CAPITULUS QUINQUE

127 16 3
                                    

Chapter 5

Dominico's POV

Maaga akong bumalik sa Hamilton International School. Ginawan ako ni Roseta nang pekeng Resume kailangan daw kasi yun kapag nag-a-apply ng trabaho ang mga tao nga naman ang daming nalalamang kaartehan at dapat daw presentable kaya isang puting Polo shirts ang suot ko kasi dapat daw may kuwelyo kaya bumili ako sa palengke ng de-oras  kailangan din daw ng Black Leather Shoes kaya bumili na din ako. Tinawanan pa ako ni Evo dahil ang kintab daw ng sapatos ko at mukha na daw akong tunay na tao ang layo ko na daw sa pagiging Demonyo ko ha ha nakakatawa.

"Ang aga mo ah!"  masayang bati sa akin ni Manong Guard binuksan nito ang gate saka ako pinapasok.

"Tamang-tama ang dating mo kasi andiyan na sa Opisina si Madame Principal nasabi ko na sa kanya ang tungkol sayo at gusto ka niyang makita. Naku tiyak ko naman na matanggap ka eh."

Sinara muna ni Manong Guard ang outpost kung saan siya naka-duty.  "Tara sumunod ka sa akin at ihahatid kita sa Opisina ni Madame."

Tumango ako at sumunod sa kanya napakalaki pala ng Eskwelahan na ito talagang pang mayayaman wala pa sa kalahati nito ang Paaralan na gustong pasukan ni Roseta kaso sinira naman ni Tiyo Belphegor.

"O andito na tayo. Basta smile lang ng yodo saka yang dala mong Resume ibibigay mo yan sa kanya tapos konteng tanong lang yan at sigurado ako na tanggap ka na. Mamaya magdadatingan na ang mga Estudyante. Alas nuwebe kasi na umaga ang umpisa ng klase dito." saka siya kumatok sa pinto.

May sumagot mula sa loob.

"O ayan. Sige maiwan na kita."

Tumango ako. Naglakad na ito palayo. Pinihit ko na ang saradura ng pinto at binuksan iyon. Malawak ang Opisina ng Principal nasa bandang gilid ang malaking mesa nito nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

"Magandang Umaga ho. Madame Principal."  magalang kong bati.

"Magandang Umaga din sayo. Dominico. Tama ba?"

"Opo." lumapit ako at umupo sa tinuro nitong upuan.

"Maya dala ka bang Resume o kaya Bio data?" tanong nito.

"Meron ho." iniabot ko sa kanya ang dala kong brown envelope na naglalaman ng Resume ko.

Kinuha nito ang Envelope at binuksan iyon minasdan kong mabuti ang magiging reaksyon nito. Bahagya itong nabigla at napangiti. "So isa palang sundalong Amerikano ang yong Ama. Beelzebub Belpepper. Pero nakikitira ka ngayon sa Tiyuhin mo?"

"Opo." maiksing kong sagot. Tama si Roseta na madami ngang itatanong sa akin.

"Bakit? Asan ang yong Ina?"

"Ang aking Ina?" sasabihin ko bang iniwan niya ako sa gitna nang gubat noong bata pa ako? At bigla na lang sumulpot si Ama at kinuha ako. Natawa ako saka umiling.

"Matagal na pong namayapa ang aking Ina." totoo naman e panahon pa ni Cristo nung ipinanganak ako kaya sigurado akong namayapa na siya.

Tumango naman ito bilang tanda ng pagsang-ayon sa sinabi ko. "Okay. So. Twenty Six years old ka na at Highschool Grad ka lang."

Sunod-sunod ang tanong nito wala naman akong ideya sa mga pinaggagagawa ni Roseta sa Resume ko kaya tumango lang ako ng tumango bilang sagot.

"Okay. Mr. Belpepper. Tanggap ka na sandali lang tatawagan ko lang si
Jeff siya yung magiging Buddy mo bilang Janitor."

May dinayal ito sa telepono baka yung magiging partner ko sa trabaho ang tinawagan niya.

"Hello. Jeff. Dalhan mo ng Uniform ang bago mong Buddy. Oo. Andito siya sa Opisina ko. Size? Mga Large o XL na Uniform. Oo dalawa na para may pamalit siya. Okay. Ikaw na ang bahala."

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon