Kumunot ang noo niya. She can feel someone behind her. Kinakabahan man, pilit niyang hindi ipahalata na alam niyang may sumusunod sa kanya.
It's been two weeks at pansamantala ay kumukuha siya ng ilang units sa isang maliit na pampublikong eskuwelahan doon. Malapit lang ito sa bahay. Walking distance ngunit dahil may kailangan siyang ipasa kaya ginabi na siya ng uwi. Nagtext na rin siya sa tiyuhin na pauwi na siya. He doesn't reply. At all. Hindi nga niya alam kung natatanggap nito ang mga text niya. Hindi niya ito nakakasabay kumain at madalang na makita niya ito sa mansiyon. Oo. Mansion ang bahay ng masungit na tiyuhin niya. Ang bahay ay may high security. Password protected ang mga gates at pinto. Nang matapos siya i tour ng mga magulang sa mansion ay kinuha ng tiyuhin ang fingerprint at ni-record ang boses niya. Nang sa ganoon ay makapasok siya sa kanyang kuwarto, gate sa harap at likod, sa library, gayundin sa kusina at banyo. Bukod doon ay hindi niya na maa-access ang ibang kuwarto. Napaismid siya. May trust issues yata itong tiyuhin niya. May nobya o asawa na kaya ito?
Naipilig niya ang ulo. Hindi niya dapat iniisip ang mga ganoong bagay. She's only here for six months at uuwi na din siya.
"Oh. Who do we have here? I bet this is going to be an interesting night."
Nagulat siya at napalingon. Kumunot ang noo na pilit inaaninag ang lalaking nakatayo. Damn. Si Donovan. Ang lalaking hilig mam-bully ng mga bago doon. Nalaman na niya iyon sa iilang kaklase. Na lagi na pinagtitripan nito at ng mga kasama nito, ang mga bagong dayo sa lugar na iyon.
"Donovan."
Tumawa ito. "Oh! Did you hear that guys? This b*tch knows my name!"
Her eyes widened nang mula sa gilid at sa likod ay naglabasan ang mga kasama nito. Isa, dalawa, tatlo, apat.. Lima! Anim silang lahat. Tatlo sa likod at tatlo sa harap, kasama na doon si Donovan. She knew a little martial arts pero ang isa laban sa anim?!? Who is she kidding?!?
BINABASA MO ANG
The Mistaken Bride
RomanceHe hated her. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang taong mahalaga sa buhay niya. He will make sure she will suffer!