Dumating ang araw na pinakahihintay ko! Maaga pa lang ay hinanda ko na ang damit ko at ang dadalhin kong purse pati ang heels na susuotin ko. Excited na akong makitang muli si Dominico!
Naligo na ako para pwede na akong maglagay ng make up. Umupo ako sa harap ng Dresser ko saka ako nag-umpisang maglagay ng kolorete sa mukha. Kabado ako habang lumilipas ang bawat minuto. Ilang beses ko ding inulit ang paglalagay nang make up hanggang sa makontento na ako, sunod ay isinuot ko ang Black dress na napili ko ayokong magkakulay kami ng suot ni Teacher Theresa. Gusto kong kahit paano ay maiba naman ako para mapansin din ako ni Dominico.
Nilingon ko ang wall clock wow ang bilis ng oras six thirty na pala. Nagmamadali akong lumabas nang Kuwarto ko binitbit ko na lamang ang Black heels ko Ganon din ang purse ko.
"Manong! Tara na po sa School baka po ma-late ako." tawag ko.
Pinagbuksan ako nito ng pinto sa Backseat. "Wag kang mag-alala Miss Cloudine dahil sigurado akong masosorpresa siya kapag nakita ka niya sa Gala."
"Sana nga po!" masayang sagot ko habang isinusuot ang heels.
MADAMI NANG MGA BISITA nang dumating ako. Binilinan ko si Manong Ton-ton na mag-antay na lamang sa akin sa parking lot.
Nagmamadali akong naglakad papasok sa gate ng School nagtaka pa ang mga Teachers namin dahil nagpakita ako, ibinigay ko ang Invitation ni Kuya Diemoon, nakalagay doon na ako na lamang ang pupunta kahilili nito kaya pinapasok ako ng Receptionist.
Binati ko lahat ng nakasalubong kong Teacher ko, naroon din ang Utility Staff nang School. Nakita ko kaagad si Teacher Theresa ang ganda niya sa suot niyang Red dress na si Dominico mismo ang pumili bahagya akong nakaramdam nang lungkot pero hinayaan ko na lamang.
"Miss Cloudine Ashford dito po ang upuan niyo." tawag sa akin ng isang Usherette. Sumunod ako dito pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi kay Dominico na nakatayo sa Second floor ng School Building namin. Ang Guwapo niya sa suot niyang pulang t-shirt nakasandal ito sa sementadong pader at nakatuon ang pansin kay---- Teacher Theresa, kumirot ang puso ko pakiramdam ko para akong tinusok ng Isang libong karayom ang sakit sakit. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanya.
Alam ko Mali ang mainggit pero hindi ko maiwasan Lalo na sa paraan ng pagtingin ni Dominico kay Teacher Theresa.
Bahagya akong napasinghap ng lumingon si Dominico at magtama ang mga tingin namin. Alam ko naman na kahit kelan hindi niya ako mapapansin pano isang Babae lang ang matimbang para sa kanya at hindi ako yon. Ngumiti ako at tumango saka ako umupo sa nakalaang upuan para sa akin.
BUMILIS ANG TIBOK NANG PUSO ko nang makita ko si Cloudine. Saglit lang kaming nagkatitigan saka siya tumalikod para umupo. Palaisipan pa rin sa akin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya habang nasa kabilang upuan lamang si Theresa na siyang kinikilala ko bilang Kapalad ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko. Matagal kong pinagmasdan si Cloudine. May ilang alaala ang biglang sumagi sa isipan ko, ang mga alaala ni Marie ang nag-iisang Mortal na nagmamay-ari ng puso ko. Bakit sa tuwing tititigan ko si Cloudine lumalabas ang mga alaalang yon? Sa pagkakaalam ko si Theresa ang reingkarnasyon ni Marie dahil siya ang Kapalad ko.
Napabuntong hininga na lamang ako may kinuha ako mula sa bulsa ng pantalon ko. Panyo. Isusuli ko na nga pala kay Cloudine ang pinahiram niyang panyo.
Nag-umpisa na ang program ng mga mayayamang uri kaya nakinig na din ako bilang paggalang tingin ko mamaya ko na lamang ibibigay Kay Cloudine ang panyo.
Dinig ko nang tinawag ng Punong Guro si Resa kaya umakyat ito. Maya maya pa ay may umakyat ding lalake, parang pamilyar ang Amoy niya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
Lumapit ito kay Resa saka hinagkan ang kamay nito. Blangko lamang akong nakatitig sa mga kaganapan. Bumaling ako sa gawi ni Cloudine parang huminto ang Mundo ko ng magtama na naman ang mga tingin namin agad din naman siyang bumawi.
"Napakaganda mo Miss Essena, Sabi ni Madame Principal ay wala ka daw Boyfriend. Totoo ba?" naningkit ang mga mata ko sa tanong na iyon ni Mister Isaac Valencia, hindi pa din nito pinakakawalan ang kamay ni Resa.
Lumingon sa kinaroroonan ko si Resa. Ramdam ko ang pahiwatig ng mga titig niya. Eto na yon, tingin ko alam ko na kung ano ang isasagot niya.
Ngumiti si Resa saka umiling. Nagpalakpakan ang mga tao. Nagkuyom ang mga kamao ko sa isinagot nito pero anong magagawa ko hindi ko naman siya pag-aari at lalong hindi naman kami. Tumalikod na ako. Wala ng dahilan pa para manatili ako sa Lugar na ito. Gaya ni Ama ibinasura din ako ng Kapalad ko.
NAGTAYUAN KAMING LAHAT NG bilang Kumulog at Kumidlat nang ubod ng lakas saka unti unting bumuhos ang malakas na ulan.
Walang bubong ang field kaya nabasa ang iba sa mga bisita. Hinanap nang mga mata ko si Dominico pero hindi ko na ito makita tanging si Teacher Theresa at yung mayamang Lalake ang natanawan ko, siguro nasaktan si Dominico. Nasaan na kaya siya. Muling Kumidlat nang malakas kaya napasigaw ako kasabay ng karamihan habang bumubuhos ang napakalakas na ulan. Ang Sabi sa Balita maaliwalas at walang inaasahang sama ng panahon ngayon--- pero bakit kulang na lang ay wasakin ng malakas na ulan ang bubong ng School namin.
Muli akong tumingin sa paligid nagbabakasakali ako na makita ko si Dominico.
Napahinto ako sa nakita ko. Meron isang malaking nilalang ang nakatayo ngayon sa mismong ibabaw ng bubong ng School namin, tinitigan ko itong mabuti baka kasi nagkakamali lamang ako pero laking gulat ko nang sumagi sa isip ko ang Demonyong lagi kong napapanaginipan! Magkamukha sila! Napahawak ako sa dibdib ko nang sunod sunod ang pagdagundong ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang nilalang na nasa taas ng Paaralan namin.
Hindi ako makahinga. Eto na naman yung kakaibang pakiramdam ko hanggang magdilim ang paligid ko.
BINABASA MO ANG
Dominico
ParanormalTanghaling tapat nasa loob na ako ng Aircon Bus kaso pinagpapawisan pa din ako. Ang tagal pang mapuno nitong sinasakyan ko. Luluwas kasi ako nang Maynila subukan ko ang swerte ko doon. At baka andun din makita ang the One ko. Naisi...