CAPITULUS UNUS

292 19 4
                                    

CHAPTER 1

Dominico's Pov

Umandar na ang Bus na sinasakyan ni Resa. Alam kong marami siyang mga pangarap at syempre kasama na doon ang yumaman o pwede ding makapangasawa ng mayaman kaya ko namang ibigay sa kanya lahat ng gusto niya mashigit pa ako kesa sa inaakala niya kaso ibang mag-isip si Resa. Malayong-malayo siya kay Tiya Monica na kahit lumaki sa marangyang Buhay ay napakasimple lamang sabagay ganun talaga ang mga Mortal mahilig mangarap ng pagkataas-taas.

"Hindi mo ba siya pipigilan?"  Tanong sa akin ni Evo.

"Hindi. Hahayaan ko lang siya sa mga pangarap niya." Nanatili akong nakatanaw sa papalayong Bus. Nakaramdam ako ng lungkot. Lalayo ang Kapalad ko para sa pangarap niyang Buhay.

"E pano ka naman?"  Sabay abot nito sa akin ng nakaplastik ng coke.

Kinuha ko iyon saka tumalikod. "Sanay na akong mag-isa Evo. Tara uwe na tayo. Nakasimangot na si Roseta."

Tumawa si Evo sabay tapik sa balikat ko.  "Normal lang yan sa mga buntis. Dadating ka din sa ganitong sitwasyon gaya ko."

Tinawanan ko lang si Evo. Ang totoo matagal ko na din namang gustong maging Ama. Napaisip tuloy ako kung anong itsura ng magiging Anak ko kung sakali lang naman.

Nilapitan namin si Roseta halatang pilit lang ang ngiti niti.

"Tara uwe na tayo baka naiinip ka na."  Kinuha ko ang dala niyang basket.  "Aba mukhang naubos mo ang tinda mo ah iba talaga kapag magaganda."   Puri ko dito.

Tinapik ako ni Evo.  "Oo nga iba na talaga ang magaganda lalo kung may napaka-guwapo silang Asawa. Ako kaya naglako niyan. Inubos ko muna yung kanya bago itong sa akin."

Malambing na ngumiti si Roseta kay Evo. Naku nang-iinggit ang dalawang ito ah!

"Hoy! Sa bahay na kayo magharutan ha. Tara na uwe na tayo."  Saway ko sa dalawa.

Natawa si Roseta. "Teka ano namang Balita sa inyo ni Teacher Theresa ko? Kinausap mo ba siya Kuya?"

Sumenyas dito si Evo kaya napahawak na lang sa bibig si Roseta at nanahimik.

Umiling ako.  "Hindi. Saka madami siyang pangarap tingin ko hindi ako kasama sa mga pangarap niyang iyon."

"Pero gusto ka niya, Kuya."  Mahinang turan ni Roseta.

Ngumiti ako.  "Alam mo Kulet hindi lahat nang magkapalad ay nagkakatuluyan."

"E bakit sina Papa at si Mama?"

Ang kulet talaga ni buntis.  "Kasi po Kulet tinanggap ni Tiya Monica si Tiyo Belphegor ng buo at walang alinlangan alam mo bang bihira lang ang mga ganon. Si Ama, kapalad din niya ang aking Ina pero maspinili ni Ina ang kapwa niya Mortal, kusa niya akong isinuko kay Ama. Alam mo ba kung bakit?"

Umiling si Roseta.

"Dahil Demonyo ako. Anim na taon ako nung iwanan ako ni Ina sa gitna ng gubat. Natatandaan ko pa ang huling sinabi niya."

"Ano yon. Kuya?"

"Na isa daw akong sumpa at kinahihiya niyang naging Anak niya ako. Dinala niya ako dun para mawala na ako sa Buhay niya ni hindi niya ako iniwanan man lang tubig na pwede kong inumin hanggang sa may dumating na lalake, unang beses ko pa lang siyang nakita pero ramdam kong mahal niya ako. Tinawag niya akong Anak. At isinama niya ako sa Mundong tunay kong kinabibilangan at doon kami nagkakilala ni Evo."

Mapait na ngumiti Ang makulet kong pinsan.  "Sorry Kuya. Akala ko kasi parang si Mama lang si Tiya."

"Ayos lang yon Roseta. Maswerte si Tiyo at sinuklian ni Tiya Monica ang nilaan niyang pag-ibig para dito."

"Okay. Tama na yan. Baka umiyak lang tong si Dominico. Sige ka Aking Roseta babahain tayo. Ikaw din." Natatawang sambit ni Evo.

"Ay ganun. Okay tara na ngang umuwe baka nga umiyak si Kuya tiyak mahihirapan tayong tumawid sa putik nyan. Maliban na lang kung pareho niyong bubuhatin yung multi cab natin!"

"Wow naman Aking Roseta napakagandang ideya nyang naisip mo ano. Talagang gustong-gusto mo na nakikita akong nahihirapan."

Namewang si Kulet. "Bakit ayaw mo!?"  Hasik nito kay Evo.

Biglang yumakap dito si Evo. "Naku naman Aking Roseta. Lahat gagawin ko basta makita lang kitang Masaya kahit pa mahirapan ako o magmukhang tanga ayos lang lahat! Basta ba kamukha ko si Baby paglabas!". Bungisngis nito.

Tinulak ito ni Roseta.  "Kamukha mo? Ayoko Evo ang panget ng buhok mo! Kulay puti! Para kang Manok na panabong eh! Ayoko!"

"Grabe naman sa panabong. Okay sige hati na lang tayo para pareho nating kamukha!"

Naiiling na lamang ako.  "Kukunin ko lang doon sa pinaradahan natin yung multicab ha. Masyado na kasi kayong sweet baka bigla kayong langgamin!"

Naglakad na ako patungo sa paradahan ng mga sasakyan. Paano kung kagaya din ni Ina si Theresa? Malalaman ko lang naman yon kapag sinubukan ko siyang sundan sa Maynila. Kaso nakahanda na ba akong masaktan? Sigurado ba akong sasaktan niya lang ako at magiging kagaya siya ni Ina? Iba-iba naman ang mga Mortal. Pero umaasa ako na sana gaya siya ni Tiya Monica.

Pailing-iling na lamang ako habang naglalakad kung saan ko pinarada ang multicab bawal Kasi kaming gumamit ng salamangka ng paglaho baka biglang mawindang ang mga tao malalagot na naman kami kay Bathala.

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon