Lavender's POV:
Ang sinag ng araw na mula sa malaking bintana ang nagpagising sa kanya. Kinapa niya ang brasong nakapulupot sa kanya. Tinitigan niya ang kakambal. Magkatabi silang natulog ni Lilac. Halos mag uumaga na nang makatulog sila. Marami silang napagkwentuhan at alam niyang kulang pa ang mga iyon. Nalaman din nila ang ilang mga bagay na ipinagkaiba nila. Unang una na ang pananamit. Simple si Lilac. Hindi nagsusuot ng nga daring na damit hindi kagaya niya. Mas matangkad siya ng tatlong pulgada dito at mas maputi siya. Medyo may pagka morena ito na nakuha sa daddy niya but she has those smooth skin. Mas matangos ang ilong nito sa kanya. Mas mahaba naman ang pilikmata niya. Manipis at maliit lamang ang labi nito while she has a fuller lower lip. Parehas silang seksi ngunit mas lamang ang dibdib at balakang niya. Sabi nga nila,if you have it, then flaunt it. ^^ Mas komportable siya sa mga high waisted shorts, palda, crop tops, bustier, rompers at mga dresses kaysa sa pantalon.
"What time is it?" Nakapikit na tanong ni Lilac. Naghikab pa ito.
She grinned. "It's almost seven."
Nagulat siya nang biglang bumangon ang kapatid. "Oh my! Mahuhuli ako sa school!" Nagmamadaling tinungo nito ang banyo.
Natatawang lumabas siya at iniwan muna ito. Bumaba siya para makapaghanda ng almusal. Naabutan niya ang Lola niya sa hapag. "Magandang umaga, apo."
"Good morning Grams." May nakahain nang almusal. May pancake at maple syrup, hot chocolate, ham and bacon, loaf bread, slices ng melon, peaches at strawberry, at may orange juice din. Sinimulan niya ang pagkain matapos magdasal.
"Nasaan ang kakambal mo?"
"Naliligo Grams. Mahuhuli na daw siya sa school." sagot niya sa pagitan ng pagsubo.
"What about you?"
"Inaayos pa po ni Daddy ang pag transfer ko."
"Your dad knew that you can drop by the school anytime. Para saan pa at pagmamay ari natin ang school kung hindi ka agad makakapasok, hmmnn?"
Natigil siya sa pagsubo. "You mean, you own the Cornell University??"
Tumawa ang Lola niya. "Isn't it obvious, apo? Remember your grandpa's name? And 'we' own the University, is the right term apo."
She groaned inwardly. Oh yes. She didn't realize that until now. Gramps name is Cornellius Robinson. Iba na talaga ang mayaman. Mayaman ang magkabilang angkan. From her Grams and her Gramps. Kaya hindi nakakapagtaka na pag aari nila pati ang school.
Tumawa ang Lola niya sa reaksiyon niya. "So, are you going to school today?"
Tumikhim siya. "Is there a dress code, Grams?"
Mas lalong lumakas ang tawa ng Lola niya. She seemed so happy. "Akala ko pa naman ay itatanong mo kung sino ang pupuntahan mo sa school para makahanap ng room mo. You're really something apo. You never failed to amaze me."
"Grams, alam mo naman na walang dress code sa dati kong school. I can wear shorts as long as hindi ko ibinabagsak ang mga subjects ko."
"Really? Bakit mo ba gustong gusto na nakasuot ng shorts? Ang damit mo naman ay tila laging kapos sa tela. Aba'y pihadong pagkakaguluhan ka kung ganoon."
"Grams!"
Tumawang muli ang matanda. "O siya. Huwag kang mag alala. Ganoon din naman dito. Huwag lang iyong halos labas na ang kaluluwa mo gaya ng mga underwear o mga bikini. Puwera na lang kung may swimming activity sa school."
Her lips broke into a smile. "Talaga, Grams? Yey!" Lumapit siya at pinaghahalikan ito.
"O siya, tama na iyan. O, nariyan ka na pala, Lilac. Isabay mo na ang ate mo sa school."
Nagmamadaling kumain ang kapatid. "I'm sorry, Grams. Sobrang late ko na nga po. Pasensiya na. Hindi na kita masasamahan ate. May project kami at dapat na kanina pang alas singko ang call time namin." Tumingin ito sa relo. Five minutes before seven. Lilac groaned.
"Pero sa atin naman ang school sabi ni Grams. Baka naman pwede kang i-excuse?"
Nanlaki ang mata ni Lilac at natigil sa pagsubo.
"What??""Hay nako. Aga agang nabibingi ka sis. Hahaha. Sa atin ang university. Galing sa pangalan ni Lolo." she grinned.
"Oh my gosh! For real??"
"Oo apo. Sige na. Kung importante ang pupuntahan mo eh papasamahan ko na lang itong si Lavender. Gamitin ninyo ni Nilo ang isang sasakyan. Ang ate mo ay ipapahatid ko na lamang kay Ben." Ani Lola Esmeralda.
"Okay lang ba ate?" Tila nag aalangang tanong ni Lilac.
Ngumiti siya. "Oo. Akong bahala. Hindi naman siguro ako maliligaw sa school noh!"
Lumapit ito at yumakap sa kanya matapos siyang halikan sa pisngi. "I already gave you my number. If you need me, you know where to contact me."
"Okay."
"Grams, aalis na po ako." Humalik na ito sa abuela niya.
"Mag iingat ka apo. Hintayin mo na lang ang Tata Nilo ninyo mamayang uwian."
Her twin giggled. "Hindi pa rin ako sanay, Grams. Don't tell me next time, Grams, bodyguards naman ang target mo, ha?" Her twin sister teased.
"Meron na." She said before sipping her chocolate.
Nilingon siya ng kapatid. Then sa abuela.
"Seriously? And how did you know?" Muli siyang nilingon ng kakambal."Grams is a very influential figure not only here in Marinduque. Magmula pa lang nang umalis ako ng Manila eh may kasunod na ako. Kahit nang papunta na kami dito sa mansion eh may kasunod pa rin kami. Right, Grams?"
Tumawa ang abuela. "Kahit kailan ay hindi ka mapaglihiman apo. You are very observant. Iyan ang isa sa mga gusto ko sa iyo."
"Ang obvious naman Grams ng sumusunod sa amin kahapon." pakli niya.
"Kung ganoon ay napansin na sana ni Nilo iyon." komento ng abuela. She just shrugged.
"Grams, I'm going. Ate, see you in school." paalam ni Lilac sa abuela sa kanila. Nagmamadali itong lumabas ng mansion.
"Mag iingat ka apo." Bilin ng abuela at tumango si Lilac.
"Anong oras ka aalis apo?"
"Maya maya Grams. Pagkaligo. Grams, can I talk to you one of these days about the establishments that you owned here?"
"Bakit apo?" Bakas ang kasiyahan ng Lola niya sa interes niya sa negosyo.
"I felt something is not right. Alam ninyo naman po ako, Grams. Whenever I have a gut feeling about something."
Tumango ang abuela niya. "O sige. Gusto ko munang asikasuhin mo ang mga kailangan mo sa school saka tayo mag usap."
She nodded.
![](https://img.wattpad.com/cover/38088905-288-k103280.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mistaken Bride
RomanceHe hated her. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang taong mahalaga sa buhay niya. He will make sure she will suffer!