CAPITULUS QUATTUORDECIM

170 13 0
                                        

"Okay ka lang ba Miss Cloudine?"

Tumango ako. "Uwe na po tayo."

Umandar na ang Kotse kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Kinuha ko ang tissue na sinabi kanina ni Manong Ton-ton.

"Sadyang ganyan lang talaga Miss Cloudine. Iiyak tayo dahil sa taong espisyal para sa atin pero lage mong tandaan na sa bawat pagluha meron din naman katumbas na ligaya. Malay mo isang araw biglang ikaw na ang kasabay niya sa paglalakad...diba." alam kong nakikisimpatya sa akin si Manong. Tumango ako bilang sagot.

Nag-ring ang cellphone ko, si Kuya Diemoon.

"H-hello. Kuya?" nauutal kong sagot.

"May problema ba Cloud?" tanong ni Kuya. Halata sa boses nito ang pag-aalala.

Nagpunas ako ng luha ko. "W-wala po akong problema Kuya. Bakit ka nga pala tumawag?"

"Sure kang wala kang problema?"

"Sure ako Kuya." sagot ko.

Bumuntong hininga muna ito. "Okay. I'm convinced. Pwede ba akong huminge ng pabor?"

"Anong pabor yon Kuya?"

"May gaganapin na Gala sa Hamilton International School at isa ako sa Board members kaso hindi ako makakapunta. Naka-oo na ako kay Ate Luna mo na magmo-movie Marathon kami sa Friday kasi Sabado naman kinabukasan walang pasok. So?"

Umaliwalas ang mukha ko sa narinig, makikita ko si Dominico kung pupunta ako sa Friday!

"Okay! Kuya Moon ako nang pupunta!" agad kong sagot.

Natawa si Kuya. "Sige tiyak na madami kang makikilalang mga Handsome guy doon. Basta ipakilala mo lang sa akin, Wala tayong magiging problema."

Wala akong isinesekreto kay Kuya Moon halos siya na ang kinalakihan ko. "Ummm... Kuya----"

"Hmmm?"

"M-may magugustuhan na po ako e." lunok laway kong pag-amin.

"Okay. So kelan mo siya ipapakilala sa akin?"

"Mmmm, h-hindi siya mayaman na gaya natin Kuya." alanganing sagot ko. Natatakot ako sa maaaring sabihin nito kaya pigil ko ang paghinga ko.

Tumikhim si Kuya Moon. "Know what Cloud, not all people were born rich like us but it doesn't mean that we should marry a person whose status is same as ours. Get my point?"

"K-Kuya?" parang nawala ang bara sa lalamunan ko. Ibig bang sabihin walang pakialam ai Kuya kahit hindi mayaman ang lalakeng nagugustuhan ko?

"As long as your Happy wala akong tutol. Kahit na Karpentero o Magsasaka yan ayos lang sa akin basta aalagaan ka niya ng higit pa sa ginawa ko."

"Kuya... naiiyak po ko sa sinabi nyo. Ibig bang sabihin kahit mahirap lang siya hindi ka tututol na magustuhan ko siya"

Tumawa ito. "Hindi. Alam mo ba na kahit mahirap ka pwede kang umunlad Basta may pangarap at masipag ang tao. Tandaan mong lage na nagsimula ang lahat sa ibaba gaya ng mga ninuno natin. So, payag ka na diba."

"Opo. Salamat Kuya. Ano, po sa School nagtatrabaho yung taong gusto."

"Teacher siya?" tanong ni Kuya.

"J-Janitor po siya sa School." walang kagatul gatol kong sagot.

"Mmm... Anong pangalan niya?" tanong ni Kuya.

"Bakit?"

"Titignan ko sa Files para mai-background check ko siya kung mapagkakatiwalaan ba siya o hindi. Ikinahihiya mo ba siya. Cloud?"

Umiling ako kahit hindi naman ako nito nakikita. "Hindi! Tanggap ko kung ano ang trabaho niya at maranggal siyang tao, pinaghihiirapan niya ang bawat perang ginagastos niya araw araw kaya bakit ko po siya ikahihiya."

"Good. Nagmature ka na nga. I'm proud of you Cloud. Masaya akong lumaki ka ng maayos kahit walang guidance nila Tito at Tita. Wag mo siyang ikahiya hindi mo kailangang i-please ang ibang tao. Okay. Sige na. Black and Red ang motif ng Gala. Bye and thanks couz."

"Bye Kuya!". saka ko binaba ang tawag. Excited na ako sa Friday!

"BAKIT PARANG ANG lalim nang iniisip mo Dominico?" hindi ko ito nilingon.

"Dominico?" ulit nito.

"Evo, Naglalaba ako ng mga damit ko kaya kung pwede lang ano wag kang mangulet." bahagya kong inunat ang mga Binti ko. Nasa poso ako at kasalukuyang naglalaba ng mga damit ko.

"Okay. Nag-aalala lang si Roseta Kasi napakatahimik mo daw eh." lumapit si Evo. "Gusto mo bang tulungan kita?"

"Maglaba?" taas kilay kong sagot.

Tumawa naman ito. "Hindi ah! Si Roseta lang ang pinaglalaba ko. Noh!"

Sumimangot ako. "O e ano namang itutulong mo sa akin aber?"

Hinawakan nito ang tubo ng poso. "Ako na ang bahalang magbomba ng tubig para sayo. Smile ka na diyan para hindi na mag-alala si Roseta. Baka sa halip na maging kamukha ko yung Anak namin e baka Ikaw pa maging kamukha kakaisip sayo."

Ngumisi ako. "O di masmaganda nga yon eh para kung Lalake man o di guwapo yon paglake!"

"Naku! Loko ka Dominico ha! Kapag Hindi ka pa ngumiti diyan mamaya. Susunugin ko mga damit mo!" nakangising pananakot ni Evo.

"Ewan ko sayo Evo! Alis ka nga diyan hindi ako matatapos sa paglalaba ko eh!" taboy ko sa kanya.

"Teka!" mukhang may naka-agaw ng atensyon nito mula sa nilalabhan ko. "Hindi ka naman nagpapanyo diba? Kanino yan? Kay Resa ba?"

Kinuha ko ang panyo saka iyon kinuskos ng sabong panlaba kelangang mabango ito kapag sinauli ko na kay Cloudine. Parang may kumurot sa puso ko ng maalala ko ang hitsura niya kahapon nung makita niya kami ni Resa sa Mall. Gusto ba ako ni Cloudine? Pero masasaktan ko lang siya dahil si Resa ang kapalad ko.

"Hindi." tipid kong sagot saka ko unang binanlawan ito at ibinabad sa fabric conditioner para mabango at malambot.

"E kanino?". ang kulet ni Evo.

"Sa isang Estudyante ng Hamilton."

"Estudyante? E bakit nasa iyo? Sandali baka naman may gusto sayo yon?"

"Pano mo nasabi?" habang nilulublob ko ang puting panyo sa maliit na plangganang merong fabric conditioner.

"Kasi pinahiram niya sayo ang panyo niya. Isa pa mararamdaman mo naman yon eh. Lalo na kung bibilis ang tibok ng puso mo sa tuwing nagtatama ang mga tingin nyo o kaya kapag nakikita mo siya. Ganon yon Dominico. Bakit? Hindi mo ba nararamdaman yon Kay Resa?"

Umiling ako. "Hindi. Evo."

Tumawa lang si Evo. "O diba gaya ng sinabi ko dati hindi mo malalaman kung Hindi mo susubukan. Kapalad mo nga siya pero parang wala ka lang sa kanya ibig sabihin hindi ka niya nararamdaman. Habang ang may ari ng panyong yan e ramdam na ramdam ka."

Matagal kong tinitigan ng panyo.

"Dominico, Mortal nga sila pero mahiwaga ang paraan nila ng pagpapakita ng pagmamahal para sa nagugustuhan nila. Timbangin mo at alamin mo kung sino ba talaga. Kung si Resa o yung may-ari ng panyong yan."

Napaisip ako sa sinabing yon ni Evo. Bumilis ang tibok ng puso? Napabuntong hininga ako saka ko tinitigan ang nakababad na panyo. Hindi pa pala kami nagkikita simula nung mapurusahan siya.













DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon