CAPITULUS DUODEVIGINTI

120 11 0
                                    

Naglaho si Dominico sa mismong harapan ko dapat matakot ako o mabigla pero iba ang naging reaksyon ko, umiyak ako ng umiyak hindi ko kayang tanggapin na maspinili niya si Teacher Theresa dahil magkapalad silang dalawa.

Bumalik ako sa pagkakahiga. "P-paano ako---Dominico." bulong ko sa gitna ng pag-iyak habang mahigpit kong yakap ang unan.

Bumukas ang pinto ng Kuwartong kinaroroonan ko.

"What happened, Cloud?" boses iyon ni Kuya Diemoon hindi ko ito hinarap sa halip ay maslalo kong ibinaon sa unan ang mukha ko ayokong makita niya akong umiiyak.

"Cloud." bumuntong hininga si Kuya Diemoon. "Sabi nila parang wala ka daw sa sarili mo. May problema ka ba? Pwede mo naman akong kausapin diba Kuya mo ako at kahit ano pa iyan andito lang ako para sayo." lumundo ang gilid ng Kamang hinihigaan ko senyales na umupo ito. "Tumawag din si Kuya Noah mo nag-aalala siya Hindi siya makapunta dahil kabuwanan daw ni Ate Lily mo."

Sige lang ang hikbi ko hindi ko masabing Broken Hearted ako at sa isang Demonyo pa!

LUMITAW AKO SA TUKTOK NG BUNDOK kung saan kami dati naglalaro ni Roseta noong Bata pa ito. Madilim at maliwanag ang Buwan payapang payapa ang paligid naalala ko ang nakaraan noong si Marie pa siya at hindi si Cloudine kahit sino pa siya sa panahon na ito nananatiling si Cloudine pa din ang may-ari ng puso ko kaso hindi siya ang nakatadhana sa akin. Gusto kong sumigaw at tanungin si Bathala kung bakit ganito ang Tadhanang binigay niya sa gaya ko.

"Quare?" ( Why? ) mahinang usal ko. "Eam ex toto corde amo cur mihi coniugem dedisti et Maria non erat!" ( I love her with all my heart why did you give me a mate and it was not Marie! ) huminga ako nang malalim saka ako tumingala sa Kalangitan alam kong nakikinig siya pero maspinipili lang niyang makinig kesa sumagot sa bawat hinaing ng mga likha niya.

"Tibi pareho! Ego te adoro, quia tu es creator meus! Eam a me meministi abstulisse. Moriator!" ( I obey you! I worship you because you are my creator! You've took her away from me remember! You let her die! ) himutok ko kay Bathala.

"Dominico."

Nilingon ko ito. "Tiyo Belphegor."

Ngumiti ito saka tumayo sa tabi ko. "Tu, si sapiunt I iungere hic?" ( Would you mind if I join you here? ) tapik nito sa balikat ko.

Umiling ako.

"Unde ita est?" ( So how is it? ) malumanay na tanong ni Tiyo Belphegor.

"Vidi eam." ( I saw her. ). malungkot kong sagot.

"OMS?" ( Who? )

"Maria puella quam te amo prius usque nunc." ( Marie the girl whom I love before until now. )

Tumango-tango si Tiyo Belphegor. "I videre. Reincarnated. Quae nunc est?" ( I see. She reincarnated. Who is she now? )

Nagpakawala muna ako ng isang mahabang buntong hininga. "Nubilum Ashford." ( Cloudine Ashford )

Namewang si Tiyo Belphegor. "Et tua quaestio est?" ( And your problem is? )

"Non est meum Mate." ( She is not my Mate. )

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Tiyo Belphegor. Umihip ang malamig na hangin na nagpabalik sa akin ng mga alaala namin ni Marie noong nabubuhay pa ito at masaya kaming dalawa. Walang araw na hindi ako masaya, si Marie ang Buhay ko.

Tumikhim si Tiyo Belphegor. "Scis quid Dominicus. Ille est iustus provocans te. Qualecumque est, solus es qui fatum tuum regere potes. Tantrum proba ut dignus es, quam de te cogitet." ( You know what Dominico. He is just challenging you. What ever it is you are the only one who can control your fate. Just try to show him that you are worthy than he think of you. )

Wala akong imik na nakatitig lamang kay Tiyo. Hindi maitatangging siya nga ang pinakakalmado sa kanilang Pito. Tinitimbang muna ni Tiyo ang mga bagay bagay Bago siya gumawa ng desisyon.

Nilingon ako nito. "Si eam amas, tunc pro illa pugnes. Hic erat propter te, quamvis non sit tua coniunx. Conantur cogitare er paria omnia sed optimum consilium sequere cor tuum." ( If you love her then fight for her. She was here because of you even though she is not your Mate. Try to think of it and balance everything but the best advice is follow your heart. )

Napangiti ako ng tuluyan sa sinabing iyon ni Tiyo Belphegor para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. May punto si Tiyo. Bakit nga ba hindi pero ang bawat pagsalungat sa kagustuhan ni Bathala may katumbas ng kaparusahan----kung anuman yon nakahanda ako.

"Gratias tibi, Avuncule." ( Thank you, Uncle. )

"Gumaan na ba ang pakiramdam mo, Dominico? Nag-aalala sayo si Roseta. Dadalhin siya ni Evo sa Pandemonium para doon manganak mas ligtas ang Lugar na iyon kumpara dito sa Mundo ng mga Mortal na maraming nagbabalat kayo at mag-aantay lang ng tamang pagkakataon para makakuha ng isa sa mga ka-uri natin para sa kanilang kapakanan kaya mag-iingat ka lalo at humahalo ka sa kanila at nagpapanggap na kaisa nila."

Tumango ako. "Salamat po sa paalala Tiyo. Tatalasan ko po ang pakiramdam ko. Wala po kayong dapat na ipag-alala."

"Sasama din kami nila Tiya Monica mo at ni Cael. Ikaw na munang bahala sa Kubo natin kung may kailangan ka alam mo naman kung saan nakatira ang mga Magulang ni Tiya Monica mo diba." puno ng pag-aalalang sambit ni Tiyo Belphegor.

"Wag po kayong mag-alala. Tara na po uwi na po tayo gusto kong mayakap muna si Cael at Roseta bago po kayo bumalik sa Pandemonium." tinapik ni Tiyo ang balikat ko saka kami sabay na naglaho sa kawalan nang madilim na Gabi sa ilalim ng bilog na Buwan.

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon