CAPITULUS NOVEM

132 17 1
                                    

Sabay kaming nagtungo ni Jeff sa Opisina ng Principal. Kasya naman kaming mga Janitorial Staff.

"Okay. Andito na kayong lahat. Kaya ko kayo ipinatawag lahat dahil magkakaroon ng Gala at idadaos iyon di mismo sa School natin. Dadalo sa Gala na yon ang mga Board Members nang School natin at yung mismong May-ari at ilang mga importanteng bisita. Bali aayusin nyo yung Field tulong tulong kayong gagawa ng Stage. Kaya ba o magh-hire pa ako ng mga Karpentero?"

"Madame?". taas kamay ni Edie.

"Yes?"

"Hindi na po ata yon kasama sa trabaho namin. Janitor lang po kami dito e." paliwanag nito.

"Kaya nga tinatanong ko kayo. Wag kayong mag-alala dahil babayaran kayo ng School sa paggawa nyo Ng Stage."

"Talaga po Madame?". paninigurado ni Jeff.

Tumango si Madame. "Oo. Babayaran kayo. At yung mga babae kayo ang naka-assign sa paglalagay ng mga dekorsayon sa buong Hallway. Tulad ng mga lalake may bayad din kayo. Basta kelangang lumabas na maganda ang mga gagawin nyo ha."

"E Madame kelan po kami mag-uumpisa?" tanong ni Ate Corazon.

"Ngayon mismo. Mamaya dadating ang mga materyales para sa paggawa ng Stage at yung mga gagamitin sa paggawa ng dekorsayon. Tutulungan naman kayo ng mga Teachers sa paggawa ng dekorsayon na mga bulaklak. O yung mga lalake mag-uumpisa na kayong gumawa nang Stage ha. May kinuha ako na Dalawang na Karpentero tapos tulungan nyo na lang sila para masmabilis. Pwede ba yon?"

"Opo Madame.". sagot naming lahat.

"Okay. Sa Friday na kasi yon gaganapin. Saka dapat present din kayo sa Friday night ha. Don't worry dahil may extrang bayad yon senyo basta mag-time in kayo. Saka dapat sa Friday nakapula o itim kayo. Yon kasi ang motifs ng Gala."

"Madame may pagkain po ba para sa amin?". tanong ni Myla.

Tumawa si Madame. "Syempre pwede kayong kumuha sa Buffet natin para sa lahat yon."

"Nakakahiya po kasi--"

"Kaya nga may Gala tayo dahil para magkakilala lahat ng Empleyado nang School Mula mataas hanggang sa mababa. Kaya mga girls dapat naka-dress kayo ha. Saka may upuan din kayo. Pati Faculty Staff aatend bawal absent ha."

"Opo!". sagot naming lahat.

Tumunog ang telepono ni Madame. Sinagot nito ang tawag saka binaba. "Okay. Andyan na daw ang mga materyales ganun din yung dalawang Karpentero. Sige na umpisahan na ang trabaho."

Sabay sabay kaming lumabas ng Opisina ni Madame. Dumeretso kaming mga lalake sa truck na nakaparada sa parking lot ng School para buhatin ang mga materyales. Medyo madami nang mga Estudyante kaya medyo maingat ang bawat galaw namin mahirap nang makasagi kami.

"O Dominico Buds maya mo na buhatin yan tutulungan ko muna itong si Caloy."

"Ayos lang ako Jeff. Kaya ko tong buhatin.". hinubad ko ang Uniform ko baka madumihan dalawa lang itong pinamalit palit ko.

"Shit!" mura ni Jeff.

"Bakit?". kunot noo kong tanong.

"And ganda ng katawan mo Buds! Nakakainggit! Totoo ba yang Abs mo?!" sabay tusok pa nito sa tiyan ko.

"Ay! Totoo nga grabe nakakabakla ka naman Buds!". dagdag pa nito.

Natawa ako sa sinabi nito. "Meron ka din nito sigurado ako niyan."

"Pero hindi kasing lake ng sayo.". mahinang sagot nito.

Tumawa lang ako saka ko inipit sa likod ng pants ko ang Uniform ko.. saka ako dumukwang para pasanin sa balikat ko ang tatlong mahabang bakal.

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon