CAPITULUS UNDECIM

127 17 1
                                    

"May isusuot na ba kayo sa Friday?" tanong ni Grace habang naglalakad na kami palabas ng Gate.

Umiling ako. "Wala pa akong pera e kakapasok ko pa lang kasi diba."

"Ay oo nga. Ganito na lang pahihiramin na lang kita ng Pera saka mo balik kapag nakaluwag ka na. Syempre maliit ang unang sahod mo kasi starting ka pa lang e."

Napangiti ako sa sinabing yon ni Veronica.

"Okay sige. Basta wag mong tutubuan ha!" natatawang sagot ko.

"Naku Theresa malupit pa sa Bombay tumubo yang Veronica!". kantyaw ni Claire.

Nahinto ang tawa at kantiyawan namin nag makita ko si Dominico. Nakatayo siya sa Gate saka ito kumaway sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi kasi nila alam na magkakilala kaming dalawa.

"Oh my god! Sinong kinakawayan ni Pogi? Alam nyo girls kahit Janitor lang siya papatulan ko yan kapag inalok ako ng One nightstand o kahit every other nightstand pa!" binatukan ito ni Grace.

"Aray ko naman. Grasya!" sabay hawak nito sa kung saan lumanding ang kamay ni Grace.

"Ssshhh palapit na si Beefstake!". bulong na tili ni Veronica. Napatingin kaming tatlo sa kanya.

"O bakit ganyang kayo makatingin? Kanin na lang kasi ang kang ulam na siya! Ang sarap siguro niyang kainin!" dagdag pa nito.

Siniko ko ito. "Umayos ka nga Veronica!"

"E makalaglag panty kasi siya mare! Masisisi mo ba ako kung pagpantasyahan ko din siya gaya ni Grace! Well open minded naman ako sa group sex kung gusto nyo din lang naman." nakangising dugtong pa nito.

"Ewan ko sa inyo mahiya nga kayong dalawa! Buti pa si Grace---" naputol ang sasabihin ko dahil sa sagot nito.

"Okay sakin ang group sex mga mare Basta ako ang Una!" tili ni Grasya.

"Ano ba! Talagang pareho kayong tatlo? Don't tell me na ginagawa nyo Yan ha!?" saway ko sa kanila.

Natahimik sila.

"Grabeh kayo! Mga bastos talaga kayo nu! Nasobrahan na kayo sa kakaporn ninyo itigil nyo na nga Yan!"

"Naku Theresa. Normal na lang yong mga ganon asa Maynila ka na ho at Isa pa sa America parang laro na lang yon." katwiran ni Veronica na sinang ayunan ng dalawa.

"Ewan. Kadiri!" sagot ko sabay tawa nila.

Humakbang si Dominico palapit sa amin. Ramdam kong huminto ang puso ko. Ayoko ko sana siyang isnabin kaso nahihiya ako.

"Resa. Pwede bang ihatid kita sa Boardinghouse nyo?" nakangiting tanong nito.

"Ay! Naku pogi! Pwedeng pwede! Gusto mo dun ka din matulog pwede din!" palahaw ni Veronica.

Nilakasan ko ang pagsiko dito kaya medyo natapilok ito pero agad din naman nakabawi. Bahagya itong natawa saka nag-ayos ng buhok at nagpacute kay Dominico.

"Joke lang yon pogi ha. May nagagalit kasi eh. Pero pwede mo siyang ihatid. Sige mauna na kaming maglakad. Pero if magbago ang isip mo. Pwede kang tumabi sa akin matulog!". kinikilig kilig pa ito.

"Veronica! Umayos ka nga!" saway ko.

Umikot ang mga mata nito. "Naku nagagalit na si Manang Theresa! Tara na nga girls! Mauna na tayo. See you later pogi."

Nauna nga silang maglakad habang kami ni Dominico nakasunod lamang sa kanila. Tahimik lang kaming dalawa.

ANG SWERTE NAMAN ni Teacher Theresa. Nakakainggit siya. Ako kaya kelan kaya ako sasabayan ni Dominico sa paglalakad. Napansin kong huminto ito kaya nagtago ako.

"May problema ba Dominico?" tanong ni Resa. Meron Kasi akong naramdaman na kakaiba. Parang si Cloudine. Pero wala naman siya o baka nakaalis na.

Muli akong humarap kay Resa. "Wala akala ko kasi may tumawag sa akin. Wala pala. Guni guni ko lang."

Tumulo ang luha ko. Guni guni lang pala ako. Okay. Ilang araw ko rin siyang hindi makikita kasi suspended ako pero tingin ko mali ako na inantay ko pang mag-uwian sila. Dapat pala kanina pa ako umuwi.

Naglakad ako palapit sa nakaparadang kotse sa harap ng School saka ako sumakay. Mula sa loob nilingon ko silang dalawa ni Teacher Theresa... bagay na bagay silang dalawa... isang chubby pero maganda at isang matipunong lalake na ubod ng guwapo. Sunod sunod ang tulo ng luha ko. Ito na nga ata ang tinatawag nilang love. Tinamaan na ako at sa maling tao pa ata. Kasi mukhang may nagugustuhan na si Dominico at si Teacher Theresa yon.

"Okay lang ba kayo Miss Cloudine?"

"A-ayos lang po ako. Manong." mahina kong sagot.

Tumawa si Manong. "Ang guwapo naman kasi ng lalakeng yon Miss Cloudine. Kapag ganon talaga ang hitsura madami kang magiging kaagaw. Saka mukhang masmatanda senyo yung lalakeng yon diba."

Nagpunas muna ako ng mata ko saka ako tumango. "Gusto ko po siya Manong."

"Hay. Pag-ibig nga naman. Malalagpasan mo din yan Miss Cloudine. Mahirap ipagpilitan ang sarili sa taong may gusto ng iba. Tandaan mo yan Lage."

Napatingin ako kay Manong habang abala ito sa pagmamaneho. May tama naman siya. Siguro mawawala din ito. Pangalawang beses ng akong umiiyak dahil sa kanya. Kinuha ko ang Keychain na ibinigay niya saka ko iyon kinabit sa zipper ng bag ko.

Baka makakalimutan ko din siya kasi ilang araw din na hindi kami magkikita. Bahala na. Tama si Manong masmatanda sa akin si Dominico. Sumandal ako sa Sandalan ng malambot na upuan saka ko pinikit ang mga mata ko.

Teka anong lugar to? Ang alam ko nasa Kotse ako pauwe ng Bahay namin ah.

Naglakad ako nang naglakad hanggang makarating ako sa isang Batis. Malinis at malinaw ang tubig nun. Nauuhaw ako kaya yumuko ako para uminum ng tubig mula dito. Natigilan ako sa nakita ko. Bakit parang iba ang kulay ng buhok ko? Kulay mais yon na medyo curly? Saka ko napansin ang suot kong damit... para akong Prinsesa sa suot ko.

May narinig akong yabag Mula sa likod ko kaya humarap ako para makilala kung sino yon. Laking gulat ko Isa iyong Demonyo! Kulay Itim na may pagkakulay tsokate ang mahabang buhok nito. May pakpak din ito na kulay itim.

Pinagmasdan ko itong mabuti. Matipuno ang pangangatawan nito di hamak na masmalaki siya sa pangkaraniwang tao. Dapat nakakaramdam ako ng takot pero bakit ganun na lamang ang saya ko ng makita ko ito. Saka ako tumakbo palapit dito saka ko ito niyakap ng buong higpit.

Tumingala ako habang nakayuko naman ito. "Dumating ka Dominico..."

Ano?! Anong sinabi ko?! Si Dominico ang Demonyong ito? Tinitigan ko itong mabuti... Oh my god! si Dominico nga!

"DOMINICO!!!!" sigaw ko. Nagulat ako dahil nagulat din si Manong.

"Miss Cloudine naman! Nanggugulat kayo! Buti at trapik nakahinto tayo pagnagkataon mababangga tayo.". sermon ni Manong.

"Sorry po." panaginip. Sabi na nga ba at panaginip lang. Baka sa kakaisip ko sa kanya kaya nagkaganon. Pero bakit parang ramdam ko pa din ang mainit nitong katawan. Napalingon ako sa bintana. Unti unti ng pumapatak ang ulan... masarap matulog pag-uwe.









DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon