Chapter 2 - Meeting for the first time

238 4 0
                                    

Lavender's POV:

Marami pang naikwento si Tata Nilo. Kung anu anong mga bagay. May tungkol sa lugar, mga tao pati na ang tungkol sa politika at impluwensiya ng lola niya. Malaki na ang inasenso ng lugar kumpara noon. Marami na ang mga naglalakihang bahay at mga gusali sa lugar. Marami na rin ang mga sementadong lugar. It gives a much urban look because of the establishments but they kept the rural feel to it. Marami pa rin ang mga puno na nagbibigay ng sariwang hangin sa lugar. She can't help but admire the view herself. Medyo malayo ang biyahe magmula sa city proper ang mansion ng lola niya. Maaring mag jeep o mag tricycle papuntang Villa Esmeralda kung manggagaling sa mismong pinakapuno ng siyudad. May mga mall din at ilang boutiques sa lugar pati ang ilang bangko at mga kainan. Alam niyang may mga gusali at establisimiyentong ipinatayo ang lola niya. But it didn't occur to her that it's almost that her grams own the island itself.

"Tata Nilo, sino po ang namamahala ng mga negosyo ni Grams?"

"Ang alam ko ay ang inyong Tita Olive."

Tumango tango siya. Malapit na sila sa mismong villa. Natatanaw na niya ang malaking gate. Power lock ang mga gates at nabubuksan lang iyon mula sa loob. Ang alam niya ay mga highly trained na tao ang Lola niya kaya hindi basta basta napapasok ang villa. At tulad nang bago siya umalis ng Maynila at pagdating sa pier ay alam niyang may kasunod na sila. Though kampante siya dahil alam niyang malakas ang impluwensiya ng Lola niya bukod sa mabuti itong tao.

"Nasaan po ang Tita Olive ngayon?"

"Umalis patungong Canada. May mahalaga yatang sadya doon."

"Matagal na po bang umalis si Tita?"

"Noong nakaraang buwan lang. Baka sa susunod na linggo ay naririto na iyon. "

Ang Tita Olive niya ang pinsan ng daddy niya. Ang alam niya ay matagal na nitong gustong pamahalaan ang mga ipinatayo ng lola niya. Panay ang tingin niya sa paligid. Marami ang naglalakihang punong nadaan nila. Pagdating sa gate ay iniradyo ni Tata Nilo na naroon na sila at unti unting bumukas iyon. Namangha siya sa malawak na solar na bumungad sa kanila. Ang dulo niyon ay ang mismong mansion. Maberde ang lugar. Ang Bermuda grass ay nagkalat sa paligid. Ang abuela niya ay hindi mahilig sa bulaklak hindi gaya ng kanyang ina. Ngunit napakaganda nang pagkakagawa ng landscape ng lugar. She is taking some units in Interior Design. Gayunman ay mas priority niya ang Management. Particularly HRM. Mas gusto niya na magtayo ng isang resort at bar. Gusto niya ng mas hands on na pamamahala. Villa Esmeralda is so grand. From the littlest details ay talagang pinagkagastusan ng abuela at ng abuelo niya. Her grandfather was told to be the founder of the island. At ipinagmamalaki niya iyon. They came from the wealthiest families on both sides. Ngunit hindi niya iniisip na ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig. Not that she is grateful that they have money and they are one of the most influential people in the country, but using that against others is not her forte. She wanted to live like a normal person. Though she enjoyed the luxury she has. Iginarahe ni Tata Nilo ang sasakyan at may isang binatang nagbukas ng pinto at sumalubong sa kanila.

"Magandang umaga Miss Lavender. Ako po si Berto, isa sa mga tauhan ng Doña Esmeralda." iniabot nito ang kamay para alalayan siya sa pagbaba.

She rolled her eyes. Kailangan pa ng ganito? Tila ba isa siyang prinsesa. "You can just call me, Lavender. And drop the 'po'. Gosh! Sa tingin ko ay hindi naman nalalayo ang edad natin. And oh please, stop treating me like a princess. I am not, believe me." Tumawa siya ng mahina matapos abutin ang kamay nito.

Ngumiti naman ang kaharap. At marahang tumango. Inabot nito ang dala niyang maleta mula kay Tata Nilo. Tinawag ni Tata Nilo ang dalawa pang katiwala na si Francisco at Ben. Ipinakilala nito ang dalawang binata sa kanya. Nakipagkamay naman siya sa mga ito.

"Just call me Lavender and plesse, stop treating me like a princess." Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Ang lalaking nagngangalang Ben ay nagkibit balikat lamang at si Francis ay tumango. Sa pinto ng mansion ay sinalubong siya ng mayordomang si Nana Yoly.

Bahagya pa itong yumuko. "Maligayang pagdating, Miss Lavender."

"Hi Nana." Gaya ng ginagawa niya noon ay masuyo niya itong niyakap. "Na, please tell everyone stop treating me like a princess, okay? Hindi naman kailangan na yumukod pa."

"Kuu. Alam mo naman ang Doña. Istrikta siya pagdating sa paggalang at respeto sa mga tao sa mansion."

Mahina siyang tumawa. "Ikaw talaga, Nana."

"Kumain ka na ba?"

"Opo. Dala ko ang yate. "

Namilog ang mata ng matanda. "Yate?? May sarili ka nang yate?"

Tumawa siya. "Advanced birthday gift ni Daddy at Mommy."

Umiling ang matanda. "Kayo talagang mayayaman. Kung maglustay kayo ng pera."

"Nana, marami namang charitable institution at mga paaralan ang sinusuportahan nila mommy gayundin si Lola."

"Kuu. Kahit na. O siya, pupuntahan ko lang ang Lola mo. Welcome back, Lavender."

Inilibot niya ang tingin sa kabahayan. Kahit saan niya tingnan ay makikita ang karangyaan. May mga pagbabago sa mga muwebles. Grams like the victorian style for the interior. Gayunman ay kumpleto ang makabagong kagamitan gaya ng cellphones, camera at kung anu ano pa sa loob ng mansion. She missed this place. Lalo na ang dagat. She's excited to see the beach. Nakarinig siya ng kalansing sa kusina kaya naman dumiretso siya doon. Tiyak nagluluto na doon si Nana Adora, ang kusinera nila. She make delicious cakes. She giggled thinking of the chocolate cake she made the last time. That was heaven.

"Nana Adora!" She shouted. Excited to see the old lady. She can't wait to make some cakes with her. Sumungaw siya sa kusina. May nakatalikod na babae. In ginger red hair. Definitely not Betty, Adela or Maria. Gusto niyang pigilan ang pagtahip ng dibdib. When the young woman turned around, she held her breath.

The Mistaken BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon