CAPITULUS SEDECIM

116 13 0
                                    

"Marie." dinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Napakaliwanag, bahagya pa akong pumikit bago ako tuluyang dumilat. Nakatunghay sa akin ang mukha ng Lalake pero may sungay ito. Pinagmasdan ko itong maige, sigurado ako na nananaginip na naman ako.

Ngumiti ito. "Bakit, Marie?"

Uminit ang gilid ng mga mata ko saka malayang umagos ang mga luha ko, ramdam ko ang bawat pagdaloy nito sa pisnge ko talaga bang nananaginip lang ba ako?

"D-Dominico?" sambit ko sa pangalan ni Dominico dahil magkamukhang magkamukha sila ang pinagka-iba lang ay ang sungay nito at ang Pakpak ganun din ang mahaba nitong buhok.

"May problema ba Marie?" sagot nito. Kung ganon Dominico din ang pangalan niya? O iisa lang sila?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa isang tela na nakalatag sa damuhan. Napatingin ako sa suot kong damit, iba na ito. Nakasuot na naman ako ng gown! Kinapa ko ang buhok ko, meron akong suot na Korona? Ang weird nang panaginip ko na to.

Napawi ang pag-iisip ko ng magsalita itong muli. "Nagustuhan mo ba itong Lugar na to, Marie?"

Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang ang buong paligid. Napakapayapa ng Lugar tanging huni ng mga ibon at kaluskos ng mga halaman ang naririnig ko habang puro Puno at malawak ng damuhan lamang ang nakikita ko.

"Dito tayo titira, Marie. Bukas pupunta ako sa Palasyo para hingin ang kamay mo sa iyong Amang Hari."

"B-bukas?" naalala ko bigla ang mga nauna kong panaginip kung saan ako sinaksak sa puso ni Teacher Theresa.

"M-mamamatay ako---- bukas, Dominico!" sigaw ko.

"MARIE." BIGLA KONG NARINIG ang pagtawag nito sa pangalan ko. Hindi ako maaaring magkamali kay Marie ang boses na yon.

Muli kong nilingon si Theresa pero abala ito sa mga Bisita. Bakit hindi niya ako maramdaman na andito lang ako sa malapit kung Kapalad ko siya. Hindi ba talaga niya ako nakikita man lang?

"Miss Cloudine! Anong nangyayari sa inyo!?" naagaw non ang pansin ko. Bumaling ako sa direksyon kung saan nagmumula ang kaguluhan.

"Miss Cloudine! Gumising po kayo!"

Mula sa pagkakaluhmok ay tumayo si Cloudine saka deretsong tumitig sa akin, ang alam ko hindi kami basta bastang nakikita ng mga gaya niyang Mortal maliban na lang kung---- Teka! Si Cloudine? Imposibleng siya ang Kapalad ko. Saka pano si Theresa Kapalad ko din siya. Naguguluhan na ako, pwede bang mangyari yon?

"D-Dominico. Dominico. Dominico." nakangiti ito sa akin, Meron siyang ginawa na tanging si Marie lamang ang nakakaalam. Natatandaan ko pa na lageng hinahawakan ni Marie ang magkabila niyang tainga saka nito tatlong beses na uulitin ang pangalan ko sabay labas ng maliit niyang dila. Ganon siya sa tuwing naglalambing siya sa akin dati.

"Miss Cloudine naman ano bang nangyayari sayo!?" nag-aalalang tanong ng Principal. "Hawakan nyo siya parang wala siya sa sarili niya!"

Unti unting bumagsak si Cloudine at nawalan ng malay. Binuhat siya ng mga katrabaho ko. Para akong napako mula sa kinatatayuan ko. Totoo ba? Si Marie ang Prinsesang Minahal ko nang sobra ilang libong taon na din ang lumipas. Naaalala ko pa ang mga huling kataga niya.

"Hahanapin kita sa susunod kong Buhay, Dominico---"

Bumaling muli ako kay Theresa talagang wala siyang kamalay malay sa presensya ko. Lalo lang akong nagalit nang sumama ito sa Lalakeng yon.

Talagang balewala lamang ako sa kanya lahat ng mga ipinakita ko itinapon lamang niya. Ang buong akala ko ay gusto niya ako, nagkamali ako.

"Lulunorin mo ba sila, Dominico?" kalmadong tanong ni Evo.

Pumikit ako. "Sumama siya sa ibang Lalake. Tulad din siya ng Mama ko inabandona lang din niya ako."

"Ikinalulungkot ko. Ipinasasabi ni Tiyo Belphegor na tama na. Pwede ka nang umuwe kung nais mo." dagdag pa ni Evo.

Tumango ako. Saka kami sabay na naglaho ni Evo.

Nasa harap na kami ng Bahay namin sa Leyte naroon si Roseta na halatang nag-aalala sa kalagayan ko. Tumakbo ito palapit sa amin ni Evo.

"Roseta naman dahan dahan at nagdadalang tao ka baka mapano pa ang Baby natin." saway ni Evo.

Ngumuso lamang si Roseta sa kanyang Kabiyak saka ako niyakap ng mahigpit. "Kuya. Kung ayaw na sayo ni Teacher Theresa dito ka na lang masaya naman tayo dito dati diba."

Hinaplos ko ang buhok ng makulit kong pinsan. "Wag mo akong alalahanin makakasama sa Pamangkin ko na umiiyak ka. Kaya ko ang sarili ko. Saka may nakilala akong Mortal na iba kay Theresa at gusto ko siyang masmakilala pa ng husto."

"Aalis ka uli Kuya?" nag-angat ito ng tingin saka pilit na ngumiti.

"Oo. Gaya ng ibang kalahi natin gusto ko rin makilala ang para sa akin." masuyong paliwanag ko kay Roseta.

Tumango ito saka kumalas ng pagkakayakap sa akin. "Sige Kuya. Basta lage kang mag-ingat ha kapag may kailangan ka magparamdam ka lang o kaya ibulong mo lang sa hangin tiyak naman na maririnig ka namin."

Ngumiti ako para ipakitang ayos lang ako. "Oo naman." saka ako muling naglaho. Gusto kong makita si Cloudine.

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon