Lavender:
"Excuse me. I'll just take this call." aniya sa lalaking kaharap. Tumango naman ito.
"Hello?"
"Miss Robinson, ako 'to. Si Miss Cardenas."
Kumunot ang noo niya. She doesn't know any Miss Cardenas.
"I'm sorry. I am Isabel Cardenas. Ako ang head ng purchasing department. Are you still here in the office?"
Ah. Isabel Cardenas. She wrote on her notebook. "Yes. I am still here. Narito ako sa financing department. I'll be there in a bit." Pinatay na niya ang telepono. She didn't want to talk to her yet. "Sorry. You were saying?" hinarap niyang muli ang VP for finance na si Art o Arthur Perez.
"About the finances of the company. Is it necessary that you will get the information as well?" nag aalangan na tanong ng kaharap.
"Yes. Including the finances."
Iniabot nito ang folder. "This is strictly confidential. This should not be out of the company." Naghihinala ang tingin ni Mr. Perez sa kanya.
"You can call Doña Esmeralda if you have any doubts. I am being sent here for a purpose of studying how the company is doing. Is there a problem?" Tinaasan niya ng kilay ang kaharap. Of course she doesn't want to insinuate that she is the granddaughter of the owner. But even so. They seems to be hiding something.
Umiling ang kaharap. "No. I am just saying. I don't judge the CEO's decision. It's just that you are considered a stranger still. Even with the authorization."
"Ow. Unless you are hiding something from the company, I think there should be nothing that you are worried about. Are these all the files?" Ayaw na niyang makausap ang isang ito dahil baka hindi na siya makapagtimpi.
"Yes." she saw the man clenched his jaw.
"Thank you." Sandali niyang pinag aralan ang ilang files. May napansin siya. "Where are the finances for the reconstruction and the upholstery?"
Natigilan ang kaharap. "Well, I was only advise of the finances for the purchases and delivery."
"Isn't that suppose to include everything? You purchase materials and gain profits from reconstruction and upholstery, right?"
"Err.. Yes." nagyuko ito ng ulo.
"So, who is in charge for it?"
Tumahimik ito.
"Mr. Perez. I am asking you."
Umiling ito. "I.. I don't know."
Tumango tango siya. First day at marami na siyang nalalaman sa kumpanya. "Thank you for the honesty, Mr. Perez. Sino ang maari kong makausap tungkol dito?" She started writing.
Tumikhim ang kaharap. "Pancho Delgado."
Kumunot ang noo niya. Pancho? Hmmnn. So, the purchasing and the reconstruction ang magkasabwat. Makes sense. "This is all for today. Babalik ako bukas. Pakisabi kay Ms. Cardenas na bukas ko na lang siya kakausapin."
"Ahmmnn.. What are you going to say to Madam?"
Tinitigan niya ito. "Don't worry, Mr. Perez. If there is a positive feedback I will tell Doña Esmeralda about? It has to be you." she smiles.
Nakahinga naman ng maluwag ang kaharap. "Thank you Miss Robinson."
"You're welcome. So, see you tomorrow." nagpaalam na siya at tinungo ang elevator pababa. She dialed one of Grams' bodyguards.
"Lester."
"Miss Lavender," he acknowledged.
"Nandito ka pa rin ba sa building?" May tatlong security na ipinadala ang lola niya sa building.
"Yes ma'am."
"Good. Pakimatyagan ang mga tao sa loob. Coordinate with Melvin and Ian. Hindi maganda ang kutob ko sa opisina. May sabwatan na nagaganap. At may nakausap akong tao na pwedeng mapahamak."
"Sino sa mga tauhan ng kumpanya?"
"A certain Mr. Perez. VP for finance."
"Copy, ma'am. Maglilibot kami sa office. I'll have Melvin on the lookout. Kami na ang bahala. Salamat sa impormasyon."
"I'm counting on the three of you."
"Miss Lavender, you sounded like a boss and I like it."
Tumawa naman siya. "Stop flirting with me, Lester. Ipapasisante kita kay Grams."
Gumanti ng tawa ang nasa kabilang linya. "Hindi ka na mabiro."
"Pinaaalalahanan lang kita. O siya, report back with me for anything."
"Areglado boss."
Tinapos na niya ang tawag. Dumiretso na siya sa parking lot ng may mapansin na note sa windshield ng kotse.
Huwag ka nang makialam sa kumpanya kung ayaw mong mamatay!
Luminga linga siya sa paligid. Nang makapasok ay tinawagan niya ang bodyguard na si Louie.
"Louie,"
"Ma'am, naunahan ninyo lang ako. Patawag na sana ako."
"May nakita akong note sa kotse ko. Death threat." pilit niyang pinapakalma ang boses.
"Yes ma'am. Nakita ko na iyan kanina kaya naman nandito ako sa security ng parking. Nariyan lang si Carl sa paligid. Walang nakialam sa kotse mo at pinag-aaralan na namin ngayon lang ang cctv dito. Naka hood ang nag iwan ng note at naka itim. Pero may nakita akong keychain ng isang brown panda. Palagay ko ay babae dahil naka heels," pagbibigay impormasyon ni Louie.
Medyo nakahinga siya ng maluwag ng malamang nasa paligid lang si Carl. "Si Joshua, nasaan?" tukoy niya sa pangatlong bodyguard.
"Babysitting your sister," Louie chuckles.
"Mabuti. Call me for other information."
"Yes ma'am."
Binuhay na niya ang makina matapos tapusin ang tawag. This is serious. Alam ng mga taong iyon na pinag-aaralan niya ang kumpanya. So, kung ang abuela niya ang nagdesisyong mag imbestiga ay balak ng mga itong patayin ang lola niya?
No. She will not allow that to happen. At ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya. Kung inaakala ng mga ito na wala siyang kalaban laban, they can think again.
Idinayal niya muna ang numero ng kakambal. Naka dalawang ring bago ito sumagot. "Lilac,"
"O ate? Bakit?"
"Nasaan ka?"
"Nandito sa school. May painting session pa kami."
"Wait for me. Susunduin kita. Nakita mo ba si Joshua?"
"The bodyguard?"
"Yes." Panay ang suyap niya sa rearview at side mirror, tinitiyak na walang sumusunod sa kanya.
"Nakita ko siya kanina sa may gate pero ngayon, hindi ko alam."
"Huwag kang aalis ng room mo unless I am there."
"May problema ba ate?"
"Nothing. Basta. Makinig ka sa akin at huwag matigas ang ulo mo. Huwag kang lalabas at hintayin mo ako."
"Yes ate. Mag iingat ka."
"Sige, bye." Matapos kausapin ang kapatid ay tinawagan niya si Joshua.
"Josh, nasa school ka pa ba?"
"Yes ma'am."
"Wait for me. Ako na ang magsusundo kay Lilac. Then keep us covered."
"Sure thing, boss."
BINABASA MO ANG
The Mistaken Bride
RomanceHe hated her. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang taong mahalaga sa buhay niya. He will make sure she will suffer!