CAPITULUS DUODECIM

199 17 2
                                        

Hindi ako nagpahatid sa Bahay ni Kuya Moon kasi panigurado na pagagalitan niya ako pag uwe niya.

"Miss Cloudine. Ihahanda ko na ho ba ang hapunan nyo?" tanong sa akin nang isa sa mga kasambahay namin.

"Hindi na ho. Ako na lang hong bahala mamaya. Magpahinga na po kayo. Medyo inaantok po kasi ako eh."
totoo naman yon e saka hindi ako sanay na pinagsisilbihan dahil Malaki na nga ako.

Umakyat ako sa ikalawang palapag kung asan ang Kuwarto ko. Ang laki ng Bahay namin pero ako lang mag-isa. May kapatid ako pero sa ibang Babae ni Daddy. Kaya si Dad bihirang umuwi Dito sa Bahay. Habang si Mommy naman gaya ni Dad may sarili na ring pamilya. Kaya eto ako na lang ang naiwan dito. Binigay na ni Dad yung parte ko sa mga Ari-arian niya dahil ako ang Panganay at legal niya anak. Nung una nagagalit ang madrasta ko pero wala siyang magagawa dahil karapatan ko iyon bilang Ashford. Hindi pa ako gaanong marunong sa Negosyo kaya si Kuya Moon ang humahawak ng ibang Property na ipinamana sa akin ni Daddy.

Huminto ako sa harap ng pinto ng Kuwarto ko. Ang tahimik ng Bahay ko at ang lungkot. Sobra. Pinihit ko ang doorknob saka ko marahan binuksan ang pinto. Gaya pa din nang dati Ang ayos ng Kuwarto ko. Humakbang ako papasok saka ko isinara ang pinto. Nilapag ko ang bag ko sa couch na nasa loob ng Kuwarto ko saka ako dumeretso sa bintana para buksan ang Kurtina. Malakas na ang ulan. Lalo akong nalungkot.

Naaalala ko pa noong Bata pa ako kapag naulan pinaghehele ako ni Mommy tapos maagang uuwi si Daddy para hindi siya matrapik. Nagbago lang ang lahat simula nang makilala ni Dad ang Sekretarya niya. Hindi na siya nauwi nang Bahay at Lage na silang nag-aaway ni Mommy. Hanggang sa magdesisyon silang mag-divorce. Naalala ko pa umuulan din nung umalis si Daddy... Nine years old ako nun.

"Where are you going. Daddy?" habol ko kay Dad sabay yakap sa bewang niya para pigilan siyang lumabas ng Bahay.

"Baby. Your Mom and I decided to split up---"

"What about me? Do you still love me Daddy?"

Hinawakan ni Dad ang mga kamay ko saka siya humarap at bahagyang yumuko.

Hinaplos niya ang pisnge ko gaya ng lage niyang ginagawa.

"You will always be my little girl Cloudine." yun lang at hinagkan niya ako sa noo saka siya humakbang palayo.

Hindi na siya umuwi simula nun hanggang sa nabalitaan ko na lang na may Kapatid na ako. Si Mommy umalis din. Masmasaya siya sa simpleng Buhay sa Bukid kasama ng lalakeng pinakasalan niya at may Dalawa na silang Anak. Pumupunta ako doon tuwing Bakasyon mas close ako sa kanila kesa sa side ni Dad.

Inilang hakbang ko lang ang kama ko saka ako humiga. Ipinikit ko muna ang mga mata ko baka sakaling mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nasaan ako? Ano to panaginip na naman ba? Pero Teka bakit parang totoong totoo?

Napalingon ako ng bumukas ang pinto ng Silid na kinaroroonan ko. Isang magandang Babae ang pumasok mula roon. Teka! Parang kilala ko siya!

"T-Teacher Theresa!?" masaya ko siyang sinalubong ng yakap. Nakakatuwa na may kakilala ako sa ganitong Lugar.

Tinapik niya ako saka sinampal. Napatitig ako sa kanya hawak ko ang pisnging tinamaan ng palad nito.

"Kasalanan mo itong lahat Marie!" ano raw?! Teka sinong Marie?

Napaatras ako nang hablutin nito ang braso ko. Saka ako kinaladkad palapit sa malaking Bintana. Kitang kita ko doon ang Demonyong kamukha ni Dominico. Nakikipag laban siya! Napailing ako. Naguguluhan ako. Kung panaginip man ito bakit nararamdaman ko ang sakit ng sampal ni Teacher Theresa.

"Ikaw ang ipinunta nang Demonyong yan dito sa Kastilyo! At dahil sa kanya namatay ang Asawa ko!" sigaw ni Teacher Theresa.

Pinilit kong inabot ang kamay nito na nakahawak sa buhok ko. Kaso mashumigpit ang pagkakahawak nito.

"T-Teacher Theresa! Nasasaktan po ako!" sigaw ko.

Kinabig nito pababa ang buhok ko kaya napatingala ako sa kanya. Nagkatitigan kami.

"Tandaan mo ito Marie! Buhay nang Asawa ko ang kinuha ng Demonyong yan kaya Buhay din ang magiging kapalit! Nagsilbi si Indigo sa Kaharian mo pero anong ginawa ng pinaglingkuran niyang Kaharian! Para lang hindi ka makuha ng Demonyong yan isinakripisyo nila ang Buhay ng Asawa ko!"

Hinatak ako ni Teacher Theresa. Naguguluhan ako! Panaginip lang naman ito pero bakit parang ramdam ko.

Binuksan nito ang malaking bintana ng Silid na kinaroroonan namin.

"Demonyo! Pagmasdan mong mabuti kung paanong mawawala sa Mundo ang Babaeng iniibig mo! Kapalit ng Buhay ni Indigo ang Buhay ni Marie ang Prensesang sinisinta mo!". malakas na sigaw ni Teacher Theresa.

Nakita kong huminto ang Demonyong kamukha ni Dominico. Ibinuka nito ang Kulay itim na mga pakpak para liparin ang kinaroroonan ko.

Parang slow motion ang lahat. Ang paglipad ng Demonyo palapit sa akin at ang pagtarak ng punyal na hawak ni Teacher Theresa sa puso ko na nagpahinto ng lahat kasabay nun ang pagbagsak ko sa matigas na sahig nang Kastilyo.

"MARIE!!!!". dinig kong tawag ng Demonyo sabay buhat sa nanlalamig kong Katawan.

Tinitigan ko siyang mabuti. Alam kong mahal ko siya. Hinaplos ko ang nakakatakot ngunit maamo niyang mukha... saka ako marahang humikbi.

"D-Dominico... naging m-masaya ako sa Buhay ko dahil nakilala kita...". sambit ko? At talagang Dominico? Ano to pantasya to the max ako?

"Marie---"

"H-hahanapin kita sa susunod kong b-buhay... M-mahal kita---" yon lang at nagdilim ang paningin ko.

Pagmulat ko uli nang mga mata ko nakaharap ako sa bintana at malakas pa din ang ulan... pero umiiyak ako. Bakit? Saka bakit paulit ulit ang panaginip kong iyon? Nakakabaliw naman.... saka parang hindi kapani-paniwala. Kahit si Aileen Hindi maniniwala.

Nayakap ko na lamang ng mahigpit ang unan ko saka ako umiyak ng husto. Kasabay nag malakas na buhos na ulan ang pagpatak nang luha ko.

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon