CAPITULUS DECEM

140 17 0
                                    

"Anong binigay sayo ng Guwapong yon Cloud?" excited na tanong ni Aileen.

Pinakita ko ang hawak ko. "Ito oh. Diba ang Cute." tukoy ko sa keychain.

"Ang cute nga e ano naman yung isa?" tanong nito.

"Eto ba? Suman to masarap saka siya daw ang gumawa nito eh---"

"Wow naman Cloudine. Sa hamak na Janitor ka lang pala babagsak. Sa dinami rami ng manliligaw mo talagang yung Janitor ang bet mo ha."

Nagpantig ang tenga ko sa sinabing iyon ni Madel. Hinarap ko siya saka ko ito tinitigan ng masama. Kahit kelan talaga lahat napapansin nitong Babaeng to. Sabagay wala kasing lumiligaw ng maayos sa kanya kasi sa ugali niya.

"O. Bakit Ashford? Well it's in your blood nga pala. Yung isa mong Kuya masmatanda sa Asawa nya habang Yung isa naman isang hamak na kasambahay naman ang Asawa. Diba." saka ito tumawa ng husto kasabay ng mga alepores niya. Tahimik lamang ang Classmates namin alam kasi nila ang ugali ni Madel mahilig siyang mam-bully. Pero mali siya ng taong hinahamon.

"Anong sabi mo?"

Pumalakpak pa ito. "Hey mukhang may nagagalit o bakit tinamaan ka ba? Well pasalamat ka na lang at Mayaman ka dahil kung hindi---"

"Dahil kung hindi. Ano?" putol ko sa sasabihin nito.

Tumawa pa ito. "Well dahil kung hindi walang magtitiyagang lumigaw sayo hindi ka naman kagandahan e!"

Naningkit ang mga mata ko sa mga pinagsasasabi nitong Babaeng to. Inilapag ko ang plastik ng Suman at keychain sa mesa ko.

"Cloud tingin ko wag mo na lang patulan." bulong ni Aileen. Sabay hawak sa balikat ko.

Hinawi ko ang kamay nito. "Ngayon lang naman."

"Cloud!" awat ni Aileen.

Ngumisi si Madel. "Aba mukhang tumapang na ata si Ashford."

"Ano bang problema mo sa akin Madel? At bakit gustong gusto mo na lagi akong pinapansin? Bakit CRUSH mo ba ako?" malakas kong sagot.

Nagtawanan ang mga Classmate namin pati si Aileen. Lahat sila embyerna sa Babaeng to napaka-bully kasi wala naman sa Lugar.

"What? Me? No way! Masmaganda ako sayo nu!" katwiran nito.

Namewang ako.

"O di maganda ka na! Hoy Babae!" nagulat ito ng sumigaw ako. "Next time na idamay mo pa ang mga Pinsan ko sa kalokohan mo sinisigurado kong makakatikim ka sa akin!" bulyaw ko.

"Really?". sabay irap nito sa akin.

Hindi na ako nakapagtimpi pa. Tinalon ko ang buhok nito saka ko siya sinabunutan. Saka hinila pababa ang straight nitong buhok.

"REALLY PALA HA!?" saka ko malakas na hinila uli ang buhok nito. Nagkagulo ang mga Classmate namin habang si Aileen sige ang awat sa akin.

"Ang kapal nang mukha mong idamay ang mga Kuya ko! Sino ka ba sa Akala mo! Ikaw lang naman si Madel Toledo anak ka lang ng Bank Manager tapos ang ugali mo parang ikaw ang pinakamataas ha! Lumevel ka sa kauri mo lang Hindi sa masmataas sayo! Nakakapikon ka na! Araw araw na lang!" walang nakaawat sa akin. Hinila ko nang hinila ang buhok nito. Talagang galit na galit ako!

"Anong kaguluhan to?!" sigaw ng Prof namin. Saka ko lang binitawan ang buhok ni Madel. Paupo itong bumagsak sa sahig kita pa panty niya kaya nagtawanan kaming lahat.

"Cloudine Ashford! In the Principals Office!". bulyaw ni Prof.

"P-pero Prof--- s-si Madel po ang nauna gumanti lang po ako.". katwiran ko

DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon