CAPITULUS SEPTENDECIM

97 14 0
                                    

Sa CRUORD Medical Hospital dinala si Cloudine ng mga Tauhan nito. Kasalukuyan itong walang malay na nakahiga sa malambot na Kama.

Nagulat ako ng biglang may lumabas mula sa loob ng Silid ni Cloudine. Natigilan din ang Matandang Lalake.

"Ikaw si Dominico diba?"

Tumango ako bilang sagot.

Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Magandang Lalake ka pala talaga sa malapitan kaya hindi na ako magtatakang nagustuhan ka ni Miss Cloudine." tumikhim ito. "Narito ka ba para dalawin siya?"

"Opo." tipid kong sagot.

Ngumiti ito saka pinihit ang saradura ng pinto. "Sige na pumasok ka na mamaya pa makakapunta dito ang Kuya Diemoon niya."

"Salamat po." pigil ko ang hininga ko parang may kung ano sa akin ang hindi ko maintindihan saka ako humakbang papasok.

Marahang isinara ng Matandang Lalake ang pinto.

Pinagmasdan kong mabuti si Miss Cloudine payapa ang anyo nito habang tulog. Natigilan ako sa paghakbang ng biglang bumalik sa akin ang mga nangyari--- kung paano nasawi si Marie. Sa pangalawang pagkakataon naramdaman ko ang matinding pagtibok ng puso ko. Maingat ang bawat hakbang ko ayaw kong maistorbo ang pamamahinga nito.

Hinaplos ko ang kulay Itim nitong buhok gaya dati. Hindi ko namalayan ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa mga mata ko. Gusto ko siyang yakapin.

"M-Marie--- patawarin mo ako kung hindi kita agad nakilala. Ni hindi ko namalayan na nasa tabi lang pala kita. Patawarin mo ako kung masyado akong naging abala kay Theresa. Nahanap mo nga ako--- pero hindi Ikaw ang Kapalad ko." pinahid ko ang mga luha ko ito ang pangalawang pagkakataong umiyak ako at sa iisang Babae pa rin.

Bahagyang gumalaw si Cloudine kaya napaatras ako ayokong makita niya ako. Tumalikod na ako para sana lumabas ng marinig ko itong nagsalita.

"Dominico?"

Huminto ako sa paghakbang ngunit nanatili akong nakatalikod sa direksyon nito. Hindi ko siya kayang harapin sa loob ng mahigit Isang libong taon narito na uli siya sa tabi ko habang ako habol ng habol sa Kapalad ko na binabalewala lang ako.

"B-bakit hindi ka humarap sa akin?". may himig pagtatampo ang tinig nito. "May gusto akong malaman mula sayo at sana magsabi ka ng totoo."

"Ano yon?" tanong ko.

"M-may napapanaginipan ako lage. Isang Lugar na may magandang Kaharian." pag-uumpisa nito. "At isang Demonyo---."

Parang may humaplos sa puso ko ng marinig ko iyon.

"May mahabang buhok ang Demonyo na yon saka may pakpak at higit sa lahat kamukhang kamukha mo siya at tinawag niya akong Marie at tinawag ko naman siyang Dominico---- sabihin mo nga sa akin may kaugnayan ba tayo sa isa't isa? O kung bakit ako nananaginip ng ganon at kung bakit iisa ang mukha nyo ng Demonyo na iyon?" mahabang salaysay nito.

Nilingon ko si Cloudine saka ako humarap sa kanya ng tuluyan. "Sinabi mong hahanapin mo ako sa susunod mong Buhay diba."

Namilog ang mga mata ni Cloudine. "P-papano mo nalaman? Ibig bang sabihin hindi yon panaginip? Totoong nangyari yong mga nakita ko sa panaginip ko?" sunod-sunod nitong tanong na halatang gulong gulong.

Ngumiti ako. "Nahanap mo nga ako. Marie."

Tumulo ang mga luha nito nang banggitin ko ang dati niyang Pangalan noong kaming dalawa pa ang magkapalad ngunit kahit hindi na siya ang Kapalad ko narito pa rin sa puso ko ang mga alaala namin at gaya dati tanging siya lang ang nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"K-kaya pala iba ang pakiramdam ko noong una kitang makita sa Demon's Club. P-parang matagal na kitang kilala---- na laging gusto ko na lamang na nakikita ka at nakaka-usap. Dominico, g-ganon din ba ang nararamdaman mo sa akin?"

"Walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo." sagot ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Cloudine subalit naglaho din iyon ng muli akong nagsalita. "Kaso parang binibiro tayo ng Tadhana."

"Binibiro tayo ng Tadhana? Anong ibig mong sabihin?" bumangon mula sa pagkakahiga si Cloudine, tatayo na sana ito nang pigilan ko.

"May iba akong Kapalad. Marie." halos pabulong kong sagot alam kong masasaktan siya pero kailangan niyang malaman ang totoo.

Napalunok laway ito saka tumikhim alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Kapalad. Ibig sabihin Mate." muling tumulo ang mga luha ni Cloudine pinunasan niya iyon gamit ang mga kamay. "S-si Teacher Theresa ba ang tinutukoy mong Kapalad?"

"Oo." alam kong nadurog ko ang puso niya pero yon ang totoo.

"P-paano ako, Dominico?" piyok nitong usal.

Yumuko ako. Hindi ko siya kayang sagutin. Mahirap ipaliwanag ang pwersang nagbibigkis sa akin at sa Kapalad ko. Dapat masaya ako dahil nakita ko si Theresa pero hindi ko kayang bitawan si Marie. Alam kong mali pero Mahal ko si Marie na nasa katauhan ngayon ni Cloudine.

"Hindi mo ba ako ipaglalaban gaya dati? Noong pumunta ka sa Palasyo para hingin ang kamay ko sa aking Ama. N-nagbago na ba ang Dominico na minahal ko dati hanggang ngayon. Wala na ba akong halaga sayo dahil hindi na ako ang Kapalad mo?" mahabang hinanakit ni Cloudine.

Nag-angat ako ng tingin upang muli itong masilayan bago man lang ako magpaalam sa kanya. "Marie. Baka hindi para sa atin ang Buhay na ito. Baka nakalaan ka para sa iba at hindi para sa akin. Kung anuman ang meron tayo dati mananatili yon sa puso ko hanggat humihinga pa ako."

"So, hindi mo nga ako ipaglalaban." malungkot nitong turan. "Hinanap kita Dominico. Ilang beses akong namatay at nabuhay dahil sayo. Hindi ko akalaing magiging ganito tayo sa muli nating pagkikita."

Wala akong naisagot sa mga sinabi nito lalo na sa huling tanong nito.

"Hindi mo na ba ako Mahal?"

Bumuntong hininga ako. "Cloudine."

"Okay." bumalik ito mula sa pagkakahiga sa Kama ng Ospital. "Umalis ka na. Wag kang mag-alala makakalimutan din kita." sabay talukbong nito ng kumot saka sunod-sunod na humikbi.

Hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko. Umatras ako at naglaho sa kawalan. Siguro palilipasin ko na lang muna ang Araw na ito.


DominicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon