Chapter 5 - First day of School

134 4 0
                                    

Lavender's POV:

Cornell University. Ito ang unang pagkakataon na tatapak siya dito. It looks like those University in the US. There's a foreign feel to it. She's starting to get attention from the other students magmula pa lang sa gate ng school. She rolled her eyes. She's wearing a black spaghetti strap top, black denim shorts, plaid top na nakabuhol sa beywang, black ankle boots at aviator glasses. Nagpunta siya sa registration office at inasikaso siya matapos malaman na siya ang apo ng may ari. Marahil ay itinawag na ng abuela ang pagdating niya. She was able to get her schedule at iyon ay ang Monday to Friday. Hindi niya alam ang schedule ng kakambal but it's better this way.

Ang Cornell ay may tatlong main building. East, north at west. Iyon ay dahil nakabukod ang mga courses at halos ang magkakapareho ng field ang magkakasama sa isang building. At dahil HRM ang course niya ay sa East Building siya. Matapos tingnan ang registration sheet ay dumiretso na siya patungong east building. Nag vibrate ang phone niya. Tumatawag si Lilac.

"Hello, sis."

"Ate, nasaan ka na?"

" Andito na ako sa Cornell. Papunta na ako ng East building. Hahanapin ko pa ang room ko." aniya.

"O sige. Tatawag ulit ako, nandito lang kami sa Creation Hall. Sabay tayong mag lunch, ha?"

"Sige. Ako na lang ang tatawag. Baka mahirapan akong hanapin ung ibang room ko."

"Okay! Bye, ate!"

Napaka gregarious ng kapatid niya. Napailing siya. Kamusta kaya ang buhay ng kapatid niya sa Cornell? Her question was answered moments later.

She's almost near the building when she passed by a group of students. Nakayuko siya kaya hindi niya napansin na pinagtitinginan at pinag uusapan siya ng mga ito.

Malena's POV:

"Wow! Nag transform ba si Lilac? Ang seksi niya pala?"

"Tumigil ka Sean kung ayaw mong isumbong kita kay Hazel." ani Malena, ang leader ng grupo. Kilalang campus playgirl. Mahilig mambully ng mga estudyante. Sinuri ng tingin ang pagdaan ng akala nilang si Lilac. Inis siya sa babaeng iyon dahil ang boyfriend na si Luke ay gustong makilala ang babaeng iyon. Her boyfriend definitely knew a hot woman when he sees one. Kahit na simple lang ang pananamit. Lumapit si Malena dala ang isang cup ng caramel mocha frappe.

"Go, Lena!" hiyaw ng mga kasama at nagtawanan ang mga ito.

Sinadya niyang tapunan ito. "Oh! I'm sorry!"

Lavender's POV:

She gasped aloud. Naramdaman ang pagdaloy ng malamig na frappe sa damit.

"Oh, I'm sorry!"

The voice is held with sarcasm. Umangat ang tingin niya at naningkit ang mata. Nasa harap niya ngayon ang isang babaeng may hawig kay Jennifer Lopez.

"What the fuck?!" Nilingon niya ang grupo na kasama ata nito. Nagtatawanan ang mga iyon.

"Hindi kita nakita eh. Sorry ka." Kapagkuwan ay sabi nito. There is an evil smile on her lips.

"Bagay sa'yo, Lilac! Para madiligan ka naman!" kantiyaw ng isang babae na naka pixie cut ang
buhok.

Kumunot lalo ang noo niya. So, they thought she is Lilac? Ganito ba ang ginagawa nila sa kambal niya? Her jaw tightened even more. Naisip na nabu-bully ang kambal niya sa mismong school na pag aari nila. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang abuela.

"Oh my! Magsusumbong pa ata, Lena! Hahaha!" Lalong lumakas ang kantiyawan.

Nakatatlong ring bago may sumagot.

"Hello?"

Nabosesan niya ang abuela "Grams? May cctv ba sa Cornell? At may AV room?"

"Bakit apo? Ano ang nangyari sa iyo?"

Nanlaki ang mata ng kaharap. Then smiled lazily. "Bluff. Akala mo matatakot mo ako? Nagkamali ka ng kinakalaban, Lilac!"

Grams overheard the lady. "Ano ang nangyari sa kapatid mo??"

"Don't panic, Grams. Ako ang bahala. So, meron nga?"

"Yes. Nasa Emerald Building. Sabihin mo na apo kita. Ano ba talaga ang nangyayari Lavender?"

"Huwag kang mag alala, Grams. Ikukwento ko mamayang pagdating. Or should I say your bodyguard is going to call you soon enough. I'll update you later." Bago pa makapagsalita ang abuela ay ini off na niya ang telepono.

"Nagsumbong ka sa Lola mo? Ahahaha. Kawawang bata." Tuya nito sa kanya.

"Lena, right?" Kumuha siya ng panyo at pinusan ang damit. Medyo malagkit na ang pakiramdam niya.

"Hindi mo ako, kilala?"

"Should I? I don't give a fuck for nonsense people." She smiled sweetly.

"Aba't ----"

Before the woman can finish her sentence, she grabbed her hair that the woman screamed. Biglang sumunod ang tatlong kasama nito. Lena was trying to grab her as well pero di hamak na mas matangkad siya at mahaba ang reach niya. The woman with pixie cut hair tried to grab her hair but she pushed her kaya sumubsob ito sa lupa. The other tried to grab her hair that she ducked and pushed her as well. Tinitigan niya ng masama ang lalaki.

"This is a girl fight." Alam niyang na intindihan nito ang sinabi niya kaya umatras ito. She looked as if she can kill anytime. Kinaladkad niya si Lena hanggang sa makarating sila sa room niya. May mga kasunod din silang mga estudyante na nakiki usyoso sa nangyayari. Ang iba naman ay may mga hawak na cellphone at pihadong vini-videohan sila. Nagulat ang lalaking professor nang pumasok siya habang kaladkad pa rin si Lena.

"You bitch! Let me go!"

"What's going on? And who are you?"

"Lilac?" may isang babaeng tumawag ngunit hindi niya ito pinansin.

"Are you Mr. Nervaez for the business management class?" She asked. The curious eyes of everyone is on her.

"Yes. What's happening here? Let her go."

Tumaas ang kilay niya. Humarap sa klase. "Hi, everyone. My name is Lavender Robinson. Transferee. This is an example of people trying to pull you down just because you are new but you have to fight back." Binitawan niya ang buhok ni Lena.

"Bitch! How dare you!" Akmang sasampalin siya nito but she grabbed her hand.

"Don't dare touch me." There's danger on her tone.

"That's enough Miss Robinson. Let her go and take your seat. We will talk after class. And you as well." Hinarap nito si Lena., "I'll asked for both of you with the discipline committee."

Lena smirked. "We're not yet thru bitch!"

The Mistaken BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon