CAPITULUS SEX

146 16 2
                                    

"WOW ang bait talaga ni Miss Cloudine! Binigyan niya tayo nang pangmeryenda!" natutuwang sambit ng tinawag nitong Ate Corazon.

"Magkano?" tanong nung isang medyo may edad na lalake.

Binuksan nito ang puting sobre. Nanlaki ang mga mata nito. "Grabeh Ten thousand! Pa-blow out sa atin!"

Nagtilian ang mga Babae. Naiiling na lamang ako. Ang babaw pala ng mga Mortal.

"Oi! Ang swerte mo ha. Mukhang nakuha mo ang panlasa ni Miss Cloudine. Sabagay sa gandang lalake mo ba naman e." kumento nang isang medyo matangkad na lalake pero payat sa pagkakatanda ko Edie ang tawag nila dito.

Ngumiti lang ako saka ko inumpisahang kainin ang ibinigay nitong pagkain. Masarap ang pagkakaluto.

"Uy. Dominico patikim naman kami. Alam mo bang sa tinagal ko dito ni minsan hindi pa ako nakakakain ng galing sa Cafeteria kasi bawal tayong pumasok dun kahit may pambili tayo." hinging permiso ng Isang Babaeng Janitor.

"Tama si Anna. Kaya ang swerte mo ha. Saka sa dinami dami ng babae na pwedeng magka-crush sayo e nabingwit mo si Miss Cloudine. Alam mo bang magagandang lalake ang mga manliligaw nun. Diba girls!" dagdag pa ni Ate Corazon.

Sabay sabay silang nagsi-tango.

"O Sige na kumain na lang kaya tayo. May trabaho pa tayo nu. Saka hoy mga Inday palitan nyo yung kinuha niyong pagkain ni Dominico. Mahiya nga kayo sa Buds ko." sita ni Jeff.

NATAPOS ANG LUNCH BREAK bumalik na kaming lahat sa Lugar na nakatoka sa amin.

May mga Estudyante na nakatambay sa Field mga Lalake tingin ko mga manlalaro sila mga naka-uniform sila lahat. Tingin ko Soccer team sila. May mga Babae din silang kasama na nagpapractice ng sayaw.

Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga lalake kaya umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pagwawalis ng mga tuyong dahon na nalaglag. Hindi ko gusto ang paraan nila ng pagtitig sa akin kaya tinalikuran ko sila. Hanggat maaari gusto kong umiwas sa gulo. Baka hindi ko Kasi makontrol ang sarili ko.

May naramdaman ako kaya humarap ako sa likuran ko sakto.... naghiyawan ang mga babaeng kasama nila akala ata ng mga ito tatama sa mukha ko ang bolang sinipa ng isa sa kanila.

"Paanong!?" dinig kong kumento ng isa.

Hindi ata nila akalaing mahahawakan ko ang bola. Binitawan ko ang walis na hawak ko. Ang ayaw ko sa lahat ay ang hinahamon ang pagkalalake ko. Humakbang ako palapit sa lalakeng nakatayo sa bandang gitna tingin ko ito ang sumipa ng bola. Gusto ata akong pagtripan ng isang to.

"Bola mo ata ito." kaswal kong tanong dito.

"Oo kanina pero ngayon hindi na kasi madumi na. Hawakan ba naman ng gaya mo na isang Janitor lang." sabay halakhak nito.

"Quid est?" ( What? ) nagbabadya kong tanong dito.

Kumunot ang noo nito. Hindi ata naintindihan ang mga sinabi ko. Sabagay isa lang siyang mababang uri ng nilalang.

"Ha? Anong sabi mo? Alien ka ba?" malakas nitong sagot. Nagtawanan silang lahat.

"Stultus Humana." ( Stupid Human ) sagot ko na lalong ikinagalit nito.

"Nakakalalake ka nang Janitor ka! Ano one on one tayo!?" matabang na hamon nito.

Ngumiti ako. "Vos ausum I." ( You dare me )

Asar nitong hinagis ang Isang hawak na bola sa padabog na naglakad palapit sa akin.

"Ano?! Kakasa ka ba Janitor?" maangkas nitong tanong.

Nginitian ko lang ito. Natutuwa ako sa hitsura nito. "Bene." ( Okay ).

Kinuha nito ang bolang hawak ko habang titig na titig sa akin. Akala naman niya mamamatay ako sa ganung gawi. Tinawanan ko lang ito na lalong nagpa-init nang kanyang ulo.

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon