Lilac's POV:
Nabitiwan niya ang hawak na plato at nagkapirapiraso iyon. Unable to utter a word.
"Hi." Isang alanganing ngiti ang ibinigay ng babae sa kanya. Naka off shoulder dress ito. Rubber shoes at Jade necklace. May dalang tote bag. Kasunod nito si Tatay Nilo. Yumuko ito at pinulot ang malalaking piraso ng nabasag na plato.
"Naku, ineng! Ako na ang bahala diyan. Baka masugatan ka. Adela!" Malakas na tawag ni Mang Nilo. Sumungaw ang isang dalaga na naka apron, isa sa mga kasambahay. Kumuha ito ng walis at dust pan at sinimulang walisin ang mga piraso ng plato.
"S-sino ka?" Tila siya nakaharap sa salamin. Malaki ang pagkakahawig ng babae sa kanya. Iisipin niyang kakambal niya ito ngunit imposible.
"Lavender Robinson." Inilahad nito ang kamay. May namumuong luha sa mga mata ng kaharap na napakunot ang noo niya.
"Robinson?!"
Obvious ang pagsuring ginawa nito sa kanya na nailang siya bigla. akasuot lamang siya ng blue denims, white T-shirt at nakayapak. Masyado siyang simple kumpara dito.
"Dumating ka na pala apo."
Lavender's POV:
Nilingon niya ang nagsalita. It's her Lola. Doña Esmeralda Robinson. Kilala bilang 'Madam' sa mga taga roon. "Hi, Grams." Lumapit siya at nagmano dito. Humalik din siya sa pisngi nito.
"Kamusta ang biyahe mo, apo?" Hinaplos nito ang mahaba at kulot niyang buhok.
Ngumiti siya. Mukhang hindi na ganoon ka strikta ang Lola niya. "Fun! I brought the yacht with me. May bisita ka, Grams?" Muli niyang nilingon si Lilac.
She heard her grandmother heaved a sigh. "Halika. Sumunod kayong dalawa sa study area." Her grandmother is already 75 years old. Ngunit nagagawa pa rin nitong maglakad lakad sa loob ng mansion. May hawak man itong tungkod na alalay nito sa paglalakad ay malakas pa rin ang Lola niya.
Nauuna siyang maglakad at si Lilac ay kasunod niya. Sa loob ng study room ay magkatabi silang naupo. Nasa harap nila ang Lola niya.
"I don't want to beat around the bush anymore. Kambal kayong dalawa."
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Lilac. Napatayo itong bigla. Siya naman ay inaasahan na iyon.
"H-how? I mean... Bakit? Paano?" Bakas sa mukha nito ang pagkalito.
Inilapag ni Lola ang isang sulat. "Nariyan ang lahat ng sagot sa katanungn ninyo."
Kinuha niya ang sobre at sinimulang basahin ang sulat. Nakapangalan iyon sa mga magulang niya. Hindi. Magulang nila.
Ivory at Tanner,
Marahil ay nagtataka kayo sa kadahilanang sumulat ako. Alam ko na hanggang ngayon ay hindi ninyo pa rin ako napapatawad sa kagustuhan kong kunin si Lavender.
( sumulyap ang kapatid sa kanya)
Hindi ko intensiyong ilayo siya gaya ng ibinintang nila sa akin. Aaminin ko na natuwa ako sa kanya. Siya ay ang kabuuan ng pangarap kong maging anak. Sa kasamaang palad ay ni hindi ako makahanap ng lalaking kaya akong mahalin sa kung sino ako. Nabuntis ako ng isang lalaking may asawa. Huli na nang malaman ko na may pamilya na ang lalaking pinag ukulan ko ng panahon at pagmamahal. Nagpremature labor ako at kasabay ng panganganak mo Ivory ay ang pagkamatay ng aking anak. Patawarin ninyo akong muli. Nasa akin si Lilac. Oo. Buhay ang inyong bunso. Napakiusapan ko ang manghihilot na kinakapatid ko na ibigay ang bata sa akin. Hindi ko kayang hindi magkaroon ng anak. Alam ko na naging makasarili ako. Patawarin ninyo ako sa kadahilanang gusto kong maranasan na maalagaan ang batang ituturing akong tunay na ina. Akala ko iyon na ang pinakahihintay kong kaligayahan. Nagkamali ako. Siguro ay pinarurusahan ako ng langit sa kasalanang ginawa ko. May cancer ako sa dugo. Malala na at ilang buwan na lang ang itatagal ko ayon sa mga doktor. Nawa ay tanggapin ninyo ang mahal kong si Lilac. Naalala ko na iyan ang pangalang nais ninyo para sa kanya. Kalakip ng sulat ay ang ilang mahahalagang papeles kaugnay ng pagkatao niya. Wala siyang kasalanan. Hindi niya alam ang tunay niyang pagkatao. Mahal na mahal ko si Lilac na parang tunay kong anak. Nawa ay mapatawad din niya ako sa aking kasalanan. Sa mga panahong binabasa ninyo ang sulat ko ay siguradong wala na ako. Ihingi ninyo rin ako ng tawad kay Doña Esmeralda at lalo na kay Lavender. Ipinagkait kong maranasan at makasama niya ang kanyang kapatid. Sana ay mapatawad ninyo ako.Teresa
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa kanila. Maya maya ay...
"K-kakambal ba talaga kita?" Nagingilid ang luha ni Lilac.
She smiled thru misty eyes. "You bet! Fraternal twins tayo at mas matanda ako ng isang minuto sa iyo. I'm sorry about what happened to your mom. Wanna give me a hug, little sis?" Ibinuka niya ang mga braso. Tila batang sumubsob naman ito sa kanya.
"Ate!" Patuloy ito sa pag iyak.
"Welcome home, Lilac Robinson." ani Doña Esmeralda at lumapit. Pareho silang niyakap.
"Grams?"
"Ano iyon, apo?"
"Why you didn't tell mommy and daddy first?" Naguguluhang tanong niya.
"Alam mo naman na nagkaroon na ng atake noon ang daddy mo. Ayokong mabigla siya. Gusto ko na sa pagbabalik na nila galing sa Singapore. Kaya ikaw muna ang ipinatawag ko dito."
"Doña Esme ---"
"You can call me Lola or Grams, apo." ang Lola naman niya ang niyakap nito.
"Thank you, Grams. Salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin. Pero paano po ninyo nalaman eh hindi ninyo pa naman po nababasa ang sulat noon?" si Lilac.
Tumingin sa kanya ang Lola niya. "Magkamukha kayo ni Lavender. Isa pa, ikaw ang babaeng version ng daddy mo noong maliit pa. Sa unang tingin ay talagang mapagkakamalan na ikaw si Lavender. Ang sulat ni Teresa ay nagpatunay lang noon ngunit iba pa rin ang lukso ng dugo." Hinaplos ni Lola ang buhok ni Lilac. "Lavender, apo, bakit tila hindi ka na nagulat sa nalaman mo? Kumpara dito kay Lilac na nararamdaman ko pa ang pagkalito niya sa mga pangyayari. May nalalaman ka ba apo?"
Masuyo niya itong niyakap. "Grams, kaninang pinasundo ninyo ako kay Tata Nilo ay nabanggit niya si Lilac. At sinabi niyang ang nanay niya ay si Aling Teresa. Na hindi naman natin nalamang nabuntis. And somewhere deep inside me is hoping na buhay ang kakambal ko." Hinaplos niya ang pisngi nito. Si Lilac naman ay ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Mistaken Bride
RomanceHe hated her. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang taong mahalaga sa buhay niya. He will make sure she will suffer!