Chapter 8 - New people

113 6 0
                                    

Lavender's POV:

She rolled her eyes. Great.

"Nanchichicks ka na naman, Lee. Tss."

"Wala ka na namang magawang matino."

Nilingon niya ang dalawang nagsalita. Kumunot ang noo niya. Kaklase niya rin ang dalawang ito. Both are wearing their hair short. Ang isa ay shoulder length ang wavy hair in black at may malaking bibig. The other one is wearing her hair in black at pixie cut. Both are fair.

Ngumiti sa kanya ang may shoulder length na buhok. "I am Sienna Love. Kapatid ko iyang ungas na iyan." Itinuro nito si River na tumawa.

"Hazel dela Cruz." sabi naman ng naka pixie cut.

She smiled. "Hi."

Nagkatinginan ang dalawa. Then they both smiled. "Hindi ka naman pala suplada eh." Hazel commented.

She laughed. "No. Don't be fooled. I'm a bitch when provoked."

Iwinasiwas ni Sienna ang kamay. "Sus. That's fine. Kung kay Lena lang din? Buti nga sa kanya. Iyon namang kay Prof Nervaez, well.. You're the first. Marami na rin ang naiinis about his being unfair to students pero wala namang nagrereklamo. You go, girl." Sienna winked.

"Ehem. Ako kaya ang naunang kumausap sa kanya? Pwede ba? Tsupi muna kayo." sabat ni River at kinindatan siya. ***(River's picture on the side)***

Hazel rolled her eyes. "Tangina, feeling guwapo!" Then covered her mouth and looked at her with wide eyes. "Ooopps. Sorry. Vulgar ba kami masyado?"

Natawa siyang lalo. Mukhang makakasundo niya ang tatlong ito. "You're just fine. At least sa atin lang naman, di ba?"

Tumawa si Sienna. "Sabi ko na nga ba. O paano, bff's na tayo, ha?"

"Nako. Huwag kang sasali sa dalawang iyan. Wala kayang tumatagal sa kanila. Aray!" reklamo ni River dahil binatukan ito ng kapatid.

"Hoy, River Lee! Tumahimik ka nga!" sita ni Sienna.

"Kailan pa naging palengke ang university na ito?"

Nilingon nila ang nagsalita. Maputi, chinita, mahaba ang blonde na buhok, malaki ang balakang. In short, mukhang maldita. Her lips twitched into a smirk.

Nagbulungan ang nga kasama nito. "Ano ka ba, Carlotta, hindi mo ba nakilala ang babaeng iyan? Siya iyong nagpatalsik kay Lena!"

"I don't care kung malakas man siya sa discipline committee. I am not Lena who is stupid." Carlotta flipped her hair.

"I didn't know that I am that popular. Imagine, it is my second day here. I am never told that there's a lot of Lena's candidate here." Pasaring naman niya. Nagtawanan sina Sienna at Hazel. River is controlling his laughter.

"Bitch!" nanlilisik ang mata nitong tinitigan siya.

"Same to you. Sinimulan eh." She shrugged na lalong nagpainis dito.

"May araw ka din!"

"Wanna bet? Tingnan natin kung hanggang saan ka tatagal." she smirked and looked at her from head to toe. Nagpakawala siya ng isang mapang asar na tawa.

"Bitchy ka ba talaga?" si Hazel.

"I told you girls. Only when provoked."

Tumawa naman si Sienna. "Magkakasundo talaga tayo. Oy, pero mabait kami ha." bawi nito.

"Sus. Saang banda?" ani River.

Pinanlakihan ito ng mata ni Sienna. Tumawa naman ang huli.

"I'm just curious. Bakit magkaklase kayong dalawa? Sino ba ang mas matanda sa inyo?"

"They're twins. Parang hindi ano?" si Hazel na ang sumagot.

"Really?"

"Totoo. Nako. Ayoko nga maging kapatid iyan. Puro sakit ng ulo. Mind you, mas matanda iyan sa akin pero kung umasta parang bata."

"Hoy! Parang tatlong minuto lang ah. Maka tanda ka diyan." River pouted. He looked cute.

Natawa siya sa asaran ng dalawa. "Hayaan mo na. Ganyan lang iyang dalawa na iyan pero wag ka. Mahal na mahal nila ang isa't-isa." Bulong ni Hazel.

"Hindi noh!"

"Asa!"

Nagkatinginan sila ni Hazel at sabay na nagtawanan.

~~~~~
"How's your day, ate?"

Nasa loob na sila ng sasakyan at pauwi na. Ngumiti siya. "Great. I met new friends. Ipapakilala kita pag nagkataon."

Ngumiti ang kapatid. "That's great. Ako din may nakilala kanina. Ipapakilala din kita."

Tinitigan niya ang kapatid. She look exhausted. Medyo namumutla ito. "Are you okay? Bakit tila numumutla ka? May sakit ka ba?" Hinawakan niya ang leeg nito. Hindi naman mainit.

"Wala ito, ate. Napagod lang siguro ako." Sumandal si Lilac at pumikit.

"Are you sure?"

Tumango ang kapatid. Hinayaan na lang niya itong matulog. Next week ay pag uusapan nila ng abuela niya ang tungkol sa mga establishments at ngayong weekends ay pupunta siya ng city proper para pag aralan ang mga naroong itinayo ni Grams. Lilac doesn't like business at all. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Ilang araw na niyang napapansin ang pagod sa mukha ni Lilac gayundin ang madalas nitong pag ubo. She even asked if she is into smoking na mariing itinanggi nito. Sabi nito ay pagod lamang. Iyon ay isa din sa mga gusto niyang malaman kaya kumuha siya ng photography. Just so she can also monitor or checked her schedule.

Ginising niya ito nang makarating na sila sa bahay. "Are you sure you're okay, sis?" Nanlalalim na ang mga mata nito. Ang eye bags nito ay mas lumala ata. "Pinapalaki mo ba iyang itim mo sa mata? Hindi ka ba nakakatulog ng maayos?"

"Ate naman." consciously ay hinawakan nito ang ilalim ng mata.

She tsked. "Baka naman sobra na iyang practice or whatever activity you are doing, ha? Pinapagod mo na masyado ang sarili mo."

Napansin niya ang panyo ng kapatid na parati nitong dala. Lahat iyon ay dark colors kundi man ay pula. Kumunot ang noo niya. "Is there something you are not telling me, Lilac?"

Biglang namutla ang kapatid at mabilis na umiling. "W-wala! Ate naman eh. Ano pa ba ang ililihim ko sa iyo?" She gave her a weird smile. Iyong tila sa isang taong hindi sigurado.

"Better make sure. Alam mong kaya kong mag imbestiga kung gugustuhin ko." paalala niya sa kapatid.

Ikinawit nito ang kamay sa kanya. "Ate naman. You always treat me as a kid."

"You are. Because you are my sister. And what about those rumors I am hearing about this guy?" Tinaasan niya ito ng kilay.

Her sister blushed. "Ate naman eh."

"What? I'm just saying. Sino ba?"

"Jet Martinez." Tila kinilig pa ito sa pagsasabi.

She rolled her eyes. Pangalan pa lang mukha ng playboy. At hindi niya gusto.

The Mistaken BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon