Chapter 7 - Second day

144 5 0
                                    

Lavender's POV:

She smirked. Magmula pa lang pagpasok ay ang nanunuring mga mata ng mga tao ang sumalubong sa kanya. She doesn't care. Naalala ang pag uusap nila ng abuela kanina.

"What happened? Ibinalita sa akin ng bodyguard mo ang nangyaring kaguluhan sa eskuwela. Sino ba iyong babaeng umaway sa iyo, apo?" her grandmother's voice was laced with anger.

"They thought I am Lilac." simpleng sagot niya. Wala na ang kakambal at naunang pumasok. Marahil ay hindi nito gustong makaharap ang abuela dahil tiyak na magtatanong ito.

"I found out na binu-bully si Lilac sa university, grams. This is not the first time. At mukhang ang babaeng nagngangalang Malena Mendoza ang utak sa pambubully kay Lilac. Why? I don't know. That's what I need to find out. I am angry at her because she never mentioned anything about being bullied. How can we protect her if she's not saying anything?"

Umiiling iling ang abuela. "Ako na ang bahala. This is absurd. Hindi man nila alam na apo ko si Lilac ay hindi dapat ganito ang trato nila sa kahit na sino. Hindi ko ito mapapalampas. What about Mr. Nervaez? He has been in the University for about five years. Ngayon ko lang narinig ang reklamong ito."

"He judge me because I am new. He even threatened me not being able to make it to the school. He even said that I am only a student. As if I cannot do anything. What a shame."

Tumango tango ang abuela. "Hindi ko namalayan na ganito na kalala ang mga pangyayari sa eskuwela. Your Gramps will surely rose from the dead hearing this." Nalungkot ang mata ng abuela.

"Grams, for sure, hindi rin naman gusto ni Lolo ang mga pangyayari. I suggest a close monitoring of the university. The students are the reflection of the school."

"Alright. I will have someone in charge. I want you to give me updates regarding the university as well. Watch your sister. She might have experience the same thing. Or even worse."

"I will. And I will make sure this won't happen to her again." nagtagis ang bagang niya sa naisip na sinapit ng kakambal.

"What's your decision? Do you want me to announce who you are?"

"No need grams. It is easier to get more information if they do not know who I am. Are there anyone at the university who knows who I really am?"

"Only Mr. Castro. He is one of those people I can count on."

"Do not be so sure, Grams. Anyway, I gave them 24 hours to think about staying or not." Matapos kumain ay tumayo na siya at nagpaalam sa abuela. "Bye, Grams. I'll keep you posted. Take care."

"Mag iingat ka apo. Ingatan mo rin ang kapatid mo."

She nodded before leaving the house.

And here she is. The usual. Pinagtitinginan na naman siya ng mga tao. Aside from the outfit, marahil kumalat na ang pangyayari kahapon maging ang ultimatum niya kina Lena at Mr. Nervaez ay kumalat na rin. Ang tsismis talaga. She's wearing a black cutout crop bustier, black denim shorts. Black din ang high heeled sandals at may dala lang siyang black leather jacket. Typical biker. She pulled her phone and dialed Lilac's number.

"Sis, where are you?" Inilapit niya lalo ang telepono dahil medyo maingay ang background ni Lilac.

"Ate, may activity kami dito sa Crimson Room. Medyo maingay pasensiya na. Nasaan ka na? Ano pala ang sabi ni Grams?"

"Nandito na ako sa school. Tumakas ka kanina ano? Siyempre nagalit. Anong oras ba ang out mo?"

"Mamaya na lang ako magpapaliwanag kay Grams. Ayoko din naman na mag alala kayo ng sobra. 4:30 pa ang out ko, ate."

"O sige. Antayin mo ako sa may waiting shed. Five pa ang out ko. Sabay tayong uuwi." She uses her authoritative voice.

"Yes, ate."

"Mag iingat ka. Kung anuman ang mangyari, you can call me, okay? Natural na mag alala kami ni Grams. I love you. Mag ingat ka, Lilac. O sige, papasok na ko."

"I love you, too, ate. Goodluck. Thank you. Tatandaan ko."

Ibinalik niya ang phone sa bag. She felt like babysitting her sister. Sa North Building ang kapatid dahil ang kurso nito ay Fine Arts. Her sister loves painting. While she loves photography and she's taking some units on it. But her sister doesn't know it. It is her way of also keeping an eye on her. Pumasok na siya sa unang subject niya.

Nang makapasok sa room ay pinagtitinginan siya ng mga kaklase but the hell she cares. She just took a vacant seat. Second day of school. Pinili niya ang mga subject na magkakasunod at sa dalawang floor lamang ang mga subjects niya. Ayaw niyang mapagod na pumunta pa sa kabilang building. Babae ang pumalit kay Mr. Nervaez sa business management class. Walang naglalakas ng loob na kausapin siya. May thirty minutes na interval ang susunod na klase niya. At sa third floor iyon. Matapos ang klase ay tumayo na siya at umakyat. She's a bit bored. May mga topics na alam na niya dahil ang iba doon ay nai discuss na sa dati niyang school sa first semester. She need to check if the curriculum is updated at Cornell.

Gaya ng sa unang subject, pinagtitinginan siya ng mga kaklase sa pangalawang subject niya. She is getting bored by the minute.

"Lavender, right?"

Nag angat siya ng tingin. Isang lalaki na matinee idol ang peg. Iyong tila mala k-pop ngayon. Maputi, medyo mahaba ang magulong buhok, medyo singkit ang mga mata, matangos ang ilong, fuller lips at maskulado. Bakas ang katawan sa sleeveless shirt na suot.

"Yes?"

He smiled that showed his dimples. "River Lee Clemente. Classmate din kita sa Business management one." Inilahad nito ang kamay.

Hindi siya bastos unless binabastos siya. Inabot niya ang kamay dito matapos tumango. Pinisil nito ang kamay niya na nagpataas ng kilay niya at hinila niya ang kamay. Isa sa mga ayaw niya ay ang mga lalaking presko.

He laughed. "I like you. I like women who are fierce."

"I don't like you, too." she retorted and earned another laugh from him.

The Mistaken BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon