chapter 25 - mystery man

14 1 0
                                    

"I didn't know that that was the last time I will see him." Hinawi niya ang kumawalang buhok mula sa pagkakatali. She looked at the sky outside. "Bago pa man ako makauwi ay may humarang na sa daan. It's some of daddy's men. Apparently, pagka alis ko pa lang sa shooting range ay may tinawagan na si Tito para itakas ako pabalik dito." She sighed deeply.

Nanlaki ang mga mata ni Lilac. Naitutop nito ang kamay sa bibig. "Oh my... I-is he d-dead?"

Umiling siya. "I don't know. Ilang beses akong nagtanong. I lost count already. Mom and dad didn't want to talk about it. Ang alam ko lang, hindi nila basta-bastang mapapatay si Tito Marco." Nilingon niya ang kapatid. "So I guess that answers your question how did I learned all of these."

Tumango ang kapatid. Lumakad ito pabalik sa ring. "I guess, whatever happened to him, you wouldn't want his training go to waste, hmmnn?"

She grinned. Umakyat sa ring. "Now you're talking."

**********************************************

"Anong balita?"

"The bodyguards are everywhere. We can't make our move."

Tinitigan niya ang picture na nasa ibabaw ng study table. Hinawakan iyon. His face grim. "There must be something you can do about that. Or sinasabi mo ba na hindi ninyo kayang gawan ng paraan iyan?"

"Boss, it's not like that. Ayokong mawalan ng tao nang dahil hindi kami nag-iingat."

"Bullshit! Do your fucking job or I'll find somebody else who can!" Pinatay na niya ang tawag. He picked up the paper weight at ibinato. "Mga walang silbi!" He dropped on the chair and threw his head back. Ipinikit niya ang mga mata.

"Anak?" Isang mahinang katok ang nagpamulat sa kanya. His mother.

He sighed. "What is it, mom?"

A paused. "Can I come in?"

He lazily got out of the chair at binuksan ang pinto. "What do you want, mom?" Bumaba ang tingin niya sa tray ng pagkain.

Pumasok ang ina. Inilapag ang dala sa ibabaw ng lamesa. Tinapunan nito ng tingin ang basag na paper weight. His mother sighed. "Kumain ka na muna. Ang sabi ni Nana Celia ay hindi ka pa kumakain." Tinitigan siya nito. Kapagkuwan ay bumaba ang tingin nito sa picture frame na nasa lamesa.

"I'm not hungry, mother. I'm busy." Humalukipkip siya.

Hinawakan nito ng may pagsuyo ang larawan. "Kung nandito ang ama mo, for sure, he's proud of you." Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ng ina.

"If he's here, that is." Sarkastikong tugon niya.

Lumapit ang ina sa kanya. "Anak, tigilan mo na ito. Hindi na natin maibabalik pa ang mga nangyari." Hinawakan siya nito sa braso.

"No! Hinding-hindi ko sila titigilan, ma. Pagbabayaran nila ang nangyari kay dad." Ipiniksi niya ang braso at lumapit sa bintana.

"Tama na, anak."

"Are you done, ma? If you will excuse me. I'm busy. I have things to do." He walks at the door and opened it. Disimuladong pinaaalis ang ina. He can't concentrate if his mom is like this.

Huminto ang ina sa tapat niya. "I hope you will not regret whatever you're doing, anak." Lumabas na ang ina.

Damn.

***********************************************

NAPASINGHAP siya nang may tumakip sa mga mata niya. Unti-unting nabuhay ang panic sa dibdib.

"Hey, gorgeous. I haven't seen you in a while.."

The man was too close for comfort. Ang mainit na hininga nito ay tumatama sa tainga niya. Pilit niyang inaalis ang kamay nito na nakatakip sa mga mata niya.

"No can do, sweetheart. I have a surprise for you."

"W-who are y-you?" She can't find her own voice.

"Argh. That hurts my ego, sweetie. Nakalimutan mo na agad ako?" Inalis nito ang kamay.

Lumingon siya at suminghap. "J-Jet!"

He gave her his infamous lopsided grin. "Surprised to see me?" Iniyakap nito ang braso sa beywang niya.

Sa sulok ng mga mata ay nakita niya ang pagka alerto ng dalawang bodyguard. Pilit niyang inaalis ang kamay nito sa beywang niya. She almost can hear her heart thumping violently. "A-ano ang ginagawa m-mo d-dito?" Oh my gosh! Get a grip, Lilac. Kalma!

He was about to kiss her ngunit umatras siya. Kumunot ang noo ni Jet. "Is there something wrong?"

Nilinga niya ang dalawang bodyguard. Even though it is Jet, ani ng ate niya ay hindi siya puwedeng basta-basta na lang magtitiwala. Sumenyas si Louie kay Carl. They eyed her para ipaalam na pupuntahan sila ng mga ito. She shook her head.

"Sino ang tinitignan mo?"

Bumalik ang mata niya kay Jet. "I-I'm sorry.. Kailan ko nang umalis." Mabibilis ang hakbang niya palayo dito. Why is Jet acting as if this isn't the first time na nagkita sila? Naguguluhan siya. Nag ring ang telepono. Si Louie. Ang bodyguard ng ate niya ngunit ang sabi nito ay mabuti na si Joshua ang magbantay dito dahil mas may kakayahan si Louie. She sighed. Sinagot niya ang tawag.

"Yes, Louie?"

"Miss, are you okay? Did he do anything?"

Umiling siya kahit hindi niya ito nakikita. "N-No. I'm.. I'm okay."

"Do you know him?"

"Yes." Nilingon niya si Jet. Nakatingin pa rin ito sa kanya habang papalayo siya dito. He was talking about a surprise. Alam niya na narinig ng mga bodyguard ang pag-uusap nila. Isa sa kondisyon ng ate niya ay ang paglalagay ng tracker at microphone sa kanya. That her bodyguards would know even her conversation with someone. Ngunit iyon ay kapag nasa labas lang naman siya. She protested at first. She felt her very privacy is being violated. Ngunit matigas ang ate niya na na kailangan iyon para masiguro ang kaligtasan niya.

"Would you like us to tail him?"

"Hindi na kailangan, Louie. He's just.." Ano nga ba si Jet? Siya ay isang pangarap. Isang pangarap niya. She sighed. "He's just a.. friend." Dumiretso siya sa parking. Ngunit nakaramdam ng hilo. She stopped. She can feel the ground moving. Unti-unting nagdidilim ang paningin niya. Oh god no. Not here, please!

"Miss!"

Alam niyang nakikita siya ng dalawang bodyguard. She can hear a faint yell at the distance. Na tila tinatawag siya. Ngunit kasabay noon ang pagtakip ng panyo sa ilong niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Ate...

The Mistaken BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon