Lavender:
"Hi dad. Have you seen Grams?" humalik siya sa pisngi ng ama. Nagbabasa ito ng diyaryo.
"No. Bakit mo hinahanap ang abuela mo?" Ibinaba nito ang diyaryong hawak at nagsalin ng kape sa mug nito. It's Saturday morning. Umalis na ang mommy niya at si Lilac dahil pupunta ang mga ito sa mall. Wala namang pasok si Lilac tuwing Sabado. Tumanggi siyang sumama dahil kailangan niyang makausap ang abuela.
"Remember I told you about looking over Grams' company? The Emerald Corporation?" sumubo muna siya ng pancake na niluto ng kapatid bago umalis. Damn. This is heavenly!
"And what have you found out?"
"A lot of finances missing. Receipts and records don't match. At alam ko na may sabwatang nangyayari," she replied then take another bite.
Tumaas ang kilay ng ama. "How can you be so sure, hija?"
"Well, I got a death note." kaswal na sagot niya.
Naibaba ng ama ang diyaryong hawak at nanlalaki ang matang tinitigan siya. "What?? Oh my god! Inireport mo na ba ito sa mga pulis?"
Umiling siya. "I am taking security measures, dad. I have bodyguards with me gayundin sa company ni Grams. They are highly trained individuals. They are more than capable of killing," uminom siya ng fresh pineapple juice at muling sumubo ng pancake.
"This is worst than I thought. Nasabi mo na ba sa mommy mo at kay Lilac?"
Umiling siya. "Knowing mom? Magpapanic iyon. I already have bodyguards assigned for them."
Napabuntong hininga ang ama. Matapos ay matiim siyang tinitigan. "Anak, why are you so calm about it?"
Umangat ang tingin niya sa ama. She shrugs. "If I let fear and panic consume me, walang mangyayari dad. These people will only abuse Grams. And I have this hunch na kasabwat ang Tita Olive dito. I've heard noong party na may dalawang taong nag uusap about Grams and the company."
Kumunot ang noo ng ama. "Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng ito?"
"I need proof first. There's the note. Ayoko naman na sabihin ang mga iyon base sa hinala lang. I maybe wrong about these things. Kaya kailangan ko ng katibayan. It's easier to explain. And based on the cctv the bodyguards took from the company, alam ng taong iyon kung ano ang sinasakyan ko. Kilala ako ng taong iyon. Don't worry, dad. I'll have Grams let you meet them."
Her father look at her fondly. "You are growing as an amazing woman, anak. I'm proud of you." Tanner held her hand.
"Oh gosh, daddy. It's too early for our dramatics," she jokes that earned a laugh from her dad.
"You're right. I guess I have to take my own measures as well. I knew a lot of friends that are ex-SEAL member. They can help."
Namilog ang mga mata niya. "Really, dad? Wow! That's so cool!"
Tumawa ang ama. "I'll them right away after breakfast. Call your grams and your mom."
"Yes, sir!"
~~~~~~
"We meet again."Bigla ang ginawa niyang paglingon. Awtomatikong tumaas ang kilay niya nang ngumiti ang kaharap. Nasa Starbucks siya nang mga oras na iyon at hinihintay ang abuela niya dahil galing ito sa opisina. Nagpasya itong magkita na lamang sila matapos nitong malaman ang mga nangyari gayundin ang death threat na natanggap niya.
"Is this just plain coincidence or you really are following me?"
Isang sarkastikong tawa ang pinakawalan niya. "Tss. Bakit kaya puno ang mundo ng mga mayayabang na katulad mo? As if I would chase someone like you," tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa sa isang disgustong paraan.
Imbes na mainis ay lalong lumapad ang ngiti nito. "Really? And why do I feel na pinagtatagpo ng tadhana ang mga landas natin?"
Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. "For real? You believe on those crap? C'mon. A playboy like you talking about tadhana? You gotta be kidding me, Jet Madrigal. Are you drunk?"
Ngumisi ito. "You're becoming interesting, Miss Robinson."
Ngumiti siya. "Ow. A compliment from Mr. Madrigal. Do I care?" Umiling siya. "Of course, no." Isang mapang-akit na ngiti ang ibinigay niya dito sabay talikod.
"You will soon be mine, Miss Robinson. Pretty soon."
Ang katiyakan sa tinig ni Jet ay nagpahinto sa kanya. Nilingon niya ito. Ngunit wala na ang binata.
"Apo. May hinahanap ka?"
Hindi niya namalayan ang paglapit ng abuela. Nagmano at humalik siya dito. "No one, Grams. I thought I saw someone I know. So, how's the company?" Inalalayan niya ito sa pag upo.
Ngumiti ang abuela. "Better. Tila nakaramdam sila ng maaring mangyari. But I am still keeping an eye on them. We just couldn't just relax, knowing they might pull something."
Tumango tango siya. "Mabuti naman po kung gano'n, Grams."
"Your dad is meddling as well."
Nakita niya ang ngiti ng abuela na tila ba sinasabi nitong sa wakas ay nakita nito ang daddy niya na nakikialam sa usapin ng kumpanya. There's this wistful look on her abuela. She smiles. "Of course, Grams. Hindi naman papayag si daddy na mapahamak kayo. Tayo."
"Well, I am just happy. Sinabi niya na huwag akong mag-aalala. Your dad is a lot of things. He might appear as someone na ander de saya ng mommy mo but he is capable of a lot of things. Hindi nga lang niya ipinapakita iyon."
Tumawa siya. "Does that mean daddy used to be a bully as well?"
Gumanti ng tawa ang matanda. "Hindi niya naikwento sa inyo? Naku. Sakit siya ng ulo ko mula pa noong bata. Laging laman ng discipline committee. But everything changes nang makilala niya ang mommy ninyo," Grams looks as if remembering how it happened before. "Unti-unti kong nakita ang pagbabago ng daddy ninyo. Right then, I knew that they are meant to be. Na si Ivory ang sagot sa matagal ko ng dasal na magpapatino sa daddy ninyo." Tumawang muli ang matanda. "Tiklop agad si Tanner sa mommy n'yo. Masyadong malakas ang personality ni Ivory. But I saw how they look at each other. Parati man silang nag-aaway, they feel something towards each other that you just can't deny. Kaya naman nang nagdesisyon ang ama mo na magsarili kayo, pinabayaan ko na. I know that he wants to prove something. And I am so proud of him."
She smiles and hugs her abuela.
BINABASA MO ANG
The Mistaken Bride
RomansaHe hated her. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang taong mahalaga sa buhay niya. He will make sure she will suffer!