko. Pero bakit parang ang lungkot ko. Tinitigan kong maigi si Resa. Pinipilit kong marinig ang isip niya pero wala blanko.

'Lilipas din to.' paulit ulit na umaalingawngaw sa loob ng utak ko ang salitang yon ni Cloudine.

Napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ko na Sabado nga Pala ngayon. Nakalimutan ko ang sinabi niya. Natuwa kasi ako. Ng ayain ako ni Resa na mamasyal kami.

"Dominico.". tawag nito sa pangalan ko na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Ano yon Resa?" sagot ko.

"Alam mo naman sigurong Crush kita diba?" walang kabuhay buhay nitong sagot.

Tumango ako. "Oo. Ramdam ko naman."

"Ramdam?" saka ito bahagyang tumawa. "Bakit andito ka?"

"Sinundan kita." deretsong sagot ko.

"Bakit?"

"May gusto akong malaman kaya kita sinundan Dito. Walang mawawala kung susubukan ko diba."

Pumikit si Resa saka bumaling sa ibang direksyon. "Madami pa akong gustong gawin... Saka gusto kong yumaman. Nakakasawa nang maging mahirap."

"Kaya kong magsikap para maabot mo ang mga gusto mo Resa." mahinahon kong sambit.

Mahina siyang tumawa. "Nagtitinda ka nang kakanin noong nasa Leyte pa tayo. At ngayong andito na tayo sa Maynila Janitor ka naman at ako Teacher at sa iisang School pa tayo nagtatrabaho."

"Ikinahihiya mo ba ako Resa?" malungkot kong tanong.

Nagkibit balikat lamang siya at hindi na muling sumagot. Naglakad lakad na lamang kaming dalawa hanggang sa magyaya siyang umuwi.

Sumakay kami sa Jeep. Hindi tumabi sa akin si Resa. Parang hindi kami magkakilala. Nanahimik na lamang ako Lalo ng magbayad siya.

"Isang Alabang po yan Manong."

Ibang iba na siya. Ang bilis niyang magbago. Dati napakasimple lang niya. Para siyang si Ina na sa una lang ako naging mahalaga. Nagbayad din ako ng sarili kong pamasahe. Hindi ko na kinuha ang sukli sa Isang Daan. Madami ako non kung tutuusin masmayaman pa ako sa inaakala ni Resa.

Tahimik lamang kami sa biyahe. Sabay kaming bumaba paghinto ng Jeep sa Alabang.

Hinatid ko siya sa Boardinghouse niya saka ako nagpaalam. Nakakailang hakbang na ako nang lingonin ko uli si Resa may kausap na siya sa telepono niya.

Naglakad lang ako ng naglakad medyo madilim na din ang paligid. Humanap na ako ng Lugar na pwede kong pagtaguan upang maglaho. Napahinto ako nang may madaanan akong tindahan ng mga keychain.

Naalala ko bigla si Cloudine. Lumapit ako sa tindahan. Isang Pink na Rabbit keychain stuffed toy ang napili ko. Ibinalot yon ng nagtitinda saka binigay sa akin.

Iaabot ko ito sa kanya sa Lunes. Naglakad ako pabalik sa nakita ko Eskinita saka ako naglaho kasabay ng itim na usok.

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon