CAPITULUS QUATTOR

132 13 1
                                    

Chapter 4

Dominico's POV

Maraming tao sa loob halos siksikan ang iba nakasuot pa ng costume na mukhang Demonyo kaya lalo lang akong natawa habang  ang iba naman naka topless pa talagang pinagmamalaki nila ang kagandahan katawan nila.

Naka ilang hakbang pa ako bago ko tuluyang natanaw si Resa sumasayaw siya kasama ng mga kaibigan niya na parang walang pakialam sa ibang tao sa paligid nila sabagay ganun din naman karamihan sito sa loob ng Club ngayon mo na patunayan na mas makasalanan pa ang mga Mortal kesa sa amin, masyado silang senswal sa tuwing nadidikitan sila ng ibang masarian.

Aliw na aliw si Resa habang kontodo kembot at hiyaw malayong-malayo na siya sa Theresa na nakilala ko sa Leyte. Kapalad ko siya pero bakit parang hindi niya ako maramdaman? Mataman ko siyang tinitigan ng may lumapit na lalaki sa kanya ang akala ko itataboy niya ito ngunit nagkamali ako sa halip ay nakipag sayaw pa siya masyadong malaswa ang sayaw na pinagsasaluhan nilang dalawa. Nasuntok ko ang pader. Nag-iinit ako sa galit! Hinahawakan ng ibang lalaki ang Kapalad ko!

Naglakad ako palapit kay Resa nang may maramdaman akong isang presensya mas malakas ang isang ito. Nilingon ko ang pinanggalingan ng aurang iyon.

Natigilan ako ng mahagip ko ang pamilyar na anyo ng Babae kanina sa labas ng Club nakasuot siya ng pulang bestida at may hawak siyang isang maliit na Cake may kasama siyang Babae baka kaibigan niya. Nakaupo silang dalawa sa di kalayuan kung ganon Kaarawan niya ngayong araw.

Nilingon ko si Resa ngunit wala na siya at ang lalaki sa gitna ng sayawan pareho na silang nakaupo sa isang sulok. Nakakaramdam ako ng selos kahit na wala naman akong karapatan isa pa sa amin dalawa ako lang ang nakakaalam na siya ang kapalad ko habang siya ni hindi man lang niya ako maramdaman parang naglaho bigla ang paghanga at pagtingin niya sa akin noong nasa probinsya pa kami talaga bang mabilis magbago ang mga tao o sadyang ganito sila nilikha ni Bathala hindi gaya namin na mananatiling tapat hanggang dulo ng pagiging Imortal namin.

Nilingon kong muli ang dalawang Babae na nakaupo sa di kalayuan iihipan na ng naka bestidang pula ang kandila ng cake.

"OI CLOUDINE MAKE A WISH!" tili ni Aileen pagkatapos niya akong kantahan ng Happy Birthday.

Ipinikit ko ang mga mata ko. 'Sana dumating na yung taong para sa akin kahit ano pang itsura niya tatanggapin ko po siya.'

Saka ko inihipan ang nag-iisang kandila ng maliit kong cake!

Bumilis ang tibok ng puso ko nang hipan ng Babae ang kandila parang may kung ano ang bumulong sa akin.

'Sana dumating na yung taong para sa akin kahit ano pang itsura niya tatanggapin ko po siya.'

Malinaw kong nadinig ang munti niyang hiling o baka dahil sa galit ako kaya lumakas ang pagiging Demonyo ko. Nilingon kong muli si Resa. Sigurado akong si Resa ang Kapalad ko pero bakit naririnig ko ang Babaeng yon?

Iiling-iling akong humugot ng malalim na buntong-hininga pinagmasdan kong muli ang Babaeng napaka bata pa niya sige ang kain niya sa cake habang todo pa ang tawa. Muling sumipa ang kaba sa dibdib ko. Posible ba talaga ito?

Naguguluhan ako ang alam ko dapat isa lamang ang Kapalad ko at sa kanya ko lamang mararamdaman hindi sa ibang Babae.

***

Cloudine's POV

"O bakit sumimangot ka na diyan Cloud?"

"Pinapa uwi na ako ni Kuya Moon tapos na daw ang oras ng rampa ko. E kaka-Ten  pa lang naman eh."

Tinawanan lang ako ni Aileen saka siya tumayo. "Tara na uwi na tayo kasi bukas may pasok po tayo sa School halika na Cloud tumayo ka na diyan."

Tinitigan ko nang masama si Aileen bago ako padabog na tumayo at naglakad palabas nang Club parang gusto kong umiyak kasi Birthday ko tapos may curfew pa din ako! Ang akala ko ba sabi ni Kuya Moon kapag Eighteen na ko pwede ko ng gawin lahat ng gusto kong gawin e bakit ngayon pinapauwi na niya ako!

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon