Lavender:
She gasps. She is too shock to utter anything. And this bastard seems to be enjoying her lips. Nang makabawi sa pagkabigla ay marahas niya itong tinulak at pinahid ng likod ng palad ang bibig.
"Oh why, sweetheart? You didn't enjoy it? They said you have been fantasizing about me. Eh bakit tila ayaw mo?" there is a mocking grin on his face.
"I don't fucking care who you are, mister! Ang kapal din naman ng mukha mo para isiping gusto ko ang mahalikan ng isang kagaya mo. You are hardly my type. And your attitude? Trash. Leave." her calm voice belied the anger she's feeling. Palihim na sinuri ang kaharap. May karapatan naman pala na magyabang. Yes, he is handsome. He looks like Bernardo Velasco. He is wearing a white longsleeves, denims and black shoes. He's muscular at guwapo. Tipong makalaglag panty. Black eyes, matangos na ilong, manipis na pang itaas na labi at fuller ang lower lip. He's growing stubbles pero nakadagdag sa appeal nito. Damn. The guy is sexy.
"Oh right. This party is for you, Miss Robinson. Enjoy while you still can." Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. She is wearing a nude longsleeve midi dress na may mga blue stones. Ang damit ay umabot lamang sa kalahati ng hita niya.
His words meant something ngunit bago pa siya makapagtanong ay muli siya nitong hinapit at mabilis na hinalikan bago siya pinakawalang muli at ngumisi muna ito bago tumalikod.
He turned around. "Magkikita pa tayo." there's a promise on his tone bago umalis.
Great! Walanghiyang lalaki at dalawang beses siyang hinalikan! At kilala siya nito! Dammit!
Nang makabawi sa nangyari ay bumalik siya sa lamesa nila. Lilac seems to be enjoying now. Nawala sa isip niya ang bastos na lalaking iyon at naalala ang tungkol sa kumpanya ng abuela.
"You seem happy now."
Nagniningning ang mata ng kakambal ng tumingin sa kanya. "Because he was here!"
Kumunot ang noo niya. "Who?"
Lilac rolls her eyes. "Ano ka ba naman ate! Si Jet! Nandito sya kanina!"
Oh. That's why. "Oh. So nagkausap kayo?"
Umiling ito. "Nope. Nakita ko lang siya. Ang guwapo niya talaga, ate! Sumaglit lang ata siya tapos si Grams lang ang nakausap niya. Nagmamadali eh. Umalis agad. Naka white na longsleeves lang siya saka naka pantalon pero ang guwapo pa rin."
Her sister's face is dreamy. Napakunot ang noo niya nang i describe nito si Jet. "Wait. May picture ka ba niya?"
Ngumiti di Lilac. "Oo naman ate! Ano bang akala mo sa akin?"
"Patingin."
Pinanlakihan siya ng mata ng kapatid. "Ay, ayoko nga! Baka maging crush mo pa eh."
She rolls her eyes at pinanlakihan din ito ng mata. "Hindi ko pag iinteresan iyang crush mo. Gusto ko lang makita."
"Grabe ka kay Jet."
"Whatever. Sige na. Patingin."
Inilabas nito ang phone at ipinakita sa kanya ang picture. She almost drop the phone kung hindi lang siya maagap.
Shit! That is the guy who just kissed her! She groaned inwardly.
"Hoy ate! Ano nang nangyari sa'yo?"
She calms herself. So the guy thought she is Lilac. Sasabihin niya ba sa kakambal ang nangyari? No. Umiling siya. She better not to.
"Hindi naman guwapo." komento niya.
Hinampas siya ng kapatid sa braso. "Ate! Grabe ka!"
"Aray! Nagiging bayolente ka na?"
Umirap ito. "Sobra kang manlait kay Jet."
Tumikhim siya. "Seriously, Lilac. Bakit gusto mo siya? Grams said he is a playboy."
Natigilan naman ang kapatid. Tahimik na kinuha nitong muli ang cellphone mula sa kanya. "I know, ate. Pero matagal ko na siyang gusto. Alam kong babaero siya, marami ang nagkakagusto sa kanya. Kaya nga hanggang tingin lang ako eh. Alam ko naman na masasaktan lang ako at imposible din naman na magustuhan niya ako. Gusto niya ang mga liberated na babae. Parang ikaw," then she pauses, "pero ayoko din naman na baguhin ang sarili ko para lang sa kanya."
She sighs. "Huwag mo ngang ipinagkokompara tayong dalawa. Magkaiba tayo. At huwag na huwag mong pababain ang sarili mo. Hindi ba at sinabihan na kita tungkol diyan?"
Ngumiti naman si Lilac. "I know ate. Thank you for always believing in me." niyakap siya nito.
"Sus. Oo na. Si Grams nga pala?" hinanap ng mata ang abuela.
"May kausap sa loob. Tungkol ata sa business."
Tumango tango siya.
"Lavender, Lilac.." Mommy called them.
"Hi, mom. Si dad?" aniya.
"May kausap sila ng Lola mo. Business ata. Are you girls enjoying the party?"
She rolls her eyes. "No. I'd rather go to my room, get my phone and laptop running. Mom, I don't like socializing."
Tumawa naman si Ivory. "I know, darling. But indulge your grandma for now."
"Mom, why daddy didn't want to work with Grams business? I mean, I know that dad is too successful on his career and his company now. But did he ever tried running Gram's property?"
Tumingin sa kanya ang ina. "You might have your attitude from me but definitely daddy's passion for business. Well, your dad loves to prove something. That he can do things his way and how he wants to do it. Nakita iyon ng Lola ninyo kaya naman pinabayaan ang daddy ninyo sa gusto niyang gawin. Your dad is full of pride. Na kaya niyang gawin ang mga bagay na ipinangako niya." Mom looks so much in love with daddy. They hated each other before dahil sa magkasalungat na ugali nilang dalawa. But they fell in love with each other. Gusto niya na kapag may nahanap siyang lalaki ay katulad ng daddy niya.
"What about you, mom?" tanong ni Lilac.
Tumawa ang ina. "Ayaw ng daddy ninyo na magtrabaho ako. Responsibilidad daw niya na buhayin tayo. Kaya naman nagkasya na lang ako sa paggawa ng mga cakes sa bahay. I am happy with your dad, and with you both. Okay na ako doon." Yes. Her mom graduated in culinary arts. Masarap itong magluto lalo na ang mag bake. Kaya naman nagtataka siya na hindi magtayo ng business ang mommy niya. She will work something out. Tutal, malapit na rin naman ang wedding anniversary ng mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
The Mistaken Bride
Roman d'amourHe hated her. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang taong mahalaga sa buhay niya. He will make sure she will suffer!