Chapter 1 - Unexpected

515 7 2
                                    

Lavender's POV:

" What?? "

" Anak, hindi rin namin alam ng papa mo. Tumawag lang sa amin ang katiwala ng lola mo. "

" Mommy, this is absurd! Bakit ko kailangang magpunta doon? At bakit ako lang? Hindi kayo kasama sa gustong makita ni lola? "

Her father sighed. " Anak, hindi ba at nasabi na namin sa iyo na may business meeting kami sa Singapore? Sa makalawa na ang flight namin ng mommy mo. "

" And I'll be there by myself? " She groaned inwardly. " How long will you be in Singapore? "

" One to two months ----- "

" One to two months?! Dad, that means I'll be there that long?! Ohmigosh. Mom! Paano ang school ko? Pati ang mga friends ko? Dad! " Pagrereklamo niya. She can't believe this is happening.

" Lavender Robinson! That is final! Your grandma needs you. Ilang beses ko na bang pinagbigyan ang mga kalokohan mo, ha? " Mataas na ang boses ng ama niyang si Tanner. Ang ina namang si Ivory ay tumahimik. " Ako na ang bahalang kumausap sa mga kaibigan at mga professors mo. Huwag ka nang mag protesta pa. Pinal na ang desisyon namin ng mommy mo. "

She groaned again. Kapag ganoon na ng boses ng daddy niya ay hindi na iyon pwedeng baliin pa. Kakastart pa lang ng second semester kaya naman hindi niya maintindihan ang biglaang pagpapatawag ng lola niya. Maybe her dad is right. Her grams might need her.

" Sasamahan ka doon ni Yaya Selma mo. Wala pa ring anak iyon. Ang kapatid naman niyon na si Teresa ay nakitira dati sa atin na matandang dalaga rin. Pero umalis din. " Biglang naging mailap ang tingin ng kanyang ama gayundin ng kanyang ina.

" What's wrong? Bakit siya umalis? " Malakas ang kutob niyang may nangyari noon.

Tumikhim ang ama niya at tila hinahanap ang tamang salita. " She... She tried to kidnap you when you were young. You're so adorable no one can resist you. "

" Pero dad. Hindi ba may posibilidad na makita ko iyong Teresa doon? Does that mean I'm not safe? Does that mean I am not adorable anymore? " She teased.

Ngumiti ang ama. " Of course not. Matagal nang wala doon si Teresa. Tiniyak iyan sa amin ni Yaya Selma mo. At kung buhay lang sana ang kakambal mo ay... " Her dad's voice broke.

" Daddy... " Marahang saway niya sa ama. They are miracle babies. Forty years old na ang mama niya nang mabuo sila ng kakambal na si Lilac ( Ang dapat na pangalan ng kakambal niya ). But it was announced that she did not make it. She is older by a minute ayon sa mommy niya.

" Alam ko na marami akong pagkukulang Lavender. Mommy and I promise to make it up to you after nitong sa Singapore. " Hinawakan ng daddy niya ang kamay niya.

" Dad, I love you both ni Mommy. You've given me more than enough. It's just that alam ninyo naman na against si Lola sa pagiging liberated ko. But of course, I won't do anything to the point na ikahihiya ako ng pamilyang ito. "

" I know baby. Mag iingat ka doon, ha? " Ngumiti ang mommy niya.

" I will Dad. I'll keep in touch. "

~~~~~
" Hello, Daddy? "

" Anak nandiyan ka na ba sa Marinduque? "

Iniikot niya ang tingin sa port. Her dad prefers the plane at sinabing pwede naman nilang gamitin ang Cessna but she refused. Ang yacht ang ginamit niya para ma-enjoy ang dagat. " Yes, dad. Sabi ni Grams may magsusundo daw sa akin dito. "

" Hintayin mo na lang anak. Gusto mo bang ipadala diyan ang kotse mo? "

"No, daddy. I'm fine." May isang medyo may edad nang lalaki ang lumapit. His warm smile ay tila nagsasabing ito ang sundo niya.

"Ma'am, kayo po ba si Miss Lavender?"

"I gotta go, dad. Andito na iyong sundo ni Grams. Kiss mom for me. I love you both."

"Mag iingat ka anak. Tawagan mo ako from time to time. I will. Bye, baby." Kahit na seventeen years old na siya ay baby pa rin ang trato ng ama sa kanya.

"Hello po. Yes, ako po si Lavender. Kayo po si...?"

Ngumiti ang matanda. "Tawagin mo na lang akong Mang Nilo, Miss Lavender. Halika na. Naroon ang sasakyan." Itinuro nito ang isang Bentley continental.

Napasipol siya. Oh man! Grams is really filthy rich! "Lavender na lang po, Tata Nilo. Nice car." Alam niyang maimpluwensiya ang Lola niya sa lugar na ito. Magmula pa lang sa pag dock niya ng yate ay halos pinagtitinginan na siya ng mga tao. At mula sa pier ay may nakasunod na motor boat sa kanya. She even saw a man pagbaba niya ng yate na nasa malayo at tila binabantayan ang bawat kilos niya. She rolled her eyes. **( Lavender's outfit )**

"Alam mo ineng, akala ko ikaw iyong anak ni Teresa. Kahawig mo si Lilac."

Napasinghap siya doon. Nawala ang atensiyon sa lalaking nagmamatyag sa kanya. "What? Sino... Sino pong Teresa?"

Nilingon siya ng matanda. "Iyong kapatid ng dati ninyong katiwala. Si Selma. Naku! Hindi ninyo ba nabalitaan? Namatay na si Selma at Teresa noong nakaraang buwan pa. Nabangga ang sinasakyan nila."

May namuong kaba sa dibdib niya. What is going on? Kaya ba siya pinatawag bigla ng lola niya?

"Ilang... Ilang taon na po iyong si L-Lilac?" Oh my gosh. This ain't happening.

"Kasing edad mo siguro. Sa pagkakaalam ko ay disisyete anyos na ang batang iyon. Mapagkakamalan kayong kambal. May iilang pagkakaiba na makikita lamang kung tititigan kayong mabuti." Tuloy tuloy na sabi ni Mang Nilo.

"N-Nasaan po si L-Lilac ngayon?" Parang tambol ang kabang nararamdaman niya sa dibdib.

"Noong isang linggo pa siya sa mansion. Ay, ineng. Pagpasensiyahan mo na ang kadaldalan ko." Mahinang tumawa ang matanda.

"Ayos lang po iyon Tata Nilo. Ahm... Tata Nilo? Ano pong reaksiyon nI Lola noong nakita niya si Lilac?"

"Hinimatay siya. Nagkataon na hinahanap ni Lilac ang Lola mo dahil ang sabi niya ay may naiwang sulat ang nanay niya. At para na rin ibalita ang nangyari sa magkapatid. Hindi nga namin nalaman na nagbuntis iyang si Teresa. Ang alam namin ay masungit siya. Kaya naman laking gulat din namin noong makita si Lilac." Nilingon siya ng matanda. "Aba'y, anong nangyari sa iyo? May masakit ba sa iyo? Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ng matanda.

Pinunasan niya ang mga luha. "Huwag ninyo akong alalahanin, Tata Nilo. Pakibilisan na lang po."


The Mistaken BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon